CONNECTION #2

2 0 0
                                    


CALLIE'S POV

Lumipas ang ilang araw at linggo, hindi ko napansin na malapit na ang first exam namin as a 4th year students.

"Nakapag review ka teh?" bungad na tanong ni Mau nang makita ako.

"Keri na yan ng stock knowledge. In short, bahala na si batman ganon", saad ko kaya napailing siya.

Dumating na ang professor namin kaya pareho kaming nanahimik. As usual, magkakahiwalay ang upuan at required na may folder para pang takip daw ng paper. Iwas kopyahan din daw— hays sayang naman.

After a minute, nagpaalam agad si prof na aalis daw at may meeting kuno. May magbabantay naman daw sa'min na ibang professor— malay ko kung saan na naman niya nadukwit.

"Ms. Callie Torres?" agad kong inangat ang tingin ko sa professor na bagong dating. "Ate?"

Akala ko isang sakuna na naman mangyayari, buti nalang yung ate ni Skye na professor sa physical education yung pumalit kay prof sungit. Less hassle, finally!

"Cinonfirm ko lang na ikaw yan, magsagot ka na o gusto mo isumbong kita kay Professor Canlas?" pananakot nito ng pabulong.

Inirapan ko siya bilang sagot. Akala ko pa man din tutulungan ako hmp!

—————

Natapos ang exams for today ng lutang ang mga diwa ko. Hindi ko nga alam kung nasagutan ko ba lahat at kung tama ba pinagsasasagot ko.

Paano ba naman kasi, lahat panay identifications amp. Dapat more on multiple choices yon eh!

"Nakakunot na naman noo mo teh. Duda akong wala kang nasagutan don", saad ni Mau. Kung meron sa aming dalawa na magkakaron ng mataas na score, panigurado si Mau yon. Dean's lister ang bff ko please ><

Kinuha ko ang phone at tiningnan kung may text man lang ba ang magaling kong boyfriend.

Sagot? Wala.

"Bakit kasi hindi mo nalang puntahan don sa building nila?" saad ni Mau. Umiling ako at sinabing, "baka busy lang, exam rin nila ngayon eh".

Sa totoo lang, tatlong araw na walang paramdam yan sa'kin si Skye. Sila mama nga nagtataka na rin kung bakit hindi na daw ako sinusundo ni Skye. Ang sabi ko nalang, busy magreview.

"Busy pero nakita ko last time na nasa basketball court. Nandun ba nirereview non?" saad ni Mau. Nginitian ko nalang siya.

Whatever his reason, I'll understand.

"Alam mo ikaw, hopeless ka. Baka mamaya, niloloko ka na, nakangiti ka pa. Halika sa basketball court, sasamahan kita. Mag uusap kayo jusko!" wala na akong nagawa, hila-hila na ako ni Mau papunta kung nasaan daw si Skye.

Pagkarating sa court ay nakita kong naglalaro si Skye kasama ang mga teammates niya. He's playing seriously at halatang wala pang sapat na tulog.

Is he okay..?

"Skye! Baka daw gusto mo kausapin 'tong friend ko!" sigaw ni Mau na nag echo sa court.

Tumigil sila sa paglalaro at lumapit sa'kin si Skye with all his smile. He hugged me after niyang magpunas ng katawan. "Hi Callie ko, how's your day?"

"Teh? Seryoso? Yan tanong mo sa friend ko?" halata ang inis sa boses ni Mau na akala mo siya yung jowa.

Bago pa uminit lalo ang dugo niya, sinenyasan ko siyang umalis na. Nang makaalis si Mau ay tsaka ko inaya si Skye na umupo sa isang empty bench.

"Are you okay?" bungad ko dito.

Umiwas siya ng tingin bago sabihin na ayos lang siya. "If you're okay, how about us? Are we okay, Skye?"

Nostalgic ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon