Late na akong nakatulog dahil sa research at ang ending late sa first subject.
Nag discuss yung teacher namin pero kaming mga late ay hindi niya pinansin. Binigyan kami ng activity pero hindi pinagquiz, that's 50 points. Kahit anong reason mo, wala at hindi uubra.
"Pahingi ngang lecture," sabi ko kay Kalyst. Mas malapit kasi siya sa desk ng teacher ngayon. Printed ang mga lectures sa subject na 'to kaya nanghihingi ako. Free lang din naman katulad sa ibang subjects namin dahil provided na 'yon ng school as school materials.
Mukhang hindi niya ako narinig. Nang tumingin ako sa labas ay nag-uusap si Hira at yung teacher namin na 'yon. Yung hindi ako binigyan ng quiz.
They laughed, they talked. Looks like having fun with their conversation.
Tumayo ako at kumuha ng lecture sa teacher's table.
Nang hawak ko na ang lecture at pabalik sa upuan ko ay narinig ko ang teacher na nagsalita. Nakabalik na pala sila.
"Sinong kumuha ng lectures dito?!" Taas kilay niyang tanong, ang lakas ng boses.
Hindi ko rin alam kung anong mali sa ginawa ko, ginapang ng kaba ang sistema ko. Sa hindi malamang dahilan ay parang guguho ang pagkatao ko. Ang kabang nararamdaman ko ay hindi dahil sa guilty ako, ang kaba na 'to ay takot kung saan at hindi ko rin alam. My hands were trembling. Pumikit ako nang madiin at bago nagtaas ng kamay.
Dumako ang tingin ng teacher sa gawi ko at galit akong tinignan.
"ikaw?" Tumawa ito ng nakakainsulto.
"Late ka na nga tapos magnanakaw ka pa?" Malakas at inis nitong lintya habang nakakunot ang noo at nakataas ang isang kilay.
Magnanakaw? That's absurd. Buong buhay ko hindi ako nakatanggap ng ganiyang salita. I was offended. That's over the line. Nanatili akong walang imik at binaba ang kamay ko.
Tahimik ang buong klase at si Hira ay parang nakangiti pa.
Pumunta siya sa gawi ko at hinila ang lectures sa kamay ko.
"Ang hindi nagpapa-alam at basta nalang kumukuha ng hindi sakaniya, pagnanakaw na 'yon. Kaya kayo class isinop niyo 'yang gamit niyo." Tinignan niya ko nang masama bago lumabas ng silid.
May point, pero enough ba 'yon para manigaw at magbato ng mabibigat na salita? Imagine the damagefrom someonee's perspective. My respect to that teacher was gone the moment he called me theif and accused me of stealing anything kahit na responsibilidad niya naman talagang bigyan kami ng lectures.
I want to burst into tears. That was insane. I displayed my poker and bitch face to hide any emotions.
Start pa naman ng another quarter pero ampangit ng bungad.
Lumabas ako ng room at iniwan ko ang mga kaibigan sa classroom, I want to hide for a little while, I want to shout, I wanted to go to a quiet place. Huminga muna ako nang malalim bago pumikit.
"You don't have class?" Tanong ng taong nasa gilid ko.
Idinilat ko ang mata ko nang tumambad ang pagmumukha niya sa harapan ko. I could feel my eyes, in any second ay iiyak na ako. Such a cry baby Sea.
"Kung meron, bakit naman ako lalabas?" I said at hinilot ang sintindo na kunyari ay stress lang.
Hindi na ito umimik pero nasa harap ko na siya ngayon.
"Kainis kasi yung teacher na 'yon, unfair." Umirap ako sa hangin.
Such a good actress, gusto kong palakpakan ang sarili.
She puts her hand above my head. She smiled. Yung ngiting sobrang genuine na parang nagcocomfort.
Tila naghuhirumintado ang puso ko, kanina ay inis at na-iiyak ako, ngayon ay hindi ko na alam. Lagi akong nabablangko. I stared at her. Nawala panandalian ang frustrations na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Lifeless Sea (GL)
RomanceMiseries # 1 LIFELESS SEA: DEEP WOUNDS OF WAVE (GXG STORY : EDITING) "We can escape and hide from the things that can hurt us, but we are unable to see the process of learning and growing at the same time. Facing reality can make you stronger, and y...