"YOU CAN SIT ON MY LAP IF YOU WANT"
"Are you f*cking kidding me?" What's wrong with this loser? Nagpapapansin ba siya? Kulang ba siya sa aruga nang nanay niya at dito sa'kin nambebwesit?
"Isang honor student nagmumura, how interesting" mas lalong nainis ako sa sinabi niya. Ano akala niya sa akin? anghel? Santo? Saan ba yung utak nang lalakeng 'to?
"Alam mo, much better kung bumalik ka sa puday nang mama mo at wag ka nang magpakita" tumayo na ako, halos mahulog na ako sa upuan dahil sa sikip. Ayoko naman damahin yung pagkalapit niya sa akin. Baka mahawa pa ako sa pagiging papansin nang lalaking ito.
Saktong sakto nag bell na kaya umalis na ako sa harap niya, madami pa namang bench ma sa-stambayan ko mamaya.
NAKABALIK na ako sa classroom, lahat nang mga classmate ko ay nakaupo sa kani kanilang mga upuan.
Napaupo na din ako at saktong pumasok yung teacher namin at may pinapasulat. Hindi naman gaanong kahaba mga three pages lang, dinalian ko naman ito nang pagsulat. Kahit minamadali ko ang pagsulat nito ay maganda padin ang kalabasan, neat at sakto lang para maiintindihan ko
Tumayo ako at pumunta sa harap para ipapacheck sa teacher namin. Perfect score naman ibinigay nito kaya lumabas na muna ako para bumili nang makakain Nagutom ako kakasulat, ang haba haba pa naman nun.
"We're over!"
Napatigil ako dahil sa ingay na nadinig ko.
"ginawa ko naman lahat Aaron! ano pa ba kailangan para mahalin mo'ko nang totoo?! For petes sake grow up!"
Lumapit ako sa kung saan galing yung boses. Galing ito sa isang hallway, wala namang katao tao dito. Napasilip ako at nakita ko si Aaron kasama ang isang babaeng sinusuntok suntok ito ang dibdib niya
Ang lamig lang nang tingin ni Aaron sa kaniya, titig na hindi mo malaman ano ang ekspresyon niya sa kadramahan nang babae. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at ibinaba. Rinig ko naman ang paghikbi nang babae at pagmamakaawa.
"I warned you before you step into my life" malamig na tugon nito at napamulsa. " You're not even my girlfriend"
" I tried to pleased you Aaron!"
"Well your plan didn't work"
Sumigaw ang babae at sinusuntok ulit ang dibdib ni Aaron. Hinahayaan ko nalang sila mag moment dyan. Bumalik ako sa paglalakad ko sa canteen, wala naman gaanong tao kaya bumili na ako nang snacks ko. Pagkatapos kong pumili ay nagbayad na ako at umalis
Nakasalubong ko naman si Aaron na seryoso lang nang tingin niya sa daan, hindi man lang siya sumilyap sa gawi ko.
Bumalik na ako sa classroom at agad kinain yung pagkain na ibinili ko. Tahimik at payapa lang ang pagkain ko nito, pagkatapos ay napagdesisyonan matulog saglit
NAPAGISING ako nang may pumitik sa tenga ko. Nakasimangot akong bumangon at nakita ko si Aaron sa tabi ko. Kunot noo ko syang tiningnan. Ba't siya andito sa classroom ko? bawal naman kami nagpapapasok nang kung kanino
"Tumayo ka na uuwi na tayo" malamig niyang sambit sa akin. Tumayo ito at lumapit sa pintuan. Kinuskos ko yung mata ko at napatingin sa paligid. Bahagyang namilog ang mata ko nang malamang ginagabi kami dito sa school.
Napasarao yata ang tulog ko, kung hindi niya ako ginising baka magdamag akong matulog dito sa classroom.
"Excuse me?" tawag ko sa kaniya. Hindi naman siya nakinig sa akin, napasindi lang ito nang yosi at inilagay sa bibig niya. Hindi ko mapigilang mapangiwi lalo na bawal ang pagsisigarilyon dito sa classroom.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionHi I'm Celine Maekawa, ako ay kabilang sa ssg member as president sa Northern University. Others describe me as snob, matalino, mayaman, maganda, strikta at iba pa. Mula junior high pa lamang ako ay pinagmamabuti ko na talaga ang pag-aaral ko. Consi...