Chapter 21

763 26 1
                                    

It's Christmas season. How I wish were complete.

I was busy the whole Christmas break. Need ko rin pag-ipunan ang kolehiyo. Si Katniss naman ay busy rin dahil andami niyang responsibilidad katulad ko.

I was working not just for myself. I should support my family. At this age alam kong mas madami pang naghihirap kaysa sa'kin. Hindi p'wedeng magreklamo, hindi p'wedeng mapagod, at lalong hindi p'wedeng sumuko. Katniss was there to give us support when my mother couldn't.

Hindi ko alam kung paano nakakaya ng mga kabataang katulad ko ang mabuhay nang walang ama at ina. Their absence made me incomplete, weak mentally and emotionally, they force me to be independent at such a young age.

This job is also helping me to survive each day.

"Anong tinutunganga mo riyan, girl? Hoy sayang bayad sa'yo! Kilos!" Sabi ng kasama ko rito sa trabaho, mas matanda nga lang siya.

"Ano ba, Sea? Akala ko matalino ka?Bakit tatanga tanga ka. Magpiprint nalang halos makasira ka na ng printer. Ayusin mo naman!" Sigaw mg may-ari sa'kin. I was sorry because I cannot be good at this kind of work but I can learn.

I don't want to hear words like that, tila bumabalik lahat ng masasakit na salitang natanggap ko. My hands were shaking because of fear. I don't want to be in this situation.

"Tanga naman, simpleng bagay hindi alam." Bulong pa ng isa.

"S-sorry po.. " Paumanhin ko.

I'm working at a printing shop. Maliit lang ang kita pero pwede na.

Pagka-uwi ko ay kinuha ko ang cellphone at tinignan kung may order na. Kasabay ng pagtatrabaho sa printing shop ay nagbebenta rin ako ng mga damit online, resell lang.

Maliit na commission lang at hindi sapat.

I looked at my cat, he's losing weight, my poor Cloud.

"Babawi si mommy sa'yo, ok? Just wait for me, sasahod din tayo.." masuyong sabi ko bago nagpalit ng damit.

Tuloy ang routine ko, maghahain ng hapunan, papainumin ng gamot si Lola Soraya at kakausapin si Katniss. Bahay at trabaho lang ako ngayon.

"Lola, kain na.." sabi ko habang nakatapat sakaniya ang kutsara na hawak ko.

Mas importante na kumain si Lola Soraya kahit 'wag na ako dahil kaya ko kahit isang araw na walang kainin pero si lola, mas kailangan ng katawan niya ang pagkain para maka-inom ng gamot.

I remembered when she gave her food to me para lang maka-inom ng gamot. No words can explain how much I love her.

"Sige na po, kain na. Say ahhh..." pagkukulit ko sakaniya.

"Ikaw ang kumain, tignan mo ang payat mo na." Hirap niyang wika, she was in her bed, lying down.

"Kumain na po kaya ako, " pagsisinungaling ko.

"Ganiyan ang laging palusot mo sa'kin, simula noon hanggang ngayon apo," she said. I just smiled at her. So she knows everything. Of course she was, she's my lola for a reason.

"Huwag mong papabayaan ang sarili mo. Mahina na si lola, hindi na kita maalagaan kaya mas ingatan mo ang kalusugan mo apo, paano kapag wala na talaga ako? Sinong pipilit sa'yo na kumain? Sinong magdadala ng gamot sa kwarto mo? " Hirap nitong salita, pinipilit niya nalang ang sarili na makapag salita.

"Shh la, don't say that." Bigkas ko habang sa lalamunan ko ay parang may nakabarang kung ano dahil hirap lumunok.

"Yayaman po ako, 'wag kayong mag-aalala. Ano gusto mong bahay? Ilang bahay po ba? Bibili ako sariling franchise ng grocery, mag-iinvest ako sa hospitals, drug stores para secure na tayo. Tapos la, gusto mo bang magtayo rin tayo ng sariling supermarket? Ikaw magmamay-ari no'n. " Pinipigilan ko ang luha ko dahil sa dami kong pangarap, alam kong maabot ko 'yon lahat kapag kasama siya, at ang kapatid ko.

She smiled at me sweetly.

"Kahit 'wag na ako, apo. Kahit kay mama mo nalang. Siya ang tulungan mo. Kapag wala na ako, si mama mo nalang ang makakasama mo sa lahat." She said. She's selfless. After so much disrespect, si mama pa rin.

"Hindi ka po mawawala, hindi ka po aalis.. please promise me. Hihintayin mo po ako, please make a promise." I can feel my tears in the corner of my eyes.

She patted my head.

"You should sleep lola, good night." I kissed her forehead and excused myself. Pagkalabas ng kwarto ay dumiretso ako sa kwarto ko.

Kumuha ako ng papel at ballpen bago nagsulat. This was my 22nd letter for Katniss, iniipon ko talaga para maregalo ko sakaniya sa pasko kasabay ng kwintas na bibilhin ko para sakaniya.

Even though I can't express my love physically, sana ramdam niya pa rin ako. I'm loving her deeply everyday.

"How's lola Soraya? Is she ok?" Tanong ni Katniss sa kabilang linya.

"Kakapa-inom ko lang ng gamot. I miss you, baby.." Malambing kong sabi.

"You should rest, Waverine. Nagtrabaho ka buong araw kaya tiyak pagod ka na. I'm expecting it by the way." She said.

"Why did you sound so cold, may nagawa ba ako?" Marahan kong tanong.

Alam niya ang sitwasyon ko, I'm a little bit guilty of dahil hindi na kami madalas magkasama unlike before.

"We are both busy and tired, I think you should end this call." Sagot niya at narinig ko ang paghikab sa kabilang linya.

Yeah, we're both busy. She needs to do her responsibilities as well as mine.

Katniss dropped the call after that I received another call from an unknown number.

"Hello?" Sabi ko at naghihintay ng sagot.

Bigla nalang nag-end call. Baka prank

This number was familiar, hindi ko nga lang alam kung saan ko nakita 'to.

Binitawan ko ang phone at naglinis ng mga kalat. May isang ulam na natira at hindi pa ako nakakain.

Dumating ang kapatid ko at halatang pagod at may bakas na dumi sa kaniyang damit.

"Nagsideline ka sa construction nila tito?" I asked him at itinigil ang pagpunas sa mesa.

"Oo." Sagot nito. Sa murang edad bakit ganito?

"Kaya ko naman, kung kailangan mo ng pera sana nagsabi ka." Sabat ko naman

"Bakit, nagpadala ba sa'yo ni mama?" Tanong nito. Anong ipapadala, hindi naman tumatawag. Gusto ko sanang sabihin pero ayokong magramdam pa siya.

"Kain na, ilagay mo nalang yung damit mo riyan sa basket at maglalaba ako bukas." Pag-iiba ko ng usapan. Aalis na sana ako nang biglang magsalita si Lunox.

"Ate, 'wag mo na akong bigyan ng pera. Magtatrabaho nalang muna ako kila tito, kinuha rin ako kaya tinaggap ko na." Sabi nito at kumain na.

Tinanguan ko siya bago tumuloy sa paglalakad papuntang kwarto. Sarado ang kwarto nila mama ngunit may part sa'kin na gustong buksan 'yon.

Kinuha ko ang susi at binuksan ang kwarto nila. Bumungad ang kamang maayos ang sapin. May puting sandals pa na mukhang bago. Sa kabilang gilid ay may kahon na sakto lang ang laki ngunit hindi ko na 'yon pinaki-alaman.

Paghiga ko ng kama ay agad kong kinuha ang phone. Sandamakmak ang mga notifications. Pinatay ko nalang ito at natulog na dahil bukas ay araw ng sahod, makakabili na ako ng pagkain ni Cloud, gamot ni nanay, at pagkain namin sa bahay.

Lifeless Sea (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon