Chapter 23

723 24 1
                                    


This time, I am independently alone. Walang Katniss na handang dumamay, walang Katniss na yayakap, walang Katniss na magpapagaan ng pakiramdam at walang Katniss na pupunas ng luha. No medicine and comfort zone at all. I'm all by myself in the place I hate the most.

Alam ko na kahit wala ako, kaya nilang magpatuloy. Kaya ni Katniss sumaya kahit wala ako, seeing her life without me, she looks fine and good. Nagagawa niya lahat ng gusto niya without hesitation at nakakasama sa lahat ng mga taong inayawan niya para sa'kin.

I already miss my Cloud. How I wish he was here, siya ang kakampi ko sa lahat ng panahong gusto kong tumakas sa mundo. I missed his smell and meow. I missed touching his paws.

I am wondering kung anong lagay ni mingming sa puder ni Yuryne? Is mingming okay? Of course she is, nakakain 'yon nang sapat dahil Yuryne can provide unlike me. It's a better choice.

How about me? Am I being selfish for isolating myself? Hindi ko naman 'to gusto. Sadyang hindi ko lang alam kung saan pupunta dahil yung taong tahanan ko ay hindi na ako kilala. This is my coping mechanism, to avoid people dahil hindi nila naiintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Kahit na naiintindihan nila, hindi ko alam kung paano ilalabas ang sarili ko sa ginawa kong kulungan. For others, this isn't healthy anymore, but for me it is.

Pasko na mamaya pero nandito pa rin ako. Dati ang ikinalulungkot ko lang ay walang kasamang ama at ina tuwing pasko pero ngayon, bakit sobrang dami nang rason para umiyak? Bakit hindi nalang magkaroon ng rason para magpatuloy pa? Am I blind to see positive in my life? Siguro.

I hate this adulting phase, so many lessons to learn, sobrang daming process at pasikot-sikot. But I guess that's how life works.

Matagal kong iniisip kung ano ako sa paningin ng ibang tao, kung ano ako sa paningin ng nanay ko, ng kapatid ko, ng mga kaibigan ko, ng lola ko, at ni Katniss. I wonder what kind of person I am.

I saw myself as lifeless. Nabuhay para sa wala, nagpapatuloy dahil sa ibang tao at hindi para sa sarili ko.

I saw myself as a storm of itself. I ruined my own dahil nagpadala ako sa agos at ragasa ng pasakit. I drowned myself sapagkat alam ko na wala akong takas mula sa lahat ng pangamba. Umiikot ako sa hindi tiyak na proseso na miski ang sarili ko ay nakalimutan ko na.

What kind of person am I?

Masamang anak? Mabuting kaibigan? Pabayang kasintahan? O pahirap na tao? Ano ako sa mga 'yan?

Merry Christmas talaga.

I hear a knock on my door.

"Apo, kumain na kayo ng kapatid mo at magligpit, mauuna na ako matulog." She sweetly said.

"Sige po, La" I replied.

May nahanda ngayong pasko dahil kay Lola, I am so disappointed in myself. Ganito nalang ba ako? I should think positive kaya bukas ay babawi ako.

Pinalipas ko ang oras at wala pa rin natatanggap mula kay Katniss. I missed her, hindi ko idedeny dahil totoo naman.

Hawak ko ang necklace na binili ko, may pendant itong wave. It symbolizes that I'm willing to give myself to her, only for her.

Nilagay ko na 'yon sa box at paper bag kasama ang 25 letters na sinulat ko. I couldn't express my feelings through my voice kaya sinulat ko nalang. It's past 12 am, Christmas day.

Medyo malapit lang naman ang bahay nila sa kanto namin. I can't wait for sunrise kaya nag-ayos ako at nagpaalam kay Lola Soraya.

"La, punta po ako kay Katniss. Tawagin mo nalang po si Lunox kapag may kailangan kayo ha. Huwag nang magpapabinat." I kissed her forehead.

Bitbit ang regalo ko, I finally stepped out of the room full of worry and loneliness. I will finally see my safe place again.

Hindi ako pinapayagan ni Katniss maglakad nang ganitong oras dahil madilim at mag-isa lang ako pero who cares. I can take care of myself.

When I was walking I saw a familiar figure of a boy. I know I've seen him before hindi ko lang matandaan kung saan.

Halos nasa tapat na ako ng gate nila Katniss, mukhang wrong timing dahil mukhang may party pa ata, pero I'll try my luck.

I was calling Katniss for the 8th time now pero walang sagot. Nakakabother yung  lalaki kanina kaya napatingin ako sa gawi niya, nasa harapan ko siya at may ilamg metro ang layo, nakatalikod ito at luminga-linga. Para akong spy sa lagay na 'to kahit girlfriend ko naman ang may-ari ng bahay na pinuntahan ko.

Maglalakad na sana ako papunta sa gate pero agad kong narinig ang familiar na boses.

"What are you doing here, Fuego?" It was Katniss with her silk green dress above the knee.

Medyo malapit ako sa gawi nila pero hindi pa rin ako makikita dahil sa mga dahon na nakaharang, medyo nakasiksik at malapit na ako sa pader. Nakatayo ako hawak ang regalo at tumalikod saglit para hindi magulo ang ayos ko. I wore a red fitted dress with sleeves paired with sandals. Aayain ko rin sana si Katniss na magcelebrate. It's a romantic hour.

"I missed you, Kat. How are you? Hindi mo ba ako papapasukin?" Fuego asked. I remembered him, he's Katniss' friend.

"Babe, who's that?" Sabat ng babaeng kalalabas lang and the girl wore a white mini dress with a slit. She held Katniss's waist.

Ngayon ko lang nakita ang babaeng humawak kay Katniss.

I could feel my hands shaking but I calmed myself. Gusto kong makita kung ano ang gagawin ni Katniss. I trust her.

"Let's go, you two. I'll introduce Fuego to you later, babe." Sabi ni Katniss sa babae and she has even a gut to smile.

It's our monthsary today pero nakalimutan niya?

Nang makapasok sila sa loob ay umalis na ako. Ayokong pangunahan siya, I wanted her explanation.

"Waverine." A cold tone called my name. Siya lang ang tumatawag sa'kin niyan.

Hindi pa ako nakakalayo sakanila pero nandito siya.

I faced and smiled at her. Wala lang yung nakita ko dahil alam kong hindi niya magagawa sa'kin ang nasa isip ko ngayon. I know I am not enough pero pinafeel niyang enough ako para sakaniya kaya hindi niya magagawang lokohin ako. Sa dami ng magandang rason, sa huli, siya lang.

"Merry Christmas and Happy monthsary.." Ramdam ko na patulo ang luha ko kaya agad ko itong pinigilan, I swallowed hard and had a  deep breath.

Sa kabila ng sakit, I just smiled. I saw a positive on her side na matagal ko nang hinahanap sa apat na sulok ng kwarto. Now I've finally seen her again, I felt relieved.

"Let's talk," sabi nito na hindi pinansin ang sinabi ko. Kaba ang nanatili sa puso ko.

I handed her my gift.

"For you, it's not expensive pero nageffort ako riyan, sana magustuhan mo.." mahina kong wika at pinipilit na maging buo ang boses.

"I love you so much, Katniss. Can I have a power hug and kiss? Hmm..?" Kasabay ng nangungusap kong mata ay siyang pagtangis ng aking puso.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla nanamang tumigil ang mundo ko.

She pulled me into a hug and kissed my forehead. I felt safe again after a long time.

"Let's talk" sabi nito at hinila ako papunta bench malapit sa bahay nila. Maliwanag pero wala masyadong tao.

"About?" I asked.

Lifeless Sea (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon