Chapter 8

845 30 0
                                    

Pasakay na ako ng sasakyan nang kuhanin ni Katniss ang braso kong walang sugat. Hinatak niya ako nang marahan papunta sa kaniya at kinuha ang mga gamit kong dala.

We're insider her car when she suddenly speak.

"I'm sorry about yesterday..." Tinignan ko ang nangungusap nitong mata.

Kinuha niya ang braso ko na may kalmot. Inangat niya ang sleeves ng nakapatong kong loose white polo at dahan-dahan niyang dinampian ng bulak at gamot.

Nakaramdam ako ng hapdi sa ginagawa niya dahilan para mapitlag ako sa kina-uupuan.

"Shit, I'm sorry," she said with a low tone voice.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. Binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Gagaling din 'yan. Naiintindihan ko rin naman kung bakit mo nagawa 'yon." I assured her.

"No," madiin nitong wika. "I should be sorry for what I've done to you, babawi ako pangako. Would you let me?" She asked.

Gets ko naman, baka mas malalim lang ang pinagsamahan nila kaya gano'n o baka mas matagal niya nang naging kaibigan 'yon kaysa sa'kin. It doesn't matter anyway.

"Are you comfortable with your clothes?" Tanong nito upang maibaling sa ibang bagay ang usapan at tinapunan ng tingin ang damit ko.

I wore a black lace bralette and loose white polo para matakpan ang small cuts na pagaling na at maong shorts partner with flat sandals. Dala ko rin ang beige knitted beach totebag na may shell keychain.

"Don't be bother, I'm a hundred percent fine." Sabi ko at naghikab.

"You can take a nap, kung nagugutom ka rin I also prepared foods. Your favorite donuts and drinks. Nasa likod lang, sabihan mo lang ako kapag gutom ka na." Sabi niya at inayos ang pwesto. She starts the car engine.

Akala ko ay aalis na kami pero bigla siyang naglean papunta sa'kin.

"Seatbelt on, better be safe." She smiled genuinely.

"Ang bango," wala sa sarili kong sabi. Bigla kong tinakpan ang bibig, pahamak kainis.

"Wanna lean me closer?" She asked. Nagkatinginan kami sa mata. Nanlalambot nanaman yung buong pagkatao ko. Ano ba ang ginagawa ng tao na 'to sa sistema ko.

𓇼 𓆝⋆𓇼 ˚ 𓆞

"Four rooms lang daw available" sabi ni Katniss na galing sa front desk ng resort.

Nandito kami Casa de Frontier isang French resort. Slightly vintage but it's well built with modern architecture.

Kumpleto kaming mag totropa. Si Surea, ako, Serius, Kalyst, Tala, and Sorin. Tatlo rin silang kumpleto, Si Kataniss, Yuryne, and Nix.

"Kami na ni Kalyst sa isang room!" Sigaw ni Surea, tinignan ko siya nang masama. Dapat ako kasama niya, taksil.

"Hoy tayo!" Sabi ko kay Surea pero 'di ako pinansin ng bruha.

"Kaming tatlo nalang nila Serius and Sorin sa isang room," sabi ni Tala. Ngumiti pa 'to nang nakakaloko.

"Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" I crossed my arms at tinaasan sila ng kilay. Mga taksil peste.

"Hoy sa'min ni Nix magandang view ha sa tapat kami ng pool! 'di ba Nix!" Yuryne said. Nag apir pa ang dalawa. Mga taksil talaga.

Pero ok lang mukhang mabait naman maging roommate si Katniss.

Lifeless Sea (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon