CONNECTION #7

0 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

Walang ginawa si Callie kundi umiyak ng umiyak pagkapasok nito sa kanyang kwarto.

She kept thinking kung paano 'yon nagawa ni Skye sa kanya. Kung hindi ba sapat ang naipaparamdam niyang pagmamahal sa binata. Kung may pagkukulang ba siya na hindi niya napansin.

"Anak?" katok ng ina nito sa kanyang pintuan. "Do you want me to go inside?.. o mas gusto mo munang mapag isa anak?"

Nang hindi sumagot si Callie ay nagkusa nang umalis ang kanyang ina. Kilala siya nito. Kung sa iba, silence means yes, sa kanyang anak ay baliktad.

—————

"Hello po tita, nasaan po si Cal?" tanong ni Steven pagkadating niya galing school.

Pagkatapos nitong malaman ang nangyari, mula sa kaibigan ni Callie na si Mau, ay agad siyang dumiretso sa bahay ng dalaga.

"Nasa kwarto niya, wag mo na muna istorbohon iho. Baka kailangan niya ng oras para mag isip", sagot ng ina ni Callie.

"Iho, matanong ko lang, ano ba talaga ang nangyari? Totoo ba ang narinig ko tungkol sa kanila ni Skye?" tanong nito.

"Hmm.. wala po kasi ako doon sa mismong place noong nangyari yun tita eh. Pero bali-balita po sa university, base sa mga napagtanungan at narinig ko po, totoo daw po yun. Grabe nga po ang pag aalala ko kay Callie, because I know how much she loved him. Kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano niya kamahal yung g*go na yon", sagot ng binata.

Napatango nalang at buntong hininga ang ina ni Callie sa nalaman. Alam rin kasi nito kung gaano kahalaga si Skye para sa kanyang anak. Pamilya na rin ang turing niya kay Skye, kaya sobra siyang nagtataka kung ano ang nangyari sa binata at nagawa yon.

Lumipas ang ilang oras, kusang lumabas si Callie sa kanyang kwarto kaya parehong nabuhayan ang ina nito at ang kaibigan na si Steven.

Nakita nilang may dala dala itong isang medium box na naka sealed na.

"Ma, ibalik ko lang po 'tong mga gamit ni Skye sa kanya", saad ng dalaga. Mugto ang mga mata nito, halatang grabe ang iniyak.

"Magpasama ka na dito kay Steven, anak. Ihahatid ka na niya, para may kasama ka rin", saad ng ina. Tumango ang dalaga bago naglakad palabas ng bahay.

"Steven, make sure makakauwi kayo ng buo at walang galos ha", saad ng ina bago tapikin ang balikat ng binata.

"Don't worry tita, ako po bahala kay Callie. Mauna na po kami", paalam ng binata dito.

Tahimik ang byahe papunta sa bahay nila Skye, pero ang isip ni Callie ay tila masyadong abala sa pag iisip ng maraming bagay.

Pagkarating sa bahay ni Skye, agad na bumaba si Callie pagkatapos ay bumuntong hininga. "Kaya ko 'to", bulong nito sa sarili.

Si Steven na ang nag doorbell para sa dalaga. Agad namang bumukas ang pintuan at inilabas rito si Skye na kanina pa naghihintay sa paramdam ni Callie.

Agad na sinugod ng binata ng yakap ang dalaga.

"Love! I'm really really—", bago pa matapos ang sasabihin ng binata ay itinulak na siya ng dalaga.

"Don't touch me", diin nito sa bawat salita. Patay ang mga mata nitong nakatingin kay Skye.

"Ayusin naman natin 'to. Please give me another chance", pagmamakaawa nito.

"Kapal naman ng mukha mo. Ikaw nagloko tapos sasabihin mong ayusin natin. Baka ang ibig mong sabihin ay, 'ayusin ko'. And please stop begging for my forgiveness. I can forgive you, but not now, Skye. In fact, we're done. Wala ka nang aayusin, mag move on ka nalang. Ganun rin ang gagawin ko", saad ni Callie.

Nostalgic ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon