CONNECTION #22

1 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

"Skye.. ano bang gusto mo?" frustrated na tanong ni Callie habang pinipigilan na tumulo ang luha niya.

"Huh?" walang idea ang binata sa itinatanong sa kanya ng dalaga dahil wala naman siyang ibang gusto bukod sa dalaga.

"If you're planning to make me realize the things that I did wrong, well, it's effective. Alam kong mali ako, may pagkakamali ako-- pero Skye naman! Wag mo naman iparamdam saakin na parang ako lang yung nagkamali. T*ngina! Kung naka graduate ka, edi congrats. Hindi ko naman siguro kasalanan na hindi ka naka graduate ng sabay sa batch natin diba? Or wait.. is it also my fault?" she didn't feel her tears falling. 

"Callie.. that's not what I meant.." he didn't know what to say or do.

"Well, sorry ha, ganun kasi yung pagkakaintindi ko eh. Na ako lang yung mali, na ako yung dahilan-- mapasama man yan o mabuti. Favor lang ha, starting from today, do things na kapag tinanong ka ng kung sino man, ang isasagot mo eh 'gusto ko', hindi yung, 'dahil kay Callie'. Nakaka p*tanginang maging rason sa mga ginagawa mo"

"I'm sorry.. I didn't mean to make you feel that way.." halata ang pagka sincere sa mga mata ni Skye habang sinasabi 'yon, pero hindi ito pinaniwalaan ng dalaga.

"Say that again once you're genuinely sorry about what happened 5 years ago. Ako rin yung rason kung bakit ka nakipag make out sa ibang babae years ago, right? Kasi may narinig kang chismis na may kasama akong lalaki without confronting me about it. You fvcking jumped into your own conclusion! That's why you cheated. Go fvck other girls out there, don't even try to get me back dahil kapag nakikita kita, bumabalik lahat", she walks  away before Skye can even talk.

Walang nagawa ang binata, tila naistatwa sa kung saan siya nakatayo.

"T*ngina Skye. Ang bobo bobo mo!", pasigaw niyang bulong sa sarili.

"Callie.. oh Skye, ikaw pala-- what happened?" nakita ng bagong dating na si Maurice ang pangingilid ng luha ng binata.

"M-mauuna na ako.. I'm sorry", nagmadali ang binata na bumaba para makapagpaalam sa ina ni Callie.

"Oh pinaalis ka agad ni Callie? It's okay if you'll stay anak", saad ng ginang na nahalata rin ang pamumula ng mata ng binata pero hindi niya ito tinanong. 

Kilala niya ang anak niyang si Callie at Skye, 'paniguradong may napag usapan sila sa taas kanina', sa isip ng ginang.

"Hindi na po tita, kailangan ko na rin po umuwi dahil hinahanap na daw po ako ng anak ko eh", saad ng binata kaya niyakap siya ng ginang. "Kapag may kailangan ka nandito pa rin ako ha".

Ngiti lang ang isinagot ni Skye bago tumalikod at maglakad na paalis.

Pagkauwi ng binata ay bumungad sa kanya ang kapatid na si Veanna na kakagaling lang sa kwarto nila ng anak niya.

"Hey.. what happened?" lumapit sa kanya ang kapatid at niyakap.

"Nag-away ba kayo ni Callie?"

"More like, she ended our connections.."

"She can't do that lalo na at boss mo siya at empleyado ka niya", she said to make her brother feel okay.

"You have a point, but still.. where's Calliope pala?" itinuro ni Veanna ang pinto ng kwarto nila at sinabing nakatulog ito habang hinihintay siya.

"You can go home na ate, thank you again for today. I'll sent you the money later", sinamaan siya ng tingin ng kapatid.

"Ano ako, nagtatrabaho sayo? Napag usapan na natin 'to Skye, wala akong tatanggapin na pera na galing sayo. Dapat ipang gastos mo yan sa mga kailangan niyong mag-ama", sermon ng dalaga sa kapatid. 

"Okay okay, ingat ka pag-uwi", umalis na ang dalaga at naiwan si Skye sa living room.

Nagpalit na muna siya ng damit sa kabilang kwarto bago pumasok sa kwarto nila ng anak niya.

Pagkabukas niya ng pinto ay nagising ang bata. "Hi baby~ why did you woke up?"

"Daddy?" lumapit ang binata sa anak at binigyan ito ng halik sa noo.

"You're home late na po", saad ng bata kaya natawa si Skye. 

"I was with Callie earlier that's why I came home late po", umupo ang bata at hinawakan ang mukha ng ama.

"Daddy, did Callie hurt you?" matiim na nakatitig sa kanya ang anak kaya nginitian niya ito.

"Daddy hurt Callie first, I deserve being hurt by her too"

"No, tita Veanna said that if someone hurts you, don't hurt them back because it's bad", tumango ang binata at hinalikan nalang muli sa noo ang bata.

"Matulog ka na, maaga ka pa bukas anak", humiga na ang bata dahil sa utos ng ama nito.

"Daddy, when can I meet Callie? I want to meet her because I think she's much prettier in person, and I want to ask her things", saad ng bata habang nakaturo sa isang picture ni Callie kasama si Skye na nasa bed side table nila.

"Soon, I'll let you meet her"

"Okay po. You're sure na hindi si Callie si mommy ha? Baka loko mo po ako", ginulo ni Skye ang buhok ng anak dahil sa kakulitan nito.

"I'm sure it's not your mommy, anak. Now you sleep na, I'll just be here", ilang minuto lang ang lumipas at tulog na agad ang anak nito.


___________

KINABUKASAN

"So ayun yung nangyari kagabi?" tanong ni Maurice sa kaibigan na si Callie.

"Ulit ulit? Sirang plaka ka teh? Ibuhos ko 'tong mainit na kape sayo eh"

"Naninigurado lang. Pero hindi mo ba ramdam na mahal ka pa rin nung tao?"

"Huh? Baliw ka ba?"

"Gaga seryoso nga, feel ko kasi mahal ka pa rin nun. The way he looks at you-- pero syempre ikaw bahala kung paano mo papatakbuhin buhay mo", nag kibit balikat si Maurice at umiwas na ng tingin sa kaibigan dahil masama na naman ang tingin nito sa kanya.

"Excuse me po", lumingon ang dalwang magkaibigan sa batang kakalapit lang sa table nila. Maayos ang pananamit nito, halata na galing sa eskwelahan.

"Hi cutie, naliligaw ka ba?", tanong ni Callie dito dahil sa kanya lang nakatitig ang bata.

"I'm at the right place po", sagot ng bata sa kanya kaya napatakip ng bibig si Maurice.

"Shuta dinaig pa ako mag english", bulong nito sa kaibigan kaya sinita siya nito na umayos.

"Where are your parents? Ihahatid na kita sa kanila", saad ni Callie.

Naweweirduhan na ang dalaga sa bata dahil nakatitig lang ito sa kanya na parang inoobserbahan siya.

"Aren't you Callie? You look much more prettier in person po", saad nito na nakapagpagulat sa dalaga.

"Hey kiddo, do you know her? Sino ka ba?" singit ni Maurice sa usapan nila.

"I'm her daughter", sabay turo kay Callie na mas lalong nagulat.


—————

HI READERS! Rollercoaster feels HEHEHE. Anyways, have a nice day ahead!!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nostalgic ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon