CALLIE'S POV"Cal! Help please", rinig ko ang sigawan at tilian ng mga babae sa kabilang linya.
"Ha? Nasaan ka ba?" tanong ko dito.
"Nandito sa parking lot ng university and ang daming girls... they're weird", tinawanan ko ito dahil sa sinabi niya.
It's normal na pagkaguluhan siya ng mga juniors lalo na at mukha siyang artistahin. Black na BMW pa ang itsura ng sasakyan tapos dagdag mo pang naka porma siya kasi wala pa siyang uniform.
"Okay, I'm on my way. Hintayin mo ako jan", saad ko bago patayin ang tawag.
Pumasok na ako muli sa loob ng room kung saan naglelecture na si professor Agnes na mala anghel sa bait.
Itinaas ko ang kamay ko, "yes Miss Torres?"
"Ma'am pwede po ako sumaglit sa parking lot, may emergency lang po", saad ko. Walang pag aalinlangan na tumango siya kaya nagpasalamat ako agad.
Medyo close kami ni Professor Agnes since sipsip ako eme. Accounting subject kasi siya kaya sa kanya ako directly nagtatanong kung may questions or confuse ako sa lesson.
Nang makarating ako sa parking lot, kitang kita ko si Steven na nasa may sasakyan, nakikipag usap sa mga girls kahit na halata sa ngiti niya ang awkwardness.
"Steven!" nagliwanag ang mga mata nito nang makita ako.
"Isn't she that MVP's girlfriend?" narinig kong tanong nung isang junior girl.
Tiningnan ko siya at nginitian, "yes, I am. Can you excuse us girls? First day kasi nitong kaibigan ko eh. He needs to follow his schedule", saad ko nang may ngiti sa labi.
Hindi ko na hinintay ang sagot nila, hinila ko na agad si Steven na naistatwa sa pwesto niya.
"Saan first class mo?" tanong ko.
Pagkalingon ko dito ay nakatulala lang siya. "Hoy! Trauma yarn tih?" agad itong natauhan.
"H-ha?"
"Saan kako ang first class mo? Ihahatid na kita", ibinigay niya saakin yung schedule niya na naka print sa isang maliit na papel.
"Oh... law— welp, goodluck", hinila ko siyang muli pagkabalik ko ng papel sa kanya.
Gumamit kami ng elevator papunta sa 3rd floor kung saan nandun ang first class niya.
"Oh by the way, w-wala ka bang pasok?" tanong nito na nag stutter pa.
"I have, pero nag excuse naman ako kay Professor Agnes kaya kebs lang. Hatid lang kita sa room mo then gogora na ako, sa 2nd floor lang naman ako, konting kembot lang", sagot ko dito na ikinatawa niya.
Ito talaga, hindi na nasanay sa way ko magsalita.
Nang bumukas ang elevator ay bumungad ang mga accounting student na ka-team ni Skye sa basketball.
"Hi Callie! Sino..." tumuro sila kay Steven.
"Kabit ko teh, sige na malelate pa 'to. Kita kits later!" hinila ko muli si Steven.
Nang mahanap ko ang room niya ay tsaka ko binitawan ang kamay niya. Hoy don't get me wrong ah, parang kapatid ko na rin 'to.
Itinulak ko na siya papasok sa room at kumaway para magpaalam. Nakita kong tumingin saakin mga kablock niya bago tumingin sa kanya.
Pagkabalik ko naman sa room ay nakitang nagsasagot na sila ng short quiz. "Here's the questionnaire, Miss Torres"
Nginitian ko si ma'am at nagpasalamat ulit. Kinuha ko ang questionnaire at nakitang panay bank statements ito. Basic!
BINABASA MO ANG
Nostalgic Connection
Ficción General"paano kung ikaw pa rin kahit mayroon nang siya?" - date started: May 17, 2024 - date ended: -- -- ----