UNANG araw palang nang college life ko pero parang gusto ko nang sumuko. Kinakabahan ako nang sobra at ayokong makaramdam nang ganitong ka pressure. Dito ako sa New Era University nag-aaral, nag boboarding house na din ako para hindi na ako malelate tuwing pasukan.
Napahinga ako nang malalim habang nakatingin sa bintana, umuulan sa labas. Tanging malamig na Aircon lang nadadama ko dito sa loob, Sana nagdala man lang ako nang jacket.
"Hi" napalingon ako sa Isang babae nang magsalita ito. Sa pagkakaalam ko siya si Veronica Castro, Vi for short. Siya lang yata yung may confidence na makipagusap sa akin, halos ang ibang classmate ko tinititigan lang ako.
"Hello"
Magsalita pa sana ito nang pumasok ang isang striktang babae, maganda naman ito pero may ibang aura talaga sa kaniya na ayaw mong malaman.
"Ako si Mrs, Castro. First day niyo naman ngayon, hindi muna ako magbigay nang mga assignments or ipapagawa. You can go out now"Sabi niya at dumeretso sa labas. Tumayo naman ako at nagdesisyon na mag CR muna.
Tumayo din si Veronica at nginitian lang ako, umalis naman siya at sumama sa Isang babae. Ako na lang magisang lumabas at naghanap nang CR malaki laki din ang university na 'to. Sure ka talagang mawawala ka dito
Marami rami na din ang mga estudyante dito sa labas, yung iba nagsastambay lang sa labas. Yung iba sa canteen naman.
Nang mahanap ko ang CR ay agad akong pumasok dito. Umihi ako sa unang cubicle, nang matapos na ako ay agad ako nag flush at lumabas. Tinitigan ko muna sarili ko at inayos ang make up at buhok ko, kinuha ko kasi ang korsong BSTM.
"Sis, ang gwapo nang isang freshman dun sa Engineering na classroom"
"Ano ba pangalan, alamin ko lang kung may jowa na ba"
"Ein Mendez raw" napatigil ako sa sinabi nila. Dito din pala nag-aaral si Ein. Nang matapos na ako sa ginawa ko ay lumabas na ako. Wala naman akong ibang gagawin ngayon, itotour ko na lang sarili ko dito.
Nadaanan ko ang forum, library, basketball court, meeting room at iba pa pero ang pinakapaborito ko talagang lugar nila ay itong big garden nila nasa may likuran nang school. Inilagay ko ang bag ko sa isang bench sa ilalim nang puno at napaupo.
Napatingin ako sa phone ko at tiningnan may text ba galing sa kaniya
Pero wala man lang akong text o missed call galing sa kaniya. Siguro apaka busy niyang tao, ang laki ba naman ang responsibilidad niya maging CEO sa Isang company nang kaniyang lolo.
1st year pa lang nang college parang gusto ko nang sumabog sa pagkamiss ko sa kaniya. Hindi ko din maiwasang mapaisip na baka mag magugustuhan siya dun sa Canada, ang Ganda nang mga babae dun. May pilipino din siguro dun kaya hindi impossible na magkagusto siya dun.
ibinulsa ko nalang sana ang phone ko nang may humablot nito. Isang grupo nang kalalakihan ang andito sa harap ko, mga lima sila sa pagkabilang ko.
Nakakainis
"Uy freshman oh. Sakto nga sabi nila apakafresh din" Sabi nang isang lalaking may hikaw sa tenga. Tinaasan ko siya anng college, hindi ba niya alam nasa college na kami tas ganiyan pa siya kung pumorma. Apaka unprofessional
Nakasuot din siya pang criminology
"Ayaw mo bang sumama sa amin miss?" Sabi naman nung Isang naka criminology din.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Ficção AdolescenteHi I'm Celine Maekawa, ako ay kabilang sa ssg member as president sa Northern University. Others describe me as snob, matalino, mayaman, maganda, strikta at iba pa. Mula junior high pa lamang ako ay pinagmamabuti ko na talaga ang pag-aaral ko. Consi...