"CONGRATULATIONS CELINE"
kinuha ko ang certificate ko sa pagiging honor nanaman ngayong Second Quarter. Nag picture naman kami sa harap ni ma'am at bumalik na ako sa inuupuan ko. Napatingin ako dito at hindi mapigilang mapangiti
"93.45"
Nakakaproud sa sarili
Kahit gaano kahirap kunin ang gantong grades ay worth it naman sa huli pag naging honor ka. Pero I didn't say ha na hindi worth it kung di ka naging honor student, it's fine! Hindi pa naman huli para mag try ulit
"Congratulations, Natasha Ferrer" pinalakas ko angpag checheer ko sa bestfriend ko. Kagaya sa'ken ay nag picture sila sa harap at bumalik na sya sa inuupuan niya na mismo nasa tabi ko
"Congratss beshy!"
"Omg congrats din"
"And again sila lang dalawa ang honor student ngayong quarter. You may leave now" napatayo na ako at kinuha na yung bag ko and so as Natasha.
"I can't believe we did it again" masayang Sabi niya nang hindi inaalis ang tingin niya sa certificate
"As always"
Sabay na kaming lumabas sa classroom nang nasulubungan namin ang isa sa mga SSG member, Si Venus.
"Celine, ikaw pala yung susunod na magbabantay sa school bukas" Sabi nito habang hawak yung mga cards na gagamitin ko para sa mga pasaway na estudyante dito sa Northern University
Pinaparusahan ang mga estudyanteng palaging nasa labas nagtatambay, mga estudyanteng hindi nag-aaral nang mabuti, yung mga landi landi lang pero boba naman. Okay lang Sana kung mabait pero ubod naman nang sama nang ugali akala mo kung sinong magaling
"G ka ba Celine?" Nabalik ang atensyon ko sa babaeng nasa harap ko at kinuha yung card na hawak hawak niya.
"Yeah, thank you."
Umalis naman siya kaagad sa harap ko kaya inilagay ko nalang yung card ko sa bag. Napatignin naman ako sa orasan at napagtanto na late na ako sa family gathering namin sa resto.
"Natasha I have to go"
"Sige beshy"
Napatakbo naman ako patungo sa gate, mabilis pero maingat. Baka matapilok pa ako, marami rami pa din naman yung mga estudyanteng andito. Ayoko naman mapahiya yung sarili ko. Lumabas na ako sa gate at nadatnan ko naman yung Ford Mustang S550 na sasakyan sa harap nang gate at lumabas ang Isang matangkad at maputi na lalaki
And kuya ko.
"What took you so long " seryosong sabi niya, inikutan ko lamang siya nang tingin at pumasok na ako sa passenger seat. Sumunod naman si kuya sa loob kaya napa seat belt na ako. Hindi muna nag andar si kuya na ikinataka ko naman
Malelate na kami haler
" You know you shouldn't make me wait that long Celine" giit niya.
"Oh c'mon Kuya, inenounce lang ni ma'am yung mga honor students sa classroom kaya ako natagalan. Stop being so oa okay?"
Nag-ayos siya nang upo at inilahad yung kamay niya sa'ken. Ibig Sabihin na gusto niya tingnan yung mga grades ko, hindi naman ako nagdalawang isip na ibigay ito sa kaniya. Seryoso siyang napatitig dito
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionHi I'm Celine Maekawa, ako ay kabilang sa ssg member as president sa Northern University. Others describe me as snob, matalino, mayaman, maganda, strikta at iba pa. Mula junior high pa lamang ako ay pinagmamabuti ko na talaga ang pag-aaral ko. Consi...