"LET GO OF MY GIRLFRIEND"
"Ano?!" Sabay sigaw nang mga kaibigan nito. halos ang mga estudyante andito sa library ay nagsitinginan na sa gawi namin. Yung iba nakinonood. Hindi naman makapaniwala si Ein at talagang bumitaw siya sa paghawak sa akin.
Kalmado lang ang naging ekspresyon ni Aaron. Hindi ba niya na realize kung ano ang sinabi niya?
"Your girlfriend? unacademical guy will never be the type that Celine like" Sabi ni Ein. Ibinulsa niya ang dalawang kamay niya at tumingin sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa hiya. Tiningnan lamang ako ni Aaron
" academics? Pft easy lang yan sa pareng Aaron namin" sabi sa isa sa mga kaibigan niya
Binatukan naman siya sa isang kumpare niya
"What? Totoo naman!"
Napatingin ako kay Ein, nakakuyom lang ang kamao niya habang nakatingin kay Aaron. Bumalik ang tingin nito sa akin saglit at napahinga nang malalim, kinuha niya ang libro sa lamesa at inilagay ang isa niyang kamay sa bulsa
Bumalik ang pagiging magaan at pormal nito
" Alam ba ni Cydor may boyfriend ka?"
Sasagot sana ako nang biglang nag ring yung bell pahiwatig na babalik na kami sa classroom namin. Hindi na naghintay si Ein sa sagot ko at umalis na siya sa harapan namin. Rinig ko naman an pagtawa nang kaibigan ni Aaron at lumabas na din sa library.
Kami lang dalawa ni Aaron sa library. Ang lamig padin siyang nakatitig sa akin. Parang pinagmasdan ang buong pagkatao ko
" Ano ba problema mo ha?"panimula ko
"What?"
"I'm not your girlfriend!"
"Yeah I know"
"Then ano yun kanina? Ano trip mo ha"
Nagkabit balikat lamang ito at Sinuklayan ang buhok niya gamit ang mahahabang daliri niya.
"Besides you're not my type"
Tila parang may kung anong kidlat dumaloy sa katawan ko patungo sa ulo ko. Excuse me? Tama ba narinig ko?
" You jerk"
"So are you, president ka sana pero inuunder ka lang niya"
"No I am not!" Sabi ko at napamewang
Hindi na siya nagsalita pa, umalis naman siya sa harap ko at lumabas. Hindi ko mapigilan makaramdam nang inis sa kaniya. Kung Sana ibinalik ko an oras at hinahayaan siyang masuntok!
NAPAUPO ako sa may tabing upuan dito sa gate, maaga natapos yung klase namin kaya napagdesisyonan ko na dumeretso dito sa may gate. Wala naman si kuya kaya safe lang makipagusap ako kay Ein ngayon
Biglang nag beep yung phone ko kaya tiningnan ko ito
Ein: Where are you?
Me: gate
Ein: Coming
Hindi naman nagtagal ay nakita ko si Ein papalapit sa akin. Mula sa malayo ay nakatitig lang ito sa akin hanggang sa nasa harap ko na siya.
"Do you have time?"
"Do I have a choice?"
"Well yeah, you can just leave me hanging"

BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Dragoste[ COMPLETED ] My life was almost a living paradise when I was still a kid, especially when I have the best and a perfect family that every daughter could ever want. Pero habang dumadaan ang mga panahon, lumalago at lumalabo na ang buhay na patutungu...