We left Wednesday morning and we're going back Friday evening. It's been 3 days. Since we enjoyed our vacation since we have no classes due to preparation for an upcoming big event next week. Isa kami sa magpeperform ng hip-hop sa event, it is graded.
"Hindi ka talaga sasama?" Tanong ni Kalyst. Papunta na rin kasi sila sa venue ng mga bands.
"Hindi, pahinga muna ako" pagod na pagod na rin kasi yung utak ko kakaisip, pati yung katawan ko.
I'm at home, hindi ko napansin na nakasunod pala si Katniss. Just her normal aura, pero parang may kakaiba ngayon, parang may gusto siyang sabihin.
"Spill it," I tiredly said. Gusto nang pumikit ng mata ko.
"Nothing, take your rest. I'll leave," she said at iniwan ako sa tapat ng bahay namin.
Sakto namang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin sila mama na masayang kumakain sa lamesa.
"Tawagin mo na yung kapatid mo at kakain na." Sabi niya sa'kin. E kumakain na nga sila? Ngayon niya lang naisip na tawagin yung kapatid ko?
Napabuntong hininga nalang ako at nagtungo sa kwarto. Aayain ko nalang lumabas yung kapatid ko since may ipon naman ako dahil sa allowance na hindi nagalaw. Ewan ko sa mga kaibigan ko kung bakit hindi na nila ako pinag ambag sa gala namin.
𓇼 ⋆.˚ 𓆝⋆.˚ 𓇼 ⋆。˚ 𓆞
Nandito kami ngayon sa tabing dagat katabi ng cafe ni ate Arissa. Iced coffee kasi ang gusto ni Lunox. After namin kumain ay bigla akong napaisip sa concert ng favorite bands ko.
"Should I go?" Bulong ko sa sarili.
"Ate tara nood tayo! Favorite bands mo pa naman 'yon. Ayoko munang umuwi kasi ayoko silang makita." Sabi ng kapatid kong si Lunox. Parang nasagot bigla ang tanong ko kanina sa sarili.I understand him, kahit ako ay ayoko pa ring umuwi.
"May ticket ka?" I asked him. Habang inaayos ang gamit sa bag ko.
"Meron, binigyan lang ako ni ate Katniss kanina. Nakasalubong ko siya kaninang pauwi ako, galing pala siya sa bahay natin?" he asked. Ayoko naman sabihin na hinatid ako ni Katniss, pero wala namang masama 'di ba?
"Hinatid niya ako kanina, nga pala bakit ka binigyan? Close kayo?" I asked kasi hindi pa sila nag memeet before.
"Sa volleyball, siya nagpasok sa'kin," he proudly said.
Naglalaro nga rin pala ng volleyball si Katniss.
"Lolo niya si coach." Dagdag nito. I just nod at him.
I wonder kung ilang school ang pagmamay-ari nila, ganoon ba talaga siya kayaman? Never mind, mayaman o hindi, she's genuinely pure and thoughtful kaya deserve niya lahat ng meron siya. Pero bakit naman siya nag psychologist?
"Hoy, ate! Tara na baka 'di na tayo makapasok doon mamaya madami nang tao." Sabi ng kapatid ko. Nakakainis talaga 'to kitang nagmumuni muni pa yung tao rito.
𓇼 ⋆.˚ 𓆝⋆.˚ 𓇼 ⋆。˚ 𓆞
We are here at the venue. Sobrang crowded, malamang concert.
Nakasuot lang pala ako ng maong short, white polo croptop, cap, and white rubber shoes. Malaking pagkakamali na nagshort ako pero hindi ko naman kasi alam na aayain ako ng kapatid ko rito.
Umupo na kami sa seat namin. Unang dumako ang tingin ko kay Surea, agad ko siyang niyakap.
"Wow ha parang hindi kayo magkasama kanina" sabat ni Tala.
"Kaya nga, ganiyan 'yan sila," ani ni Serius na parang nagtatampo.
"Wag na magtampo, kiss pa kita," sabi ko. Pang-asar ko lang sakaniya 'yon because he doesn't want girls, especially kapag touchy no exceptions kahit kaming kaibigan niya.
"Yuck, doon ka kay Katniss." sabi nito at umaktong parang nandidiri. Itong baklang 'to talaga parang others, but I love him as a best friend of course.
"Wala nga si Katniss, 'di rin ata pupunta kasi akala hindi pupunta si Sea." It was Yuryne who spoke. She hugged me too pero nag excuse rin agad dahil may tatawagan daw siya.
Sumabay kami sa kanta dahil favorite band ko na ang kumakanta, pero biglang natigil si Surea na nasa tabi ko.
"Hi, ate Kat, akala namin hindi ka na pupunta?" Surea asked.She gave me a confusing look. Pinandilatan ko lang siya ng mata and then I smiled.
"Hello," I casually greeted Katniss. She's wearing black pants, an oversized white t-shirt, na pinatungan ng maong oversized black jacket, simple yet charismatic.
Ngayon ko lang napansin na nagpagupit pala siya. Her new haircut suits her better. Katniss masculine features became more highlighted.Her short hair with side bangs is light layered, I don't know what it's called. May nakalagay ulit na shades sa kaniyang ulo na ginawa niyang headband. Her eyes are cold and sharp.
Tumabi siya sa'kin at ang kapatid ko ay katabi naman nila Yuryne.
"Yuryne called me earlier, magstart na raw kaya pumunta ako agad. Hindi niya ba sinabing malalate ako?" Sabi ni Katniss kay Surea. Umiling naman si Surea.Ang bilis niya naman? Kakatawag lang ni Yuryne pero nandito na siya? Nevermind.
"By the way, hi." Casual na sagot niya rin sa'kin at hindi na siya umimik. Mukhang bad mood ata dahil nandito ako?
Umupo lang ito sa seat habang kami naman ay nakatayo habang sumasabay sa kanta. I'm ignoring her presence until may naramdaman akong pumulupot sa bewang ko na kung ano.
It's her maong jacket. Itinali niya ito sa bewang ko at tinapunan ko siya ng tingin.
"I'm sorry,""Thanks," sabay naming bigkas dalawa.
She was sorry for liking me or for kissing me? She always made me confused damn her.
Masyado nang late pero wala naman pasok bukas kaya ayos lang. Sunday pa naman last rehearsal namin for the hip-hop competition.
𓇼 ⋆.˚ 𓆝⋆.˚ 𓇼 ⋆。˚ 𓆞
It's Monday and today is our competition. Lahat ay makakanood dahil sa open area kami sasayaw. It's also foundation day kaya sobrang daming students ang nagkalat.
"Good luck, ABM!" Our adviser cheered for us.
There are a lot of booths and food stalls everywhere. May game booth pa nga na parang perya. Tapos meron ding kiss booth, which is booth namin. Magpapalista ka lang ng two names at huhulihin, then they should kiss each other, nose, cheeks, forehead, hand, or whatever part of it you wanted except for private and lips part of course. If they don't want to do it, may multa. May other choices din, may ginawa kaming kiss stickers, stamps, and tattoos para sa mga gustong magkaroon ng temporary kiss marks.
Habang iniikot ko ang aking paningin sa paligid ay kasunod na kaming magpeperform. We wore white tops with different styles, white pants, and white shoes.
We saw the audience cheer for us. I also heard Nix and Yuryne's voices from the crowd. Nakaupo sila sa harap katabi si Katniss.
"Go baby girls! Go Sea, Surea, Tala, Kalyst, Serius, and Sorin!" Yuryne cheered. Taas ng energy habang si Nix ay ready nang mag video.
"Whoo smooth, that's my friend right there!!" Nix shouted, habang hawak ang camera at nagvivideo.
Our choreographer decided to have that kind of dance. Not so sexy na may angas ang dating.
They all clapped at mas lalong lumakas ang hiyawan nang matapos kaming sumayaw.
"Ang galing mong sumayaw Sea! Ganiyan ka pala ha may tinatagong wildness" komento ni Yuryne.
"Wildness ka riyan" Irap ni Katniss.
"Ang gagaling ng mga frenny namin, kakaproud!" Sabi sa'min ni Nix.
Nakiupo kaming lima nila Surea, Tala, Sorin, at Serius sa pwesto nila kasi gusto rin naming manood.
"I agree," Katniss said.
"Nagsasalita ka pala" Nix rebutted.
I can see pride in her eyes. She smiled at me. At me?! My heart beat is beating faster than normal, hindi 'to hingal, pero hindi ko rin alam kung ano 'to.
"Congratulations, ang galing niyo. Sure win na 'yan," Katniss added.
"Smile!" Yuryne shouted at hawak ang polaroid camera. She took selfies at pinicture-an niya rin kami ni Katniss habang nakaupo.
"Akbay naman" my friends suggested.
"Is it ok with you?" Katniss asked me softly. I just nod.
Tila nawala lahat ng pagod ko knowing na may isang taong proud sa'kin, at sa lahat ng ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Lifeless Sea (GL)
RomanceMiseries # 1 LIFELESS SEA: DEEP WOUNDS OF WAVE (GXG STORY : EDITING) "We can escape and hide from the things that can hurt us, but we are unable to see the process of learning and growing at the same time. Facing reality can make you stronger, and y...