Umuwi na ang iba sa kaklase ko pero I stayed. Katniss looked at me with her questioning stares.
Halos pagabi na rin at nauna na sila Surea because they understood what I wanted to do.
It is just me and Katniss.
"Huwag kang umalis," lintya ko.
She raised her brow. "What do you need?" Tanong nito.
Huminga ako nang malalim at nakayuko bago nag-angat ng tingin. Her piercing brown eyes say something's changed.
"You're not 21 years old. Agatha was your first love. You are a liar." Matapang kong sabi. That's the truth.
"Wala nang tayo so what's the matter?" Her cold voice was telling me that I was nothing to her.
"M-minahal mo ba talaga ako, Katniss? I deserve to know the truth..." My voice was shaking but I composed myself again.
"I loved you. Lahat ng bagay ay nagbabago, Waverine. I hope you understand." Her eyes told me something I couldn't recognize.
"Hindi ko maintindihan, sa sandaling panahon ba, hindi ko siya nahigitan?" Pa-iyak na ako dahil ramdam ko nanaman ang parang tinik sa aking lalamunan.
"Wala kang kailangan na higitan dahil alam mong ikaw ang nagkulang." Those words are really meant for me.
It's the signal sign for me to stop.
Through those days I've been missing, wala akong inisip kung hindi siya. Binigay ko lahat. Pero baka siguro nga kulang pa rin dahil 'yon lang ang meron ako.
"Iniwan mo ako para ano? Gusto kong marinig ang lahat ng rason mo kahit na hindi na dapat. Saan ako nagkulang? Dito ba?" I unbuttoned my blouse one by one pero pinigilan niya ang kamay ko.
"What are you doing, Waverine?! I respect you a lot. Don't do that because of me." Matalim niyang bitaw ng salita.
"Nag-usap na tayo pero alam kong may iba pang rason." Bigkas ko.
"You are too young for me, I'm 26 and you're just 18! Kasalanan ko kaya hanggat maaga pa ay itinigil ko na." Sabi ni Katniss, habang ang dalawang kamay ay nakatukod sa lamesa.
Does she love mature women? I can be that one. Pero hindi mapipilit ang lahat ng bagay kahit na gustuhin mo pa.
"Perfect timing, I understood. Bumalik ka sa pagtuturo para mapakawalan ako, professor and student shouldn't build an intimate relationship together. Age doesn't matter but for you it does. You're confused, don't you? Hindi mo ako mahal katulad ng pagmamahal mo sakaniya. Biruin mo, nagteacher ka para sakaniya kahit na ayaw mo. Hindi ka nalang sana dumating sa buhay ko in the first place." Tumakbo ako palabas hawak ang aking bag, sakto pa sa pagbuhos nang malakas na ulan.
Pero kung hindi siya dumating ay baka wala na ako rito sa mundo. She saved me, ito nalang ang kaya kong gawin for her, ang hayaan siyang mabuhay nang masaya kahit hindi ako ang kasama.
The car stopped in front of me. It was Yuryne's car.
"Get in, baka magkasakit ka." Sabi nito at binigay ang jacket at towel na nasa back seat.
Sobrang lamig sa labas dahil na rin sa lakas ng hangin. Mabigat ang loob ko pero wala na akong maiyak. Quota na rin siguro ang mga mata ko.
Tuloy ang byahe namin ni Yuryne at hindi ko akalain na dadalhin niya ako sa isang fancy restaurant. It's my first time here.
"Do I look like basang sisiw? Nakakahiya." Yumuko ako dahil hindi ko alam ang itsura ko ngayon.
"You're beautiful, just like me. Let's go Sea." Imbis na Se-ya ang bigkas sa pangalan ko ay binigkas niya lamang itong Si.
BINABASA MO ANG
Lifeless Sea (GL)
RomanceMiseries # 1 LIFELESS SEA: DEEP WOUNDS OF WAVE (GXG STORY : EDITING) "We can escape and hide from the things that can hurt us, but we are unable to see the process of learning and growing at the same time. Facing reality can make you stronger, and y...