Chapter 16

4 0 0
                                    

"THANKS FOR THE HELP GUYS"

Andito na kami ulit sa paaralan. Galing kami sa Luxury hotel kakatapos lng idesign ang lugar. Nagsibalikan naman sila sa kani kanilang mga classroom, naglakad naman ko patungo sa classroom ko.

Wala na masyadong katao tao dito hallways. Nang makaliko ako ay napahinto ako nang makita ang lalaking nakatayo habang nakasandal sa pader habang inaayos ang suot niyang glasses.


Ein..


Napayuko ako at naglakad patungo sa hagdan. Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglingon niya sa akin pero hinahayaan ko lang siya. Hindi ko pa din makakalimutan ang sinabi niya sa akin, kung paano siya nagsisi sa pagiwas niya sa akin.


Sumilip ako sa loob at nakita ko ang guro namin nasa harap nagtuturo. Pumasok naman so at yumuko sa mga classmates ko. Tumingin naman si Ms. Tiro at ngumiti



"I'm sorry I'm late ma'am, ngayon lang namin natapos ang pag design sa hotel" Sabi ko. Tumango naman siya at bumalik ang atensyon sa pagtuturo. Naglakad naman ako patungo sa upuan ko. Lumingon naman si Natasha sa akin


"So kamusta? Handa na ba ang hotel?"

Napatango ako. "Konting designs nalang ang kailangan para matapos na ang lahat". Napangiti naman siya at ibinalik ang tingin ni Ms. Tiro.


Pagkatapos nang lesson ay nagbigay nang small test ito. Naka perfect naman kami ni Natasha kaya ayun masaya ang babae humahawak sa akin.


"Tara canteen Tayo" Sabi niya habang pinipisil ang aking braso. Tinanguan ko lamang siya, naging masiyahin ang babaeng ito nung pumasok si Maven sa buhay niya. Hindi ko mapigilang mangiti, ang sarap niya tingnan maging ganito ka kulit ulit


"Huy ngiti ngiti mo diyan? Tayo na!" Sabi niya at inirapan ako. Inikutan ko lamang siya nang tingin at sabay na kami lumabas at bumaba sa hagdan. Naglakad naman kami patungo sa canteen, nahagip ko sa tingin ko si Aaron kasama ang mga kaibigan niya sa Hindi naman kalayuan.


Tumingin si Aaron sa akin at tinititigan lang ako. Parang pinagmasdan ang bawat galaw ko, nginitian ko siya na ikinagulat niya. Inaasar din siya sa mga kaibigan niya nang mapansin kaming dalawa.


Napayuko ako, I really can't leave him

"Grabi inlove na inlove si kuya" lumingon ako kay Natasha.  Nakasmirk siya habang nakatingin sa akin, sinamaan ko naman siya ang tingin. Ano nanaman iniisip nang babaeng ito.

"Halata masyado" dagdag pa niya

"Sinasabi mo Natasha"


"Halata namang Inlove si Aaron sa'yo te, hulog na hulog" patawang sabi niya .



"Bibig mo Natasha, baka may makakarinig. Kaibigan lang ang tingin namin sa isa't isa" Sabi ko naman, iniiwasan ang titig niya. Nang-aasar Kasi ang babae eh


"Sus deny pa, usap uspaan na kayo sa school. Kahit magkaibigan ang tingin mo, kitang kita parin sa mata niyo parehas hindi lang pagkakaibigan ang andoon" hindi ako nakapagsalita. Tama siya, kaibigan lang ang tingin ko pero iba na ang nararamdaman ko



Ganito din ba ang tingin ni Aaron sa amin?


"Oh diba hindi ka makasagot" Sabi niya at tumawa pa anang malakas. Maraming estudyante ang napalingon saamin kaya kinurot ko siya sa tagilid para tumahimik, napa aray naman ito at hindi na muling nang asar pa



Nang makarating kami sa canteen ay bumili siya nang tubig lang. Ako naman ay siopao lang at tubig sng ibinili ko. Nang makaalis na kami ay hindi ko mapigilang magtanong sa kaniya


Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon