"SA BAHAY NAMIN"
Hindi ko akalain nasa harap kami nang bahay ni Ein. Ganito lang din pala kalapit ang bahay niya sa amin. Kung iisipin mas malayo ang bahay nina Aaron eh. Bakit niya ba ako dinala rito? Tumungo ang tingin ko kay Ein. Nakatingin na din pala ito sa akin
"Ein.."
"mom is not here, sumunod siya kay dad pa manila. Hanggang gabi pa sila makauwi dito" pagputol niya.
"Bakit mo nga ako dinala rito?" Tanong ko. Hindi naman ito nagsalita at naunang naglakad papalapit sa pintuan nang bahay niya. Binuksan niya ito at dun pa niya ako nilingon.
" Dito ka"
"Ein, I'm warning you if anything happens to me–"
"C'mon Celine. You know me, hindi ako ganoong tao" tinaasan ko naman siya nang kilay. Noong bata pa kami tuwing pumupunta ako sa bahay niya ay tinatakot niya ako sa mga multo naninirahan daw sa kanila. Hindi naman ako takot sa multo pero hindi natin alam diba.
"Celine walang multo"rinig ko sabi niya na para bang binabasa ang isip ko. Inikutan ko na lang siya nang tingin at pumasok sa loob. Napatingin ako sa paligid, ang laki nang sala nila
"Upo ka. Kuha kita nang tubig" Sabi ni Ein at dumeretso sa may kusina. Napaupo naman ako sa sofa. Napatingin ako sa mga mamahaling vase nila nakatayo sa kanilang tv. Pati sa itaas may nakasabit itong malaking chandelier.
Ganito na pala sila kayaman? Lumaki din ang bahay nila sa pagkakaalala ko nung last kong punta dito. Elementary pa ako nun at hindi pa masyadong ganito ka engrande ang lugar
"Here" napa angat ako nang tingin sa kaniya. Kinuha ko ang tubig na hawak niya at inimom ito. Napaupo siya sa sofa sa harap ko.
"How's your wounds?"
Inilagay ko ang baso sa round shape na lamesa sa harpa ko.
"Hindi na masyadong kumikirot" mapait na Sabi ko sa kaniya
Rinig ko naman ang mahinang pagtawa niya, kunot noo ko siyang tinititigan. Ano ba nakakatawa? Parang ang saya yata nang lalaking 'to pag nasugatan ako ah!
"I still remember when we were still kids. Naalala mo pa ba? Nung nakita mo akong na bully sa canteen tas nilapitan mo ako, pinagtanggol mo ako at sinigawan mo pa sila na lumayo sa akin" nakatingin lang ako sa kaniya. Yes naalala ko lahat nang sinasabi niya, way back when we were still in elementary stage. Ayokong ma bully siya, lapitan kasi siya nang mga mapanakit na mga bata eh.
"You made a very great scene that time, kinuha mo pa ang water bottle ko at binuhusan sila nang tubig. They really screamed because of what you did. Na principal pa nga kayo nun tas kitang kita ko ang pag palo nang mama mo sa'yo" napangiwi ako at umiwas anang tingin. Oo nga pala nakakahiyang pangyayari iyon na binaon ko na sa limot. Bakit niya ba ito sinasabi?
Kinalimutan ko na lahat nang nasa amin ni Ein
Lahat
"Celine, I'm sorry"
What is he sorry for? Wala na akong alam sa kaniyang pinag gagawa. I don't even care about him anymore, hindi na parehas nung bata pa kami. Siya ang unang lumayo, siya ang unang nangiwas. Hindi ako nagsalita, nakatingin lang ako sa suot kong fake nails.
" Dumating ang panahon napagod ako sa paulit ulit mong pagtanggol sa akin Celine. Matalino ka, maganda, at laki nang pagtingin nang pamilya mo sa'yo. Ayaw Kong sirain iyon dahil sa pagiging mahina ko. Ayaw Kong sirain ang image mo sa harap nang mga taong ang laki nang pagtingin sa'yo" tumingin ako kay Ein. Nakayuko na ito habang pinaglalaruan ang mga daliri niya
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionHi I'm Celine Maekawa, ako ay kabilang sa ssg member as president sa Northern University. Others describe me as snob, matalino, mayaman, maganda, strikta at iba pa. Mula junior high pa lamang ako ay pinagmamabuti ko na talaga ang pag-aaral ko. Consi...