Chapter 29

993 33 3
                                    

Gusto man namin ihatid si mama sa airport kaso lang ay ayaw niya dahil baka raw hindi na siya tumuloy kapag nakita kaming umiiyak.

Nanghihinayang ako dahil sobrang kaunting oras lang meron kami. Pero ayos lang dahil uuwi pa rin naman siya, tatawag pa rin siya sa'min madalas. Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa nangyari. Gumaan ang pakiramdam ko, masarap din palang mabuhay. Ayos na sila nalang ang meron ako.

Medyo ayos na ang pakiramdam ko ngayon kaya papasok na ako ulit. I have more than five subjects to take. I want my mother to be proud of me. Hindi ko na nakikitang negative ang pagiging proud niya sa'kin pagdating sa pag-aaral dahil sa ngayon, ito pa lang ang kaya kong ibigay kaya itotodo ko na kahit na ilang luha at dugo pa ang ialay ko sa pag-aaral ay gagawin ko basta makita ko lang siya at si lola na masaya.

"Ayos ka na ba? I'll call a doctor kung hindi pa. You shouldn't go to school, dapat ay nagpapahinga ka ngayon." Ani ni Katniss na nasa teacher's table. Maaga akong pumasok dahil madami akong kailangang itake pero hindi ko akalain na nandito rin siya.

"Why do you care?" I hid all my emotions dahil natutuwa ako dahil sa pag-aalala niya. At least I knew she always care for me.

"I care because you are my student." Malinaw sa sabi nito.  Medyo nakaka-offend. I assumed.

"Thank you so much po, MA'AM." Diniin ko talaga para hindi halatang nag-aassume ako.

"No worries, Ms. Yllanov." Sabi niya at tumayo para lumabas ng silid.

"Saan ka pupu—" naputol ang sasabihin ko nang may magsalita.

"Hi, babe. Dinalhan kita ng coffee. Iced Americano, your favorite, our favorite.." malambing na sabi ni Agatha. She's wearing a fitted dress and heels that scream elegance, she looks like a mature woman. In short, Katniss' type.

Kaya naman pala.

"Thank you. Let's go?" Tanong ni Katniss kay Agatha na parang wala lang ako rito.

"Oh, hello.. your name is?" Baling niya sa'kin.

"Sea" sagot ko at agad itong lumapit sa'kin.

"Siya ba, Katniss?" Tanong nito at agad naman akong nagtaka. Ako ang ano? Hinihintay ko pa na magsalita si Katniss pero umalis na siya hila si Agatha sa pulsuhan.

"Nice meeting you, Sea. You're beautiful!" Nakangiting bigkas nito. Weird.

Natapos ang araw nang maayos. Natapos ko lahat ng exam ko at for the first time ay walang Katniss na madalas nag-uutos sa'kin. For the first time parang payapa ulit ang mundo ko.

Chinat ko si mama kanina dahil sinabi ko na tawagan niya ako o si Lunox kapag nakalapag na siya sa Canada. Pero nang magcheck ako ulit ay wala pang reply. Kung sabagay ay matagal ang flight papunta roon.

Pupunta nalang ako sa hospital para dalawin si lola. Bago 'yon ay dumaan ako sa bilihan ng prutas.

Nandito ako ngayon sa pwesto nila tito kung saan nagpupunta si Lola Soraya para tumao at magtinda. Naabutan ko naman sa pwesto si tita na nagbabantay kaya nagmano ako.

"Tapos na eskwela? Naparito ka pamangkin? Kumusta pala si tiya?" Sunod-sunod na tanong nito. Alam nilang nasa hospital si lola pero hindi nila alam na mas lumalala pa lalo ang kalagayan niya.

"Bibili lang po sana ng pakwan para dalhin sa hospital, baka gusto po ni lola kaya dadalahan ko siya." Sabi ko at agad naman na kumuha si tita ng plastik para maglagay ng pakwan at dinagdagan niya pa ito ng iba pang prutas.

Mag-aabot na sana ako ng pera pero hindi niya 'yon tinanggap.

"Nako ano ka ba, wala pa 'to sa natulong ni tiya sa'min. Gusto ko rin siyang bisitahin kapag wala na akong ginagawa. Sabihin mo magpalakas siya para makabalik dito dahil maraming suki ang naghahanap sakaniya." Malungkot na ngiti ang iginawad sa'kin ni tita habang binibigkas ang mga salitang 'yon. Halatang mahal na mahal nila ang lola ko.

Lifeless Sea (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon