THIRD PERSON'S POV
"What are young doing here..?" ayun lang ang nabanggit ni Callie nang makalapit sa kanya si Skye.
Sa kabilang banda ay ipinakita ng binata ang hawak nitong bag. "Naiwan mo sa VIP room, ibabalik ko lang sana".
Pinasadahan ito ng tingin ng dalaga bago kunin, "salamat but please, umalis ka na".
After saying those words ay isinarado na ng dalaga ang pintuan nila. Naiwan si Skye na nakaharap pa rin sa pintuan.
"It's nice to see you again, my solace", bulong nito habang may mapait na ngiti sa labi.
______________
"Anak? Sino daw yun?" tanong ng ina ng dalaga.
Hindi ito narinig ng dalaga, tahimik lang itong nakatulala sa bag na hawak niya.
Nilapitan siya ng ina para makita ng maayos ang anak nito. "Hello? Earth to Callie?"
Nang marinig malapitan ang boses ng ina ay tsaka lang siya natauhan. "M-ma, nanjan ka na pala".
"Are you okay?"
Tiningnan ni Callie ang ina bago mag peke ng ngiti. "Don't worry, I'll be fine".
Umakyat na ang dalaga sa kwarto niya. Pilit niyang kinakalma ang sarili sa pamamagitan ng pag-aaral pero ilang minuto lang ang epekto nito.
Sa halip na mag-aral ay humiga nalang siya sa higaan at pinilit ang sariling makatulog na.
______________Naalimpungatan ang dalaga sa narinig na ingay sa loob ng kwarto niya.
"Gising ka na teh?" agad na napansin ito ng kaibigan niyang si Mau.
Nag thumbs up siya dito bago mag taklob ng kumot at akmang matutulog ulit pero tinanggal din ito kaagad ng kaibigan.
"Loka loka, bangon na, late ka na sa trabaho mo teh", saad ng kaibigan na nakapag pabangon sa kanya.
"Anong oras na?" tanong nito.
"Joke lang maaga pa pero tara na. I-date nalang kita para happy ka na", saad ng kaibigan kaya sinimangutan siya ni Callie.
"Okay okay! Hindi mo na naman ako titigilan kapag hindi mo ako napabangon eh", pagkasabi ay dumiretso na si Callie sa CR para maligo.
"Haynako tita, ano po ba nangyari dito kagabi?" tanong ni Mau sa ina ni Callie na nakasilip sa may pintuan.
Lumipat ang ginang sa tabi ni Mau bago bumulong ng, "may kumatok kasi kagabi dito sa bahay tapos sabi niya siya na daw magbubukas, nung pinuntahan ko naman siya sa may pinto, nakatulala na yan na akala mo nakakita ng multo. Kutob ko nga si Skye yung kumatok kagabi eh".
Gulat na tumingin si Mau sa ginang, napaisip rin ito sa sinabi ng ina ni Callie, 'paanong alam niya ang address nila Callie eh kakalipat lang nila last month?'
Saktong lumabas si Callie nang akmang lalabas na ang ina, "ako na naman pinag chichismisan niyo?"
Sabay na tumayo si Mau at ang ginang para sabay rin lumabas ng kwarto ni Callie.
"Sunod ka nalang sa baba anak, kakain na tayo", pahabol ng ina ni Callie bago nagmamadaling bumaba ng hagdan.
Napailing nalang ang dalaga sa ikinilos ng kaibigan at ina.
Pagkatapos mag asikaso ng dalaga ay agad siyang bumaba para kumain na ng breakfast nito.
"Umalis ka na muna Trevor", rinig niya ang boses ng kaibigan. Dahil dito ay nagmadali siyang bumaba. The last thing she want is her friend and her mother to be involved.

BINABASA MO ANG
Nostalgic Connection
General Fiction"paano kung ikaw pa rin kahit mayroon nang siya?" - date started: May 17, 2024 - date ended: -- -- ----