Bumilis ang paglalakad ko dahil may nadaanan akong nag-iinuman sa tabi ng kalsada. Sobrang dilim at walang mga ilaw ang poste, kung meron naman ay patay sindi ang mga 'yon.
"Psst, sexy!" Tawag nung isa.
Hindi ako lumingon at naglakad pa nang mas mabilis. Fuck. Fear consumes my body. My trembling hands are so cold right now.
"Hi ganda, sexy mo. Masarap ka siguro." Sabi pa ng isang hindi nakadamit at may yosi.
They were big men, I knew I couldn't fight.
"Ganda naman ng bestida mo, siguro mas maganda yung nasa loob. Pwedeng patingin?" Nakakalokong sabi ng kasama nito na mamula mula ang mata.
My legs are shaking right now. I don't know what to do. I want to cry and shout but I can't. Walang salita ang lumalabas sa bibig ko kahit anong buka ko rito.
"Huy sexy naman, sarap na pulutan 'to pare" he licked his lips. Manyak! Kadiri!
"Mga manyak puta." I cursed under my breath, I walked faster than I could. Kung hindi ay baka hindi na ako maka-abot sa bahay namin.
It's my first time to walked at night, this experience gave me so much lesson and frustration. Nag-effort ako para maging masaya at pagbigyan ang sarili ko na makita siya but I ended up like this.
Nasa gilid pa rin ako ng kalsada habang nagpapatuloy sa paglalakad pauwi, halos tumakbo na ako sa lagay na 'to. Hindi ko alam kung didiretso ba ako para humingi ng tulong o susuot ako sa eskinita para magtago. But I chose to continue walking way back to our house.
"Pakipot ka pa, tara hatid ka na namin" sigaw nung isang nag cat call sa'kin.
"Tangina mo manyak!" I tear escaped from my eyes.
"Halika na rito!" Sigaw nung nagyoyosi and I heard their evil laugh.
I can't imagine myself in this kind of disgusting situation.
"Sea!" May narinig akong nagtatawag sa pangalan ko at agad akong lumingon.
"Yuryne!" Sigaw ko sakaniya at pinasakay ako sa kotse niya.
She hugged me tight at mas lalo akong umiyak. I cried on her shoulder and she patted my head.
"Shh don't cry..what happened?" She worriedly asks.
Kinuwento ko sakaniya ang nangyari simula sa amin ni Katniss hanggang sa pangbabastos na narasan ko.
"Katniss let you walked alone? Sa ganito kadilim? Oh God, I hate her." Sabi nito at bakas ang inis sa mukha.
"Naiintindihan ko siya, I hurt her and I think it's my karma." Sabi ko at inabot ang tissue na binigay niya.
"That's lame, 'yang mga matatanda na 'yan dapat magmature nakakainis." Sabi nito at tila may pinanghuhugutan pa.
"Don't be mad at her, it's my fault. Mukhang may pinanghuhugutan ka rin, lq kayo ni mommy mo?" I asked. I'm about her lover.
"Mommy ka riyan, sabagay nagpakananay sa lahat. Damn, ang sarap isumpa. Alam kong kaibigan ko si Katniss pero hindi ko itotolerate 'yan, sana man lang hinatid ka sainyo." She's ranting.
"She's busy with her friends." Gusto kong itanong angabout kay Agatha and Fuego. What's the real score between them.
"Who's friend? Hindi naman pumunta si Nix at sila Surea." She said.
"Agatha, Fuego, and the rest hindi ko na alam." I honestly answered.
"Agatha was her first love. Nasabi niya ba sa'yo?" She asked.
Ngayon ko lang na realized na wala akong alam tungkol sa past ni Katniss, never siyang nagkwento at nagsabi. Hindi rin ako nagtatanong at ang tanga ko sa part na 'yon.
"Sinabi niya lang na childbood friend niya 'yon." Ayoko nalang alamin pero there's a part of me na gustong malaman kung anong meron.
"Agatha was Katniss' first love in her junior years. Of course, she got rejected dahil straight 'yon." Wika nito.
"What happened after?" I asked.
"Agatha flew abroad and chose her abusive husband. Yes, she was married before, but now, they are not both together anymore. Katniss waited for her for a long time. " Kwento nito and it was breaking my heart.
Hindi ko alam kung anong sakit ng damdamin ang mararamdaman ko. Masakit dahil may score between her and Agatha, masakit din dahil she always chose love yet always waiting for her lover to come back. Now I understand. Sana ay maaga kong nalaman. Sana ay nagtanong ako, mas pinagtuunan ko pa sana siya ng pansin. She's right, I'm selfish.
"Kasama ka sa party nila?" Of course she was, kaibigan siya ni Katniss. Iniba ko ang usapan.
"Papunta pa lang sana pero nakita kita sa ganoong sitwasyon, mag-isang naglalakad, sobrang dilim at delikado no'n, Sea." Sagot nito.
"Sorry sa abala, you should go to the party baka hinihintay ka nila." I said at bumaba ng sasakyan niya dahil nasa tapat na kami ng bahay.
"I don't want to see them lalo na si Agatha, she hurts Katniss, I do hate that girl." Sabi nito na nakakunot ang noo.
"Sinaktan ko rin si Katniss, that means hate mo na rin ako?" Alanganin ko na tanong.
"Of course not, sobrang magkaiba kayo no'n. Hindi mo pa kasi kilala at hihilingin mo na sana 'wag mo nang kilalanin pa." Napairap ito.
Pareho kaming natawa nalang.
"Ang tahimik ng bahay niyo, wala sila lola?" Yuryne asked at nakasunod pala sa'kin papasok ng bahay.
"Natutulog lang si lola pati si Lunox. It's 3am." Sagot ko sakaniya.
Tumango ito at nagsalita.
"You should be happy, smile Sea. Merry Christmas girl!" Yuryne greeted me.
"Yeah, I better should." Pilit akong ngumiti at pinakita sakaniya.
"Kumain ka na rin, pasensya at 'yan lang ang handa namin. Pero alam mo ba na hindi lang 'yan basta-basta. Specialty ni lola 'yang suman. You should try one. " Wika ko sakaniya.
"Wow, really? I love suman. Naalala ko si lola dahil kay lola Soraya. Pwedeng magtake-out?" She asked at I laughed bago tumango.
"Ayusin ko muna damit ni lola ha, gagala kami mamaya." She deserves to see the world at ibibigay ko sakaniya 'yon kahit walang wala pa ako. Meron o wala, she should be happy, I should make her happy dahil kung saan siya masaya ay masaya na rin ako.
I remembered our conversation yesterday.
"Maayos na po ba pakiramdam mo, la?" I asked
"Oo naman, kayo muna ang maiwan dito sa bahay at ako'y pupunta sa palengke. Tatao ako sa tindahan para may pang-handa tayo." She said while fixing her floral bestida.
"Hatid ko na po kayo?" Tanong ko dahil medyo malayo ang sakayan ng tricycle rito sa'min.
"O'siya sige, mauuna na ako." Paalam nito.
Buti ay umayos ang pakiramdam ni lola, kahit na bakas pa rin sa katawan niya ang pagkakasakit mas gusto niyang umaalis o kumikilos at ayaw niyang nakahiga lang. Kesyo mas lalo raw siyang magkakasakit kapag nahiga nalang siya.
Hinahayaan ko nalang din si Lola Soraya na gawin ang gusto niya pero syempre kapag mabibigat na bagay ay pinagbabawalan namin siyang magkapatid.
Siya ang dakilang ama at ina na meron kaming magkapatid.
Ayokong magpakalugmok, that's enough. I allot energy for being lonely and I'm trying to hold it. Kaya ko pang bitawan at pakawalan ang sakit ng pag-ibig. Sana nga ay kayanin ko.
"Go ahead," Busy si Yuryne sa paglantak sa suman at nagpatuloy ako.
Nagpatuloy ako at inayos ang bestida ni lola Soraya.
Pumasok ako sa kwarto nila ngunit wala siya. Dis oras na, saan naman siya pupunta? I also checked my phone and there's a lot of notifications from my brother.
Not again, please.
BINABASA MO ANG
Lifeless Sea (GL)
RomansaMiseries # 1 LIFELESS SEA: DEEP WOUNDS OF WAVE (GXG STORY : EDITING) "We can escape and hide from the things that can hurt us, but we are unable to see the process of learning and growing at the same time. Facing reality can make you stronger, and y...