Ilang araw akong hindi lumalabas ng kwarto. Wala akomg gana sa lahat. Tinitignan ko ang outing bestida ko pero hindi ko man lang magawang isuot 'yon.
"Sea, buksan mo 'tong pinto. Kumain ka na, please.. ilang araw ka nang hindi kumakain. Lumabas ka na riyan." It was Surea, ilang araw na rin siyang nandito sa bahay.
"Umuwi ka na. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo dahil sa'kin, Surea. I'm not worth it, please leave me alone." Sabi ko at bumalik sa pagkaka-upo sa sahig.
Gulo-gulo ang mga gamit at nagkalat sa sahig ang unan, kumot, at kung ano pang mga gamit.
"Sea, nandito kami. Pwede mo kaming kausapin, pwede kang magrant sa'min, pwede kang umiyak sa'min. Nandito kami para sa'yo, hindi ka nag-iisa.." Pagkukumbinsi ni Yuryne.
Hindi ko ito pinansin. I was sorry for being like this. Ayoko nang ganito, ayokong malagay sa sitwasyon kung saan ang taong nagmamahal sa'kin ay itataboy ko. Hindi ko naman ginusto na mapunta rito. Lahit kailan ay hindi ko hiniling na maranasan 'to.
Pinagtuunan ko ng pansin ay ang sobreng hawak ko. Binigay ni mama bago siya umalis.
Dahan-dahan kong binuksan ang sobre at may nakalagay na papel at pera. I started to cry again. Huminga ako nang malalim para pigilan ang pag-iyak. Pagod na pagod na akong lumuha nang paulit-ulit.
Sa aking mahal na anak, Sea Waverine,
I am proud dahil ikaw ang binigay sa'min ni God. Hindi ako nagsisisi na bigyan ka ng buhay, mahal kita anak ko. Kahit marami tayong pinagdaanan sa buhay ay naging matatag pa rin tayo mula noon hanggang ngayon at hindi ka naging sakit sa ulo sa'min ni nanay. Pasalamat kay Katniss dahil pinamulat at ipinaintindi niya sa'kin ang nararamdaman mo, kung hindi dahil sakaniya ay baka nasa malayo pa rin ako at nagsisisi sa lahat ng mga nagawa at nasabi ko. Hanga ako sa batang 'yon dahil ipinaglaban ka niya sa kabila ng lahat. Mahal kita, mahal na mahal ka namin anak kung alam mo lang. Proud na proud ako sa'yo dahil nagagawa mong kayanin lahat. Malayo man ako sa'yo/sainyo alam kong kaya niyo hindi dahil sa sanay na kayo kundi dahil alam ko na pinalaki kayong mabubuti at matatag na mga bata. Mag-iingat kayo palagi dahil malayo nanaman ako sainyo. I love you so much, anak.
Love, mama
Hiniling ko noon na sana hindi panaginip ang lahat pero ngayon ay gusto ko nalang magising mula sa bangungot na 'to. Walang katapusang pasakit at paghihinagpis.
That letter was enough to make me suffer more.
I composed myself. I wore the white dress I bought. It perfectly fits my body. My brother needs me.
Lumabas ako ng kwarto. Medyo madaming tao dahil dito nakaburol si lola.
Nang tumingin ako sa Altar kung nasaan ang dalawang funerary urns. My heart tore. A loud noises from my brain was screaming for help. I felt numb.
The two women I value the most died on the same day. The woman I love also left me.
Sabay silang ililibing ngayon. It's been 7 days yet the pain I could feel was similar to the pain I felt that day. Nothing changes and there's nothing will ever change.
"Mom.. Lola.." I uttered.
Gumuguho ang mundo ko bawat minuto. Sa bawat segundo na lumilipas wala akong ibang gusto kung hindi ang sisihin siya.
Once I entered my mom room, bumungad sa'kin ang kahon na nilagpasan ko lang noon. I wonder what's inside this box.
Dahan-dahan kong binuksan ang kahon.
Bumigat ang pakiramdam ko dahil bumungad sa'kin ang aming family picture. She have these stuff?
All my life I've never seen this kind of photo. My biological father and my mother seems so glad. Para kaming masayang pamilya. Dati ay hinihiling ko lang na makumpleto kami and today is the day that ny wish came true. Kahit na sa litrato lang ay buo kami. Kahit sa isang lumang papel lang ay masaya kami.
Sa katahimikan ng paligid, malakas na ingay ng pagtangis at tunog ng humihiyaw na pagdurusa lamang ang naririnig ko.
I could hear myself cry when anyone couldn't.
I once hated life. I hate how it affects me.
Every morning I loathed my life. Each day, I hate to walk and run to fill every inch of distance just to continue breathing. The trauma that gave me the right to despise living even more was part of the reason why I've been suffering this far.
Pagkatapos ng libing ni Lola Soraya at ni mama ay rito ako nagtungo. I missed her. I'm wearing my favorite white dress pero hindi ko alam na sa libing pa ng pinakamamahal ko 'to maisusuot. Sa tuwing tumitingin ako sa dagat ay parang nakikita ko ang sarili ko.
My lola gave my name, ngayon alam ko na kung bakit. She wants me to be strong. Kahit na mag-isa at walang kasama, I needed to face my own storm.
She helped me. Kahit na malayo siya, sobrang lapit niya pa rin sa'kin.
Nakaupo ako sa puting buhangin habang nakatanaw sa kulay asul na tubig dagat. Ang kulay ng mga ulap ay nagmimistulang kulay abo na noon ay punong-puno ng mga kulay at nagsisilbing may buhay pero ngayon ay hindi ko na masilayan. Pati hampas ng mga alon ay naghuhumiyaw, tila naghihinagpis dahil sa bagyong paparating.
I smiled. I felt tears flowing in my eyes. My heart can't take that pain anymore. Hinawakan ko ang dibdib at pinakalma ang sarili.
"I missed you so much... Kat," I uttered. Being sane for me was devastating, I can feel everything pero ayoko nang ganito.
I want Katniss to live without me.
Mahirap ipilit pero masakit pakawalan.
I said I'd stay so I did. I promised I'd change so I did. I said I would never leave so I did. But I never said that I wouldn't cry. I never promised myself that I wouldn't be hurt.
Loving her at my greatest was the best thing that ever happened to me. Embracing her as part of myself is the happiest decision I've made.
In this age, love might not be defined but Katniss made me feel how good it was. It's a wonderful feeling and no words could be explained.
How can I move on if the pain is still here, how can I move forward if I still love her, if it's still Katniss, how could I start if I lost myself in the first place, how can I recover to this if she was the one who caused it, how long I'll suffer? How far will it last?
BINABASA MO ANG
Lifeless Sea (GL)
RomanceMiseries # 1 LIFELESS SEA: DEEP WOUNDS OF WAVE (GXG STORY : EDITING) "We can escape and hide from the things that can hurt us, but we are unable to see the process of learning and growing at the same time. Facing reality can make you stronger, and y...