CALLIE'S POV"Oh sakto ang pagbaba niyo. Kain na dito anak", bungad ni mama ng makitang pababa na kami ni Skye.
Tapos na sila magluto at nakahain na ang lahat sa lamesa. Agad akong umupo at tiningnan ang mga luto nila.
"Mukhang masarap mga 'to ah", saad ko.
"Syempre, gawa ko iyan eh", sabi ni mama kaya natawa kami. She really is confident when it comes to cooking. Well, I can't blame her.
"Matanong ko lang pala Skye, saan ka nag aaral ngayon?" tanong ni mama habang kumakain kami.
"Iniisip ko pa nga po tita eh. Baka po may irerecommend po kayong university na maganda sistema", sagot ni Steven.
"Jan sa university na pinasukan nila Callie. Maganda don at may inooffer din silang scholarship", tumango tango ako sa sinabi ni mama. Totoo naman, maganda ang sistema sa university na pinapasukan ko.
Ang problema lang naman lagi don ay ang masusungit na professor at pamatay na exams.
"Alam mo Steven, sama ka sa'min ni Skye bukas, tulungan ka namin mag enroll", aya ko sa kanya na ikinatuwa niya pero ikinabusangot naman nitong isa.
"Hindi ba niyan kaya mag enroll mag isa?" bulong ni Skye na rinig na rinig ko naman kaya sinipa ko siya ng mahina lang.
Tumingin ito sa'kin. Nang makitang masama ang tingin ko sa kanya ay napakamot siya sa ulo.
"Siya nga pala, kanina pa tayo magkakasama pero hindi ko pa natatanong kung magkakilala na kayong dalawa iho", saad ni mama kay Skye at Steven.
"No worries tita, magkakilala na po kami ni Skye. Pinakilala siya sa'kin ni Callie last week po", sagot ni Steven.
"Mabuti naman. Alam mo ba Skye, itong dalawang ito ay halos sabay lumaki noong nasa probinsya pa kami. Akala nga namin ay may gusto itong si Steven sa anak ko kasi laging may dalang chocolate kapag pupunta sa bahay namin", kwento ni mama kay Skye.
"Tita naman oh. Syempre bata pa kami non, iba naman na ngayon", depensa ni Steven.
"Aba ay oo nga, wala naman akong sinabi na hanggang ngayon ay may gusto ka dito kay Callie eh", tatawa-tawang saad ni mama.
Nabaling ang tingin ko dito sa isa na halata sa mata ang pagseselos. Here we go again.
-----
Nang matapos kaming kumain, agad na nagpaalam si Skye na uuwi na kaya naman nag volunteer ako na ihahatid ko na siya sa labas.
Habang naglalakad papunta sa sasakyan niya ay tahimik lang kami.
"Love, are you okay?" tanong ko dahil hindi ako sanay na tahimik siya. Dagdag pa sa mukha niyang ang lalim ata ng iniisip.
"No", sagot nito. "Anong problema? Nagseselos ka ba o ano?"
"Selos? Ano yun? Nakakain ba yun?"
"Isa, Skye. Ano nga?"
"I'm not... well, I guess. Halata naman kasing may gusto pa rin si Steven sayo. The way he smile at you. The way he looks at you. The way he talks about you. Akala mo may past kayo eh"
Tumigil ako sa paglalakad, ganun din siya. "He's just really a friend to me. A very very good friend. Kung maramdaman ko man na may gusto siya sa'kin, I know he knows that I have you as my man. Stop overthinking, okay?"
Totoo naman. Hindi ko nararamdaman na may gusto sa'kin si Steven. Magkaibigan lang kami, hanggang dun lang yon.
"Okay, fine. Mauna na ako, mahal."

BINABASA MO ANG
Nostalgic Connection
General Fiction"paano kung ikaw pa rin kahit mayroon nang siya?" - date started: May 17, 2024 - date ended: -- -- ----