Nang hapon ding iyon ay umuwi ako pero naabutan ko na may nagsasagutan at umiiyak. Kapit bahay namin kasi naglayas ang anak. Then my mother joined the scene.
My mother comforted my 'tita' na siyang umiiyak at sumisigaw. Habang ang anak naman nito ay hindi ko makita.
Actually wala na dapat akong paki-alam kaso ewan ko parang nakakarelate lang ako sa sitwasyon ng anak pero hindi ako bulakbol. In terms of having that kind of 'mother' na may favoritism, considered you as the black ship of the family, at ituring ka na para bang hindi ka anak, mumura murahin at ipapahiya sa harap ng iba, I can relate.
"Wala nang ginawa 'yan kung hindi pahirapan ako." My tita said while crying.
Life is so unfair. As a mabuting anak kailangan dapat lagi kang tama sa paningin ng mga magulang mo dahil doon sila masaya. I could also understand their point and pain. Mahirap naman talaga magpalaki ng anak, maraming isasakripisyo para sa kinabukasan nila tapos lalayasan ka lang at ituturing ka na para bang hindi ikaw ang nagsilang.
Pero sa kabila ng lahat, kailangan bang isisi sa anak 'yon? Lahat ng hirap at sakit na pinagdadaanan nila ay kailangan bang ipasa pa sa bata? Kailangan bang ipamukha na wala silang naidulot na maganda? Bakit imbis na pagmamahal nalang ang ipadama ay trauma pa ang nakukuha?
Maituturing ka lang na mabuting anak kapag marunong kang sumunod, masipag, matalino, masunurin, magalang, susundin mo sila lagi, hindi ka dapat sumagot, pero paano naman kami, kaming mga anak? Na may sariling buhay, pananaw, at paninindigan?
Paano kapag kami naman na ang nasasaktan? Paano naman kami? Yung mga bagay na gusto ko paano? Kahit suporta man lang sa mga 'yon ay hindi pa maibigay kaya nga naawa ako sa pinsan kong naglayas kasi halos araw-araw miski sa eskwela ay matino naman siya.
Everything happens for a reason. If that's their choice then it is what it is.
See? I observed everything. Mabuti namang anak 'yon pati nga sa pagtitinda ng mama niya sa palengke ay sumasama siya kahit may mga kapatid naman siya.
Unfair lang din for her. Mahirap kasi kapag hindi ka nakikita, hindi napapansin yung mga ginagawa mo or parang kulang pa sakanila yon.
Kailan kaya tayo mavavalidate? Kailan kaya makikita yung mga anak na nahihirapan dahil sa mga masasakit na sinasabi at ginagawa ng mga magulang nila? Sana makita rin tayo, mavalidate rin yung feelings natin at hindi makitang bastos agad kapag sumagot o kapag nagsabi ng nararamdaman.
Hindi sa nilalahat pero kailan kaya matatapos 'tong generation curse? Kaya ayokong mag-anak, natatakot ako na baka magawa ko lang ang ginagawa ng nanay ko sa'kin ngayon. Alam kong magka-iba kami pero no one knows.
Pumasok nalang ako ng kwarto nang marinig ang sinabi ng nanay ko.
"Ganiyan talaga 'yang mga kabataan ngayon, hindi na inisip ang mga magulang basta makapag saya lang o mabarkda e ang lalakas ng loob mag bulakbol." She's still comforting my tita.
God knows how much I wanted to opposed her. Ang unfair kasi kapag may hindi magandang nangyayari madalas sa anak pa nasisisi pero sila naman yung gumagawa ng dahilan kung bakit nagkakaganoon yung mga anak nila. Dumiretso nalang ako sa kwarto at piniling nagpahinga.
𓇼 ⋆.˚ 𓆝⋆.˚ 𓇼 ⋆。˚ 𓆞
When I woke up bunganga agad ng nanay ko ang nagpagising sa'kin. Sa ganitong oras ay wala si lola dahil sa palengke siya dumideretso kaya kami nalang naiiwan sa bahay, today is weekend probably Saturday means laba day.
"Ano hindi pa ba kayo magsisigising?! Tanghali na tangina niyo para kayong may katulong!" She shouted.
"Kayo na maglaba ng mga damit niyo mga putangina!" She added.
BINABASA MO ANG
Lifeless Sea (GL)
RomanceMiseries # 1 LIFELESS SEA: DEEP WOUNDS OF WAVE (GXG STORY : EDITING) "We can escape and hide from the things that can hurt us, but we are unable to see the process of learning and growing at the same time. Facing reality can make you stronger, and y...