"I'M REALLY EXCITED ABOUT THE EVENT!"Tinakpan ko ang tenga ko sa ingay nang babaeng 'to. Halos naglalakad na siya sa harap ko back and forth kakaisip about sa upcoming event nang school. Napatalon talon si Natasha sa saya, nakabalik na ang babae. Hindi ko alam kung nagbabakasyon ba ito or nasa hospital nga ba.
"Nakakaloka sino kaya yung ipapartner ko!"
"May ganun?"
"Duhh! Celine president ka tas hindi mo alam"
"Duh ka din, malay ko ba"
Maya't maya ay may pumasok isang magandang babae sa classroom namin. Si Lucy, ngumiti siya nang lumapit sa akin
"Pres hinahanap ka nila"
"May meeting?"
"Duh, may meeting naman lagi eh "
"Oh yeah of course"
Lumingon naman ako kay Natasha at nagpaalam pero wala yata siyang narinig kaka imagine sa magiging partner niya. Nagkibit balikat lamang ako at sabay na kami ni Lucy lumabas sa classroom namin.
" Ano ganap nang life mo te?" Panimula nito. Napaisip naman ako
"Ano pa ba edi busy sa paghahabol nang grades ko"
"Okay na yan kesa lalaki yung hahabulin mo"
"Pft not gonna happen"
"Oh really?" sarcastic na patanong niya. Kumunot naman ang noo ko.
"Lucy! Free ka ba ngayon?"
Nagulat ako nang may lalaking sumulpot bigla sa harap namin. Sakto lang yung kagwapuhan niya, moreno din siya at matangkad. Naka eye glasses, nerd yata 'to.
"I'm sorry Gab, busy ako ngayon"
"Umasa pa naman ako" malungkot na tugon nito. Hinawakan naman ni Lucy yung balikat niya at tinapil ito.
"Sorry, bawi ako next time"
Ngumiti naman ang lalaki at tumakbo paalis. Ang lakas talaga ni Lucy when it comes to boys, mabait naman siya pero nadadaig padin yung pagiging maldita niya. Ma babae o lalaki ay takot sa kaniya, hindi naman siya pumapatol pero siya mismo ang nag sasuspend nang ilang estudyante dito sa school namin
Malapit na kami sa library, bigla namang tumigil si Lucy sa paglalakad at humarap sa akin.
"Mauna ka na, I have to deal on something first" napatango na lamang ako. Lumapit siya sa Isang lalaki naka sandal malapit sa stairs. Hindi ko narinig yung pinagusapan nila kaya pumasok na ako sa library
Tumambad sa harap ko ang kompletong ssg members. Umiwas ako nang tingin kag Ein at umupo na ako sa tabi ni Venus.
"Nasaan si Lucy?" Tanong ni Venus sa akin. Magsalita sana ako nang biglang bumukas ang pinto mula sa likod ko
"I'm here I'm sorry" biglang pagpasok si Lucy. Kunot noo kaming nakatingin sa kaniya, yung iba ay parang nagulat. Ang gulo Kasi nang buhok niya at ang lipstick niya ay magulo din. May ilang butones sa uniporme niya ang nakabukas din
"Lucy what happen to you?"hindi napigilang pag tanong ni Venus
Napatingin naman si Lucy sa kaniyang sarili, pati siya nagulat sa hitsura niya kaya walang salita ay lumabas siya sa library
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Novela JuvenilHi I'm Celine Maekawa, ako ay kabilang sa ssg member as president sa Northern University. Others describe me as snob, matalino, mayaman, maganda, strikta at iba pa. Mula junior high pa lamang ako ay pinagmamabuti ko na talaga ang pag-aaral ko. Consi...