"How are you, Sea?" It was Yuryne. Sinamahan niya akong makapunta sa room. Our class resumed.
"I'm fine. I know Lola Soraya will be fine." Paninigurado ko rito.
Lola Soraya was hospitalized the day after Christmas until now. Sa tulong nila ay nakakaya namin ang bills sa hospital pero hindi lagi p'wedeng ganoon. Buti nalang din ay dumating ang palaki ni lola, si tita Serene. She was her stepdaughter. Hindi na nakapagtataka na balikan nito si Lola Soraya dahil mabait ito at kahit sinong tao pa ang kasalamuha ni lola ay agad na mapapalapit nang husto.
"Nandito kami palagi para sa'yo, tandaan mo 'yan." She waved her hands and bid a good bye. I smiled.
"Thank you, Yuryne. I owed you a lot." Ngumiti ako at tumalikod na rin.
Papasok na ako ng classroom then Surea hugs me.
"You'll be ok, I'm here, we are here." Yakap pa rin niya ako ngunit hindi ko man lang magantihan ang yakap niya dahil wala na akong lakas para kumilos man lang.
Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at tinapik ni Surea ang balikat ko.
Our class started yet my mind couldn't focus.
I breathe heavily. I should focus because education is the only way to survive.
"Can I excuse myself, Ms?" Tanong ko sa gurong nagbabantay sa'min ngayon dahil may natitira pa namang oras para mag-umpisa ang susunod na subject.
"Sure, go ahead. Bilisan mo lang dahil nandito na yung papalit sa'kin." Wika ng adviser namin. Nakahanap na pala ng papalit sakaniya pero hindi ako interesado kung sino kaya nagtungo nalang ako sa cr.
Bitbit ang liptint at pang-ayos ay naglagay ako ng kolorete sa aking mukha para mabuhay naman kahit kaunti. Palabas na sana ako nang makita ang postura ng isang pamilyar na babae. With her glasses on her head, alam ko na agad kung sino. I wanted a talk with her. But I stopped myself.
I'm not shocked to see her with her first love. Tila na estatwa ako sa kinatatayuan. Masakit pa rin pala, tumitibok pa rin pala para sakaniya.
"Dinner later, babe?" Agatha kissed her on the cheeks and she didn't complain. Umalis na ako nang hindi niya napapansin.
That's foul.
Dumiretso ako sa canteen para kumain, ayoko rin makasalubong si Katniss. Bakit parang wala siyang klase? Gano'n nalang ba lagi 'yon? Sabagay anak ng may-ari ng school o baka busy sa bago niyang gf. Napailing nalang ako sa sariling na-iisip.
"Can I sit here?" Tanong ng kung sinong nilalang na hindi ko naman kilala.
I ignore his presence. Pero umupo pa rin ito sa tapat ko.
"Sinabi ko bang umupo ka riyan?" Seryoso kong tanong but I wasn't serious at all, ganito lang talaga ang aura ko.
"Bakit, bawal ba? May name mo ba? Wala 'di ba? kaya malamang uupo ako." Masungit nitong lintya.
The hell, attitude rin pala 'to.
"Edi ikaw na, nakakahiya naman sa'yo." Sabi ko at tumayo.
Agad niyang hinawakan ang pulsuhan ko para pigilan.
"I'm just kidding, Ms." He looks apologetic but he suddenly smiled.
'Ha-ha, funny 'yon? Tatawa na ba ako?" Kairita, minsan ka nalang kumain may asungot pa.
"What's happening here?" It was Katniss. Nakatingin siya sa kamay ng lalaking nakahawak sa pulsuhan ko.
"Eating snacks with my friend, Ma'am." Sabi ng lalaki at nakangiting aso pa.
"We're not friends." Madiin kong sagot. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahigit ng lalaking naka-upo
Kadiri. He's a definition of handsome and charismatic to other girls but not for me. We're not close, how dare he to touch me like that? As if we're close.
"You called her Ma'am? Student lang naman 'yan." Sabat ko naman at tumingin kay Katniss.
Ang tingin nitong nakapukol sa akin ay tila tatak sa utak hanggang pag-uwi. She's wearing a button-down polo and trousers paired with a formal blazer. Her watch screams wealth. After we broke up I could say she changed a lot. The simple and humble Katniss turned into a dark feminine dominant woman.
Walang mali sa pag-address ng lalaki kay Katniss, maybe he said 'Ma'am' for formality and respect. I just couldn't shut my mouth. Aalis na sana ako pero nagsalita bigla yung lalaki.
"She's our subject teacher in Homeroom Guidance and Statistics." Parang hibang, paano magiging teacher 'yan e 21 pa lang naman si Katniss.
"Teacher? She was a psychology student. Hindi ba?" I looked at her.
"Shut up. Go to your room, Ismael." Katniss said with authority at hindi ako pinansin. How come?
"Really?" Nanunuya kong tanong sa lalaki na ang pangalan pala ay Ismael.
Tumango naman ito bilang pagsagot at sinunod ang sinabi ni Katniss.
"A teacher huh. Nice cosplay, Ma'am." abi ko at nag bow sa babaeng kasama ko ngayon bilang tanda ng pagrespeto.
"Go back to your room, Waverine. Hindi oras ng break time." She coldly scolded me.
"Hindi oras ng break time kasi matagal na tayong nagbreak." Bulong ko at umirap nang palihim.
"What did you say?" Taas kilay niyang tanong.
"Sabi ko, sino ka para utusan ako? Do I even know you, perhaps?" Sarcastic kong sabat at tinalikuran siya.
I dare to feel and treat her in that way.
We were not together anymore, kaya hindi ako magtataka kung ganiyan ang pakikitungo niya. She hates me and I starting to hate her more but I couldn't.
Pagbalik ko ng classroom ay wala yung sinasabing bagong teacher na papalit sa adviser namin. Kung kailan patapos na ang school year tsaka pa sila magshishift.
Patapos na ang oras ng klase nang biglang dumating si Katniss.
"What?" Hindi ko maintindihan, I looked at my friends at nagtataka rin sila.
Teacher should teach with their late 20's, she's just 21 years old for heaven's sake.
"Late greetings to everyone. I'm Katniss Y. Galvez a licensed professor, your adviser. I'll handle this class until the end of the semester." Sabi nito nang kalmado.
"You were a psychology student po 'di ba?" Our president asked marahil ay naalala niya ito noong nainterview kami.
Ngayon ko lang din napagtanto na ang lugar kung saan ako nainterview ay hindi akma sa lugar kung saan dapat ginaganap ang assessment. Napahawak ako sa sentido at biglang nagsalita si Katniss.
"I am, before. That was my second and totga course. Sadly, the things we've wanted the most are the things we couldn't have." She replied.
She's aiming for second degree and she broke up with me dahil magiging teacher ko siya?
Umiling ako, I'm starting to overthink again.
"What's your real age then?" Hira asked without respect.
That caught Katniss off guard.
"Where's your manner Ms.—" Hindi naituloy ni Katniss ang sasabihin.
"Do you pursue that profession because of someone else?" She asked again. Hanga ako sa tapang niya ngayon, I also wanted to know.
"I do pursue this because of someone, kahit na ayoko. Enough questions hindi ito open forum." Wika nito at tinuldukan ang lahat ng mga katanungan.
Ang tingin ni Hira ay nabaling sa'kin and she smirked.
BINABASA MO ANG
Lifeless Sea (GL)
RomanceMiseries # 1 LIFELESS SEA: DEEP WOUNDS OF WAVE (GXG STORY : EDITING) "We can escape and hide from the things that can hurt us, but we are unable to see the process of learning and growing at the same time. Facing reality can make you stronger, and y...