CONNECTION #17

1 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

Dumaan ang ilang araw na tahimik ang buhay ni Callie, not until dumating ang araw ng lunes.

"Ma'am, may bisita po kayo. Sam daw po yung name niya. Papasukin po ba namin?" tanong ng secretary ni Callie. 

"Let him in", saad nito habang nag aayos ng mga papers sa harap niya.

Ilang segundo lang ang lumipas nang pumasok si Sam sa loob ng office ng dalaga. 

Napatingin ang dalaga sa bagong pasok dahil sa pabango nitong humahalimuyak.

"You smell like him", bulong ni Callie sa sarili.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Callie sa binata na may dala-dalang lunch box.

"Brought you foods since it's already lunch time", saad nito habang nakataas ang kamay na may hawak na lunch box.

"Wala akong gana kumain", saad ng dalaga sa kanya.

"But you need to. Wala kang choice kung hindi sumabay saakin kumain", saad ng binata habang hinahanda na ang mga pagkain sa lamesa ng office ni Callie.

"Kulit talaga. Bahala ka jan", naglakad palabas ng office si Callie.

Bago pa siya makalayo ay nakasalubong niya si Skye. 

"Hi, may kasabay ka na mag lunch?" tanong nito ng walang pag aalinlangan.

She rolls her eyes before saying, "may kasabay na ako".

Wala siyang choice kundi bumalik papasok sa office nito at umupo sa harap ni Sam na abot langit na ang ngiti.

"Let me guess, nakita mo si greatest love noh?" 

"Not very helpful, Sam. Let's just eat dahil kanina pa ako gutom", inabot agad ng binata ang lunch box na para kay Callie.

"Sabi sabi pa kanina na hindi daw gutom", bulong ni Sam na narinig naman ni Callie.

"Shut up and eat", napahagikhik si Sam dahil sa sinabi ng dalaga.

Tahimik lang silang kumain. They are both minding their own business.

"Magbubukas kayo mamaya?" tanong ni Callie na ang tinutukoy ay ang bar.

"Mamaya daw 7PM open ng bar eh", sagot ng binata.

"Ang tagal naman", bulong ni Callie na narinig ng binata.

"Mag-iinom ka na naman ba?" 

"Huh? Sino may sabi? Hindi ah, magmumuni-muni lang ako", palusot ng dalaga.

"Stop drinking Callie, hindi maganda yan sa health mo", sermon ni Sam na dahilan kung bakit nag-iba ang mood ng dalaga.

"Stop telling me what to do", tumayo si Callie at bumalik sa desk ng office niya.

Sam felt bad dahil hindi niya inasahan na ganon ang magiging reaction ni Callie.

"Uhm.. may importante ka bang schedule ngayong araw?" Sam asked with an idea in his mind.

"Meron kung bibwisitin mo lang ako"

"Sorry na nga eh. Ano uhm.. gusto mo punta tayo ng dagat?" agad siyang nilingon ng dalaga dahil sa sinabi.  

She always loves the sea; stress will literally go away just by looking at the sea waves and feeling the sand in her hands.

"In one condition"

"Ano yun?"

"Wag mo akong bibwistin sa buong oras na magkasama tayo", napaisip si Sam bago sumagot.

"I won't promise but I'll do my best not to", napangiti si Callie dahil sa sinabi ng binata. "Okay then! Let's go na before I changed my mind".

Nostalgic ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon