Chapter 2

54 3 0
                                        

"OH YEAH KID, MY NAME IS AARON. AARON COLDWELL. NICE TO MEET YOU NERD

Tinaasan ko siya nang kilay. Ano naman pakealam ko? Hindi naman ako nagtanong kung anong pangalan niya. Apaka feelingero naman pala nang lalakeng 'to. 

And how dare he call me a nerd!

Dapat lang magpasalamat ka! Gusto ko siyang sigawan pero wag na. Nagaaksaya lang ako nang laway sa walang kwenta

Napatingin ako sa orasan ko at napagtanto na natagalan naman ako. Sure ako magagalit nanaman si kuya kakahintay sa labas. Binilisan ko ang paglakad ko hanggang sa nakita ko siya sa hindi kalayuan. Nakasandal siya sa kaniyang sasakyan habang nakatingin sa relo niya.

Napatingin naman siya sa'ken nung nakalabas na ako sa gate. Yung malamig niyang awra ay naging malalim at seryoso, hinawakan niya pisnge ko at pinisil yung bandang bibig ko na may sugat

Napangiwi ako sa sakit.

"Can you explain what happen here?" giit niyang sabi. Napamulsa naman siya na para bang hinihintay ang magiging sagot ko pero tanging iling lang ginawa ko na ikinakunot nang kaniyang noo

" Kuya pagod ako, I want to go home"

"We are not going home unless hindi mo sabihin sa'kin anong nangyari diyan. You know what will happen if dad will see that"

Napabuga ako ang hangin.

"I was assigned to be the look-out today. May nag-aaway sa likod nang school, akala ko matitigil silang dalawa pag humarang ako sa gitna para awatin sila pero ako naman yung nasuntok"


"What's the name of that boy who punched you. I need to talk to the principal, I'll be back" aktong aalis siya nang hinawakan ko siya sa bandang pulso para tigilan siya. Umiling na ako sa kaniya.

"It was just an accident" sabi ko na ikinataas naman nang kilay niya.

"Since when ka nagkaroon nang awa at dinadaan mo lang sa aksidente?"

" Palipasin muna natin 'to"

Wala na siyang magawa kaya tumango na lamang sya at pinagbuksan ako nang pinto. Pumasok naman ako sa passengers seat at sya naman ay umikot para pumunta sa drivers seat

Sumandal sya at seryosong nakatitig sa daan. "Ako na bahala mag explain kay dad pag nakita kang ganyan. Dumeretso kana sa kwarto pag dating natin "Sabi niya at inandar na yung makina.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay. Nag parking naman siya sa garahe namin kaya sabay naman kaming pumasok sa loob nang bahay. Sumalubong naman si mama sa'kin at nag beso kami, aktong dederetso na ako sa kwarto ko nang tinawag niya 'yung pangalan ko

Napatigil ako at humarap sa kaniya.


"What happen? Sino ang bastos na naglagay nang sugat diyan sa bibig mo"

"Mom it's fine"

"No! I'm going to your school tomorrow "


"Mom, wag na natin palakihin 'to. Aksidente lang nangyari" magsalita pa sana si mama nang humawak si kuya sa balikat nito.

"Mom I need to talk to you and dad in your room" rinig ko sabi nito. Sinenyasan naman ako ni kuya na dumeretso na sa kwarto kaya sumunod na lamang ako. Pagpasok ko ay agad ko itong inilock. Inilagay ko yung bag ko sa kama at nagsimulang maghubad

Kinuha ko yung tuwalya nakasampay malapit sa cabinet ko at dumeretso sa banyo. Napatingin ako sa salamin at napangiwi, ang laki pala nang sugat ko.

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon