chapter 5

6 1 0
                                    

ANG GANDA NANG NGITI NIYA




Napabugtong hininga ako. Hindi ko makalimutan ang ngiti niya sa akin kagabi. Nakakapanibago. Natatawa ako na napipikon at the same time. Andito ako ngayon nakabulagta sa sofa dito sa sala.



"Celine.."



Humarap ako kay kuya lumalapit sa akin. Ang gulo nang buhok niya, ewan ko kung san sya nanggaling o ano man ang ginagawa niya ba't ganiyan ang itsura niya. Pero hindi naman mawala ang bakas nang gwapong mukha ni kuya



"Nagpapaligaw ka?" agad ako umiling sa tanong niya. Totoo naman eh, kaibigan lang yun. Si Ein, kaibigan ko lang siya pero si Aaron? I don't know biglaan lang yung pakikipag-usap niya sa'ken since nung suntukan




Ayokong ma attach sa mga taong ganun, ayokong imatch yung energy niya kung gaano siya katamad sa pag-aaral.




" I don't like that Ein guy" napataas ako nang kilay.




"And why is that?"


"Well he looks okay but I have a bad feeling about that guy" Sabi ni kuya at napaupo sa tabi ko.



"And Aaron?"



"I feel safe, even though he kinda looks like a bad boy to me"



"Because he is!"



Nginitian lamang ako ni kuya at binuksan niya ang tv.




"Wait wait, ba't parang boto ka kay Aaron? Hindi naman 'yun nag-aaral nang maayos! Ano ba future nun?!"




"Tsk Celine your mouth. Hindi porket ganyan yung tao sa ngayon eh wala nang pangarap. Kailangan lang niya talaga nang tao na makapag motivate sa kaniya" asar na tono nito



"And you'll say that it's me?"


"I guess so"




"No kuya! No way"





"Suit yourself" Sabi niya at nabaling ang pokus niya sa basketball na pinanood niya. Napahinga ako nang malalim at sinabayan siya sa pagpanood



No, hindi ako magkakagusto kay Aaron. Alam ko sa sarili ko ang taas nang standard ko when it comes to man, not boys! At sa part palang na academically good dapat yung lalaki ko eh walang wala na si Aaron.








NAGHIHINTAY ako dito sa bench sa tapat nang bahay namin. Buti at wala sila mama at papa, busy sila sa pag entertain nang client nila since kagabi. Hindi nga sila umuwi eh



Si kuya naman nasad loob nanonood parin, okay na din yun para makapag move on na siya. Balita ko nalang sa mga maids ay minsan pumaparito parin yung ex niya pero hindi niya yun kinakausap bagkus ay pinapalayas niya ito. Buti naman sa kaniya at natuto siya dumestansiya


"Celine"



Napatingin ako sa motor napatigil na para sa harap ko, si Aaron na bagong baba sa kaniyang Yamaha R6 motorcycle. Naka fitted black top siya with black jogging pants and black Nike shoes. Kitang kita din yung mga tattoo niya sa dalawang biceps niya. Napanganga ako sa kagwapuhan niya ngayon, ang gulo din nang kaniyang buhok pero ang fresh padin niya tingnan.



Mula sa kaniyang buhok at makapal niyang mga kilay, sa kaniyang asul na mata, red thin lips, perfect jaw shape on his face with chinito eyes ay masasabi mo talagang nakakahulog panty siya ngayon. Omyghad, parang dyos siya sa harap ko




Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon