CONNECTION #20

1 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

Days passed by at napapadalas ang pagiging magkasama nila Sam at Callie. 

"Teh question lang, may something ba kayo ni Sam?" tanong ni Maurice sa kaibigan na napatigil sa ginagawa. "Para namang hindi mo ako kilala", iling na saad ni Callie.

"Napapadalas kasi bonding niyo together, curious lang"

"Porket madalas magkasama may something na agad? Tayo nga walang something"

"Gaga iba naman kasi si Sam, lalaki 'yon na halata namang may gusto sayo", pahina ng pahina na sabi ni Maurice kaya hindi narinig ni Callie ng maayos ang panghuling part.

"Mapa babae o lalaki, pwede magkaron ng something. Pero don't get me wrong, walang namamagitan sa'min ni Sam. We're just friends"

"Okay, sabi mo eh", nagkibit balikat si Maurice bago bumalik sa pagkain ng pasta.

Lumipas  ang limang minuto na tahimik lang ang magkaibigan habang may ginagawa.

"Hindi ko na kaya shuta, may medicol ka ba jan?" tanong ni Callie sa kaibigan habang nakahawak sa ulo.

"Huh? Nue yon?" 

"Medicol teh, gamot ba", kinalkal ni Maurice ang bag niya at mefenamic lang ang meron siya.

"Ano ba nangyari? Anong masakit?" lumapit ito sa kaibigan.

"My head's throbbing hard. Napapadalas na 'tong pagsakit ng ulo ko, migraine ata", paliwanag ni Callie habang nakahawak sa isang parte ng ulo niya.

"Ayan kaka-selpon mo yan", tiningnan siya ni Callie ng masama kaya nag peace sign siya bago ayain na ihahatid nalang ito pabalik sa bahay nila.

"Hindi pwede, madami pa akong pending na dapat pirmahan para maprocess na nila mga 'to"

"Alam mo ikaw, minsan workaholic ka, minsan tamad. Ngayon pairalin mo yung katamaran mo magtrabaho at sumama ka na sa'kin pauwi sa inyo-- o gusto mo tawagin ko pa si Skye para mapatayo ka jan?" dali dali tumayo si Callie at nauna na maglakad sa kaibigan.

"Pisti ka talaga, 'yun lang pala pang blackmail sayo", bulong ni Maurice na sinusundan na ng lakad ang dalaga.

"Pauwi na po kayo ma'am?" tanong ng secretary nito sa kanya.

"Inaatake ng migraine ang mayora, kayo na muna bahala dito ha? Call me instead if you need something", tumango ang secretary ni Callie sa sinabi ni Maurice.

Bago pa sila makasakay sa sasakyan ni Callie ay may tumawag sa kanila. 

"Maurice! Callie!" pareho silang lumingon at nakita si Skye na tumatakbo papalapit sa kanila.

"Here", inabot niya ang kulay pulang gamot kay Maurice.

"Lah gagi ano yan? Diba yan yung gamot na iniinom nung mga naging zombie sa happiness na kdrama?", lihim na napa face palm si  Callie dahil walang kamuang-muang ang kaibigan.

"That's for migraine, Mau", nakangiting saad ni Skye na pinipigilan ang tawa.

"Ito ba yung medicol? Sure ka? Baka maging zombie 'tong kaibigan ko sasapukin talaga kita"

"Teh amaccana please, tara na. Gusto ko na humiga and give me that", Callie snatched the medicine in her hand. 

"If you don't mind, punta ako mamaya sa house niyo, I'll bring foods"

"I do mind kaya can you please excuse us?" walang nagawa ang binata kung hindi tumango at pilit na ngumiti.

"Thank you for this", saad ni Callie bago pumasok sa sasakyan.

Nostalgic ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon