CONNECTION #18

1 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

"H-huh?" hindi maipinta ang expression ni Callie nang marinig ang sinabi ni Sam.

"Ang sabi ko nahanap ko na. Nandito na tayo oh, this is my kind of home", itinuro ni Sam ang nasa harap nilang dagat. Walang halos tao dito dahil lunes ngayong araw.

"O-oh! Oo nga! Tara na para mag rent ng cottage", dire diretsong saad ni Callie bago mapahinga ng maluwag. 

Akala kasi nito ay isang tao na naman ang dadagdag sa listahan ng mga tatakbuhan niya kaya kinabahan ito.

"Tara, kilala ko may-ari nito. Maglibot ka na muna, ako na ang bahala kumausap sa staffs para may ma-stayhan tayo habang nandito", saad ng binata.

Tumango lang si Callie bilang sagot.

Pagkaalis ni Sam ay naglakad ang dalaga palapit sa dagat. "Oh this is life!" saad nito sa sarili habang pinapakiramdaman ang paghampas ng hangin sa katawan niya.

"It's been so long..." bulong nito habang nakatingin sa paligid niya.

Ilang minuto lang ang lumipas nang dumating si Sam sa kung nasaan ang dalaga.

"Okay ka lang?" bungad ng binata sa dalaga. Naabutan niya kasi itong nakaupo sa buhangin habang nakatitig sa hampas ng alon at parang malalim ang iniisip.

"No, but I will be", nakangiting sagot sa kanya ng dalaga.

"Tara na? Number C-21 daw yung cottage natin eh", tumango ang dalaga at nagsimula na maglakad.

Little did he know, she remembers something with that number. She can't help but to smile in pain. It was the day when they officially became in a relationship-- Callie and Skye.

"Callie! Dito na tayo! Lumagpas ka na, akala ko pa naman nakita mo kasi tiningnan mo 'to", natauhan ang dalaga at nilingon ang binata na nakaturo sa number ng cottage.

"Oh.. sorry", tanging saad nalang nito.

"Gusto mo bang kumain na muna or gusto mo magpahinga?" tanong sa kanya ng binata habang nilalapag ang mga gamit na dala nila.

"I'll rest nalang muna siguro. Go have some fun sa dagat nalang, I'll be fine here", saad ng dalaga.

Alam ni Sam na hindi ito okay. Gustuhin niya man na magstay ay hindi niya magawa dahil alam niyang gusto rin ng dalaga na mapag-isa.

"Dun lang ako sa bar counter ah, chikahin ko yung kaibigan ko na dun nagtatrabaho", napangiti ang dalaga sa ginamit na term ng binata.

"Ikaw ha, gay ka ba? Don't worry, I don't mind naman", pang aasar ng dalaga kaya inirapan siya ni Sam na dahilan kung bakit mas lalo pa siyang natawa.

"You always have your own ways... just like him", bulong nito nang makalayo ang binata.

She wants to stop thinking about him but she can't.

Hindi sa ayaw niya pero hindi niya talaga ito mapigilan. Sa bawat simpleng bagay o lugar ay naiisip niya si Skye.

"Maybe I didn't stop loving him.. or maybe, I just missed us", saad niya sa sarili.

The truth is, she's not the Callie right now without Skye. And also, she's not the Callie right now that she used to be. 

Kahit siya ay nahihirapan din intindihin ang nararamdaman niya.

She used to smile a lot noong sila pa ni Skye, but now, she just can't.

She wants to smile and laugh out loud just like before, but she just really can't. Kung ngingiti man siya, pilit nalang, kasi feeling niya required 'yon. 

Nostalgic ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon