Chapter 23

1 0 0
                                    

"SURE KA BA KAKAYANIN MO?"


napalunok ako. Pauwi na kasi kami at ihahatid daw niya ako pero dapat sasakay pa ako sa motor. Hindi pa ako nakakasakay nang motor sa buong buhay ko, hindi ko alam ano gagawin ko baka mahulog lang ako.


"Pwede naman tayong mag commut-"

"I-It's fine"

"You sure?"

Napatango ako. Kinuha naman niya ang extrang helmet at inilagay sa ulo ko. Cute naman ito, kulay itim na may cat ears. Hindi ko alam ba't may ganito syang style ka lalaking tao . Napaupo naman siya sa harap at pinaandar ito, sinuot niya ang helmet at lumingon sa akin

"Tara"

Muli akong napalunok, tinuruan naman niya ako paano makasakay. Mahirap lalo na naka mermaid gown ako pero naayos naman niya ito.

"Yumakap ka"

"H-huh?" Tumawa siya nang mahina. Anong yayakapin ko?

Nagulat ako nang kinuha niya ang dalawang kamay ko at inilagay sa may tyan niya. Nakayakap ako sa kaniya at ayaw ko yun paniniwalaan, ganito pala yung ibig niyang sabihin. Hindi ko mapigilang mapayuko sa hiya

"Hey, sure ka ba kakayanin mo?"

"O-oo"

"Don't worry, hindi ko bilisan ang pagtakbo" Sabi niya at inandar ito. Napahawak ako nang maigi sa kaniya nang ramdam ko ang pagtumba ko pero nang ramdam ko na pinahina lang talaga niya ang pagtakbo ay kumalma ako.

Hindi ko mapigilang mapangiti, Ewan ko. Bago din ito sa akin, ano ba tawag nila dito? Yung parang may paruparo sa tiyan. Yung gusto mo munang sumigaw dahil sa tuwa.

Hindi naman nagtagal ay nakauwi ako nang ligtas. Kahit natagalan kami sa paguwi ay nauwi naman niya akong ligtas. Nakita ko naman si kuya nakatayo sa labas nang bahay, nakasuot padin sya sa tuxedo niya na parang kakauwi lang din.

Nang makita kami ay lumapit ito sa amin. Tinulungan akong bumaba sa motor at kinuha ang helmet na suot ko. Nagkakamustahan naman sila ni Aaron.

"Uuwi ka na agad? Pasok ka muna"

"Wag na pre, para makapagpahinga na din si Celine"

"Sus sasaya pa yan pag pumarito ka muna-aray!" Sinamaan ko siya nang tingin.


"Andiyan ba mga magulang niyo?"tanong niya habang tinatanggal niya ang helmet niya, may pa ayaw ayaw pa gusto naman pumasok

"Wala, mamayang 12 pa uuwi sila"


Ipinarking ni Aaron ang motor niya sa garahe namin. Papasok na sana kami nang pinatigil kami ni kuya. Tinaasan ko naman siya nang kilay pero mukhang seryoso naman siya sa pagtingin sa amin


"Wag niyo na lang pansinin ang babae sa loob"


"Kuya, anong babae?"


"Kakasabi ko lang diba"


"Nainibago ako"


"Shut up"


Pumasok na kami at nadatnan ko ang babaeng nakahiga sa sofa, naka gown palang ito at kitang kita ang cleavage nito. Simpleng sumulyap ako kay Aaron pero nakatingin lang siya sa bahay namin, hindi ko mapigilang mainis. Akala ko pa naman maaway ko siya


"Si Eva nga pala, nagiisang girlbes ko sa school" umiwas nang tingin si kuya at napakamot nang ulo. Hmm I smell something fishy


"Ba't andito siya kuya?"


Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon