THIRD PERSON'S POV
"Ang tanga tanga naman Callie Torres. You know his smell, his laugh, his voice but still, hindi ka nagduda? Tanga teh?" bulong ng dalaga sa sarili habang nagpapapadyak sa parking lot.
Nang makita nito na si Skye ang kausap ay agad siyang tumakbo na tila hindi pinapansin ang pagsakit ng ulo. She can't believe na si Skye ang nakausap nito. After everything she said, gusto nalang niya magpalamon sa lupa.
"Baka naman guni-guni ko lang? Shuta kasing scheduled message yan amp. Pahamak jusko!"
Pinagtitinginan na siya ng mga tao dahil mag-isa itong nagsasalita habang nakahawak sa buhok. "Hoy teh! Saan ka galing? Chineck ko restroom kanina wala ka na dun"
Nang marinig niya ang kaibigan ay sinalubong niya ito ng yakap. "Please please take me home. Ayaw ko na muna makita si Trevor nor si Skye"
Pagkarinig ni Mau sa pangalang 'Skye' ay itinulak niya ng mahina ang kaibigan para kumalas sa pagkakayakap.
"What do you mean Skye?"
"He's.. here", pahina ng pahina ang boses nito.
"Jusko kang babae ka", agad na hinila ni Mau ang kaibigan pasakay sa sasakyan nito at pinaandar. Tahimik lang sila pareho sa loob, tanging radio lang ang tunog na maririnig.
"Thank you for the ride, Mau. You can go home na, I need time for myself", saad ni Callie nang makarating sa bahay nito.
"If you need me, once call away lang ako, okay?"
Ngumiti si Callie dahil sa sinabi ng kaibigan. Kinawayan niya ito nang paandarin na muli ng kaibigan ang sasakyan.
______________
CALLIE'S POV
Paanong nandun si Skye..? Ilang taon na akong tumatambay don pero never ko siya nakita, ni anino niya ay wala. Tapos biglang ngayon sumulpot siya?
Weird.
My heart did skipped a beat pero that doesn't mean I do still love him.
Nagulat lang ako, sobra.
Lord naman oh, biro lang naman yung 'di ko siya matanggal sa isip ko. Eme lang po yun please tell me guni-guni ko lang yon.
With that thought, naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko.
'He really is here. But don't worry, I sent Trevor home naman na if ever nag aalala ka man na baka magkita sila', text ni Mau saakin.
So ganito ka makikipaglaro sa'kin, Lord?
Ganito yung sinulat mong kwento sa istorya ko?
Kinuha ko ang unan ko at sumigaw, "Ahhhhhhhh!!!"
"Anak? Anong nangyayari? Bakit?" rinig ko ang pagkatok ni mama sa pintuan ng kwarto ko.
"I'm okay ma, don't worry", saad ko. Narinig ko ang mga yabag ni mama na papalayo na sa kwarto ko kaya nakahinga ako ng maluwag.
Paano ako lalabas ngayon? Paano ko haharapin si Skye? Wait-- anong haharapin? Ano teh may balak ka pa harapin yon? Jusko.
Before I even got up on my bed ay nag ring ang phone ko. It was Trevor...
"Hello?" bungad ko dito.
"Where have you been? Pumunta ako sa bar ni Maurice, wala ka na daw don!"
Nailayo ko ang phone ko sa tenga ko, "kailangan sumigaw?"
Natahimik si Trevor sa kabilang linya, narinig ata ang sinabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/369149947-288-k919169.jpg)
BINABASA MO ANG
Nostalgic Connection
Fiksi Umum"paano kung ikaw pa rin kahit mayroon nang siya?" - date started: May 17, 2024 - date ended: -- -- ----