CONNECTION #15

1 0 0
                                    


CALLIE'S POV

"Callie? Beh gising may gagamit daw nitong VIP room parang awa", bumungad ang mukha ni Maurice pagkamulat ng mata ko.

"Teka shuta ansakit ng ulo ko", angal ko ng ibangon ako nito.

"Aba teh, sinong hindi sasakit ang ulo kung 4pm palang umiinom ka na. Bangon jan, lipat ka sa may office ko, dun ka matulog", bossy naman nito.

Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. 

Pagkalabas ko ay narindi ako sa lakas ng sounds. Tiningnan ko ang oras at nakitang 9PM na pala. Ang haba ng tulog ko, hindi ko napansin.

Dumiretso ako sa office ni Maurice para doon magpahinga. Wala ako sa mood magtrabaho o makisalamuha sa iba.

I feel so.. tired.

Matutulog nalang sana ako ulit nang may kumatok sa pinto. Nilock ko kasi yon kaya wala talagang makakapasok hehe

Tamad akong tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad saakin yung bartender nila Maurice na nagserve sa'kin kanina.

"Hi madam, ito po food at water, pinapadala po ni ma'am Maurice", saad nito. 

Pinapasok ko siya at sinabing ilagay nalang sa lamesa yung mga dala niya dahil masakit pa rin ang ulo ko.

"Bilhan kita ng gamot madam?" tanong nito kaya napatingin ako sa kanya.

"On duty ka diba? Paano ka makakabili aber?"

"Sungit naman", narinig kong bulong niya pero ipinagsawalang bahala ko nalang.

"Babalik po ako, kainin mo na 'yan madam", saad nito bago umalis ng hindi man lang ako pinapagsalita.

Tiningnan ko ang nasa harap kong pagkain. Kailan pa sila nagserve ng sopas dito sa bar?

Saktong kumalam ang sikmura ko kaya nilantakan ko nalang agad yung sopas. Infairness, ang sarap.

Nang maubos ko na yung sopas ay humiga na ako ulit at akmang matutulog na pero may kumatok ulit.

"Pasok!" sigaw ko.

Bumukas ang pinto at nakita ko ulit yung bartender. "Ito madam gamot, pinapabigay ni ma'am Maurice".

Kinuha ko ang gamot na binigay niya at ininom yon ng walang pasabi.

Napansin kong nakatingin pa rin siya kaya tinanong ko siya kung ano meron at nakatingin pa rin siya saakin.

"Ah- wala po hehe. Mauna na ako madam", nagmamadali siyang lumabas ng office.

Baliw?

Humiga na ako at pumikit na.

Ang lamig dito, buti nalang at may kumot dito si Maurice na naka ready. 

Ilang minuto palang akong nakapikit ay may kumatok na naman muli.

Aargh! Gusto ko lang naman matulog!

Tumayo ako at binuksan ang pinto, "Ano ba?!"

"Teh kalma, ako 'to, si Maurice", nang makita kong si Mau nga ito ay napahinga ako ng malalim at nag sorry.

Bumalik ako sa sofa at humiga.

"Anong nangyari at ang init ng ulo mo?" tanong nito after isara ang pinto.

"Itanong mo dun sa bartender mong ang kulit, at ikaw na padala ng padala ng kung ano ano", saad ko habang nakapikit.

"Huh?"

"Hakdog. Matutulog na ako shush ka nalang"

"Tanga wala akong pinapadala dito-- at saan galing itong sopas? Bakit hindi mo ako binigyan?"

Nostalgic ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon