NAKATULALA ako habang naglalakad patungo sa office nang mama niya, sa pagkalataon 'to ay naging tahimik kaming dalawa. Hindi ko alam ano irereact ko sa sinabi niya. If he is playing a prank on me well that's not going to fool me. Umiwas naman siya ang tingin at inayos ang kwelyo niya. Napatikhim siya nang maraming beses at binuksan ang pintuan sa principal's office
Nakita ko agad ang mama ni Ein nang pumasok na kami, nakaupo ito sa isang swivel chair habang nakatingin sa laptop niya. Maganda din siya at mukhang matino pero may pagkastrikta ang awra niya
"Maupo kayong dalawa" sumunod naman ako kaagad. Ayokong magalit si Mrs. mendez, Sabi kasi nila terror yung principal at kayang magpalayas nang estudyante sa school pag may nakita siyang hindi kaaya aya. Lalo na sa mga walang respeto sa nakakatanda.
"Mom? I have classes to attend to"
"I already talked to your teacher, you're fine"
Hindi na nagsalita pa si Ein at napasandal lang siya sa upuan.
"Celine, nabalitaan ko mula dito sa anak ko na may upcoming event kayo. Gusto niyo sa Luxury hotel yung venue. Ein also said that naka prepare na lahat nang decorations at andun na sa hotel. Am I right?"
Napatango ako bilang tugon mula sa tanong niya.
"I also heard rumors that my son are the one who manages this event" napalunok ako, ramdam ko ang matinding kaba. " Alam ko na you're the president of the supreme student government. I would like to ask why my son are the one who manages this event and not you?"
Tila naging bato ang katawan ko sa inuopuan ko. Hindi ako makagalaw, ni sa pagsalita ay walang lumalabas sa bibig ko. Nanginginig ako at pinapawisan. Pinapunta lang ako ni Ein dito para mapagalitan ako sa mama niya? Hindi ko mapigilang makaramdam nang inis para sa kaniya
He's a bastard! Nagsumbong ang mokong 'to!
"Mom! Don't talk to Celine like that"
Lumingon ako kay Ein, ang talim nang tingin niya sa kaniyang mama.
"What son? Naging pabaya si Celine sa pagiging presidente dito sa school"
"No she's not! She's the one who decided to have this kind of event! Siya din ang humawak nang checklist sa kung ano man pwedeng ilagay na mga decorations sa hotel" pagsisinungaling nito. seryosong si Ein sa pinagsasabi niya, Nakita ko din ang pagkuyom nang kaniyang kamao.
Napatitig sa akin si Mrs. Mendez at hindi muna nagsalita. Bumalik ang titig niya sa laptop. Ramdam ko naman ang paghawak ni Ein sa kamay ko kaya lumingon ako sa kaniya, tinanguan lang niya ako tsaka bumitaw sa paghawak
"Mom, ano ba talaga kailangan mo kay Celine" kaswal na tanong ni Ein dito
Saglit kami maghintay sa sagot niya hanggang sa isinira niya ang laptop at may kinuhang form sa shelf sa likod niya. Naglapag siya nang apat na folder
Binuksan ko ito isa isa at nagulat ako andito ang form ni Aaron, Vlad, Mike at kay Miko.
"I want you to study these student Celine. Maging matalino ka sa pagmasid sa kanila, give me updates if you have some. I heard some terrible rumors about them and I don't want those student in my school, do you copy?"
"Y-Yes ma'am"
"Good" siya na ang nagsira nang mga folder at inilagay ito pabalik sa shelf
"You may go now, Ein you stay"
Nagtinginan na lamang kami ni Ein, tinanguan lamang niya ako kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumabas sa office. Napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib ko, ang lakas pa din nang kabog.
![](https://img.wattpad.com/cover/369299403-288-k675898.jpg)
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RomanceMy life was almost a living paradise when I was still a kid, especially when I have the best and a perfect family that every daughter could ever want. Pero habang dumadaan ang mga panahon, lumalago at lumalabo na ang buhay na patutunguhan ko. Dito...