CONNECTION #19

2 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

Pabalik na sana si Sam sa cottage na nirentahan nila ni Callie pero napatigil siya sa nakita.

Callie was hugging Skye while patting his back.

Parang may tumusok na tinik sa puso ng binata kaya bumalik nalang siya muli sa bar counter.

"Wala naman akong karapatan in the first place. Matagal na silang magkakilala, samantalang ako, nito nito lang. Okay lang yan ano ba!", pagkausap nito sa sarili habang naglalakad.

Sa kabilang banda naman ay pinapakalma ni Callie ang sarili because Skye hugged her back.

Dahan dahan siyang kumalas sa pagkakayakap bago mag change ng topic.

"What's her name pala?" 

"Bakit? Aattend ka ba ng binyag niya bilang ninang?" 

"Huh? Hindi pa siya nabibinyagan?"

"Hindi pa, yun yung pinag iipunan ko ngayon hehe"

"Ohh.. okay", pinigilan ng dalaga ang sarili na magbigay ng tulong dahil possible na mamisunderstood ito ng binata.

"Her name is Calliope, ganda noh? Ako nagpangalan non sa kanya"

"Where did it came from? Out of the blue or may meaning?"

"From your name, pinahaba ko lang para hindi masyado halata", mahina pero narinig iyon ng dalaga.

"Sinunod mo pa talaga sa pangalan ko. Baka mamaya ako ang akalain niyan na nanay niya", biro ni Callie na sineryoso naman ni Skye.

"Much better than her biological mother"

"Sige na. It's nice to see you here. Puntahan ko na muna si Sam sa may bar, baka kung ano na nangyari sa kumag na 'yon eh", rason ni Callie para maiwasan si Skye.

"Ihatid na kita--"

"No no, it's oka--"

"Callie? Skye?" pareho silang napalingon sa nagsalita. It was Zephyr, Skye's friend na naging kaibigan na rin niya.

"Zepzep!" Callie excitedly hugged their guy friend.

"Woah woah, kalma. Hindi naman halatang namiss mo ako niyan?"

Kumalas si Callie sa pagkakayakap bago siya irapan, "maiwan ko na kayo may need pa ako puntahan".

"Need ba talaga or pwede namang mamaya na? Tara muna sa may bar ko, kwentuhan tayo dun. Libre ko, ano game?" masayang um-oo si Skye samantalng si Callie naman ay nag alinlangan pa.

"Come on Cal! Minsan mo lang ako makikita tapos hihindian mo pa yung libre ko"

"Fine! Pasalamat ka baby face ka pa rin", kumapit si Callie sa braso ni Zephyr bago maglakad.

Kilala si Zephyr sa beach resort kaya pinagtinginan silang lahat ng mga crew pagkapasok nila sa bar. Tila mga hindi sanay na may kasamang babae ang boss nila na si Zephyr.

"Sir, girlfriend niyo po?" tanong ng isang bartender na nakasalubong nila.

"She's my friend, tanungin niyo 'tong isang kasama ko", nagkibit balikat si Zephyr.

Bago pa matanong si Skye nung bartender ay sumingit na si Callie.

"I'm single", lumingon sa kanya yung bartender kaya nginitian niya ito.

"So pwede ak--"

"Bawal daw pre", singit ni Skye kaya napairap si Callie.

"Don't mind him, he's just an ex", nasaktan si Skye pero hindi niya nalang ipinahalata dito.

"Pila ka nalang par, medyo mahaba ang pila" bulong ng binata sa lalaki.

Parehong umiling si Callie at Zephyr sa inakto ng binata. 

"I've heard galing ka sa break-up?" bulong ni Zephyr sa dalaga habang naglalakad papunta sa isang table.

"Chismoso mo noh?" Zephyr shrugged.

"So totoo.."

"Eh ano naman? Bakit parang duda ka?"

"Hindi halata na galing ka sa break-up eh. You're glowing, just so you know, hindi katulad noong...", pinandilatan siya ni Callie kaya nanahimik nalang ito.

"Callie! Here!" lumingon ang dalaga sa tumawag sa kanya at nakita si Sam na siyang nagseserve ng mga alak sa mga customers.

Lumapit siya dito at umupo sa stool na nasa harap ng counter. "Shalla part-timer yan?"

Tumango ang binata at nakangising pinaikot-ikot ang bote ng isang alak para magpasikat sa dalaga. 


___________

SKYE'S POV

"Kamusta puso natin jan par?" natauhan ako ng marinig si Zephyr magsalita malapit sa tenga ko.

"As long as she's happy, I'm good", I lied.

It's true na okay na ako basta masaya siya pero kasi, alam niyo yung laging may kulang?

Everytime I'm seeing her happy, there's always comes a thought of, 'much better siguro kung ako yung dahilan ng ngiti niya'.

Everytime she'll panic, I want to hug her and do the things that a boyfriend normally do-- but I can't. I know she don't want me near her.

Kaya ito ako, loving her from afar. I honestly didn't even stop loving her-- I never stopped.

Noong time na nakita ko siya accidentally sa bar ni Maurice, I was shocked at the same time glad, because after five years, I saw her again.

When she said indirectly that she's still inlove with me after having a boyfriend, I didn't know what to say nor to do. My thoughts are frozen because it feels weird hearing it from her. It felt like a dream.

Sabi ko nga, kung panaginip lahat ng 'to, please don't wake me up. We may not be together but at least, nakakasama ko siya, nakikita ko.

"Mukhang ang lalim ng iniisip natin jan ah", I shrugged before pouring the vodka at the shot glass in front of me.

"Alam mo, kung ako sayo, I'll try to pursue her again", he said while looking at Callie who's smiling at the bartender right now.

"Alam mo, kung 'yan talaga ang gusto kong mangyari, matagal ko na 'yan nagawa", and that's a fact.

"May point ka pero saksi ako sa hardships mo this past five years na wala siya ah. You did what you must did for Callie, pero okay lang yon, atleast it's for your best din", I am aware.

I graduated late but at least I did.

Dumating ako sa point na mag give up nalang, pero hindi ko ginawa. Why? Because Callie won't like it. She's the kind of person who'll boost your confidence whatever the situation is.

I also tried flirting with the other girls, but it didn't work out. I feel like I'm cheating on her every time I'm trying to. After that incident, natakot na ako.

"Aware ka bang may gusto 'yan si Sam kay Callie?"

"I'm aware but how did you know him?"

"That's what you called, connection", he said in an elegant way. Baliw.

"Ewan ko sayo"

"Well, atleast aware ka naman pala. Akala ko 'di ka marunong makiramdam eh"

"Aware din akong hindi pa yan handa si Callie na magpapasok ulit ng, you know, lalaki sa buhay niya"

"Eh paano kung may babae na pumasok?"

"Tarantado ka talaga!" he laughed by what I've said.

"You never know ha. Pero seryoso Skye, if I were you, I'll pursue her. Just take it slow you know", I just shrugged off the idea of him.

"I can't... not now that I'm seeing her happy again".


—————

HI READERS! Andddd, that's how the love works. Anyways, have a nice day ahead!!



Nostalgic ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon