Chapter 12

699 32 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng babaeng 'yon.

"Wala nga akong pera!" She shouted, wala akong ideya kung bakit siya galit, no wonder araw-araw naman siyang naiimbyerna.

"100 na nga la—" narinig kong sabi ng kapatid ko. I think kausap niya si mama tungkol sa baon.

"Wala nga sinabing pera! Saan ako kukuha ng pera?! May trabaho ba ako ha?!" Nakakarindi marinig yung boses. Gusto ko nalang mabingi.

"Pano ka magkakatrabaho kung inaalagaan mo anak ng shota mo imbis na maghanap ng makakain ng mga anak mo."  Bulong ko habang nakahiga sa kama.

May mga luhang nagbabadya nanaman sa aking mata. Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili.

"Sea! Yung mga nakababad mong damit, ano ako pa maglalaba niyan? Ihahagis ko 'yan tignan mo!" Sigaw nito. Di pwedeng hindi lahat madadamay sa galit niya.

"Tanginang mga bata 'to wala nang inatupag kundi ang mga sarili nila." Randam ko ang inis sa bawat salitang lumalabas sakaniyang bibig.

Kung ganito lang naman ang kakalakihan ko dapat una pa lang hindi niya na ako binuhay.

Hindi nalang ako kakain kung ganiyan nakakawalang gana dahil ang umagahan ko ay sama ng loob.

"Magtipid naman kayo, wala nga akong trabaho sasabay pa kayo." Dagdag nito.

Anong pagtitipid pa ba ang gagawin, lahat ng baon ko napunta na sa school expenses. Minsan nalang malaanan ang sarili pero nakakapanghinayang pa. Hindi na kumakain para lang makapag tipid.

Kung mapagsabihan niya yung kapatid ko parang hindi niya anak. Sabagay sino ba naman kami sa buhay niya, pabigat lang naman ang tingin niya sa'min, ano pa bang aasahan ko. This financial crisis is too much for me to handle. Her attitude toward us is unacceptable.

𓇼 ⋆.˚ 𓆝⋆.˚ 𓇼 ⋆。˚ 𓆞

Another day without eating anything.

"Tignan niyo yung chat sa gc" seryosong sabi ni Surea. It's our breaktime. Hindi ako nag abalang mag check ng phone kasi I'm not interested pero Kalyst spoke.

"Bomb threath?" Sabi niya habang nakakunot ang kilay.

We saw some students na lumalabas na ng kanilang mga classroom pero our teacher walked in, she started a discussion in 3i's, it's part of research actually continuation.

We're checking lectures now and our teacher seemed unbothered or she doesn't know about that announcement spread in groupchats?

"Anong meron at nagkakagulo kayo riyan?" Ma'am Marim asked while checking some lectures.

"Ma'am may bomba raw po!" Yssi said and I can say, she's oa.

Ang arrangement ng upuan namin ay according sa group sa research, and this year I assigned for being a leader since they said I'm capable of instead of Hira. I have no choice since I don't want an unfair distribution of parts and unequal grading. Nasa unang row kami at nasa likod sila. Ganito ang arrangement ng sit kaya naririnig ko pa rin ang boses niya.

Ako, Kalyst, Surea, Ygo, Renz  - 1st row
Crisa, Serius, Amber, Hira, Galey - 2nd row

"Nasan ba yung bomba na 'yan, kukunin ko" pabirong bulong ni Hira.

Napairap nalang ako at hindi pinansin pero yung dalawang katabi ko, they can't stop laughing.

"Sige nga oh" sabat ni Surea and that Hira stopped from talking.

Lifeless Sea (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon