Chapter 19

16 2 0
                                        


UMAGA. napabangon ako nang makarinig ako nang pag pinto sa labas. Napatayo ako at lumapit sa bintana, kumunot ang noo ko nang makita si Aaron hinuhubad ang helmet niya at sinuklayan ang buhok niya gamit ang kaniyang daliri.

Napatayo ito at inisablay ang helmet sa motor niya. Hindi nagtagal ay nakarinig ako nang katok galing sa baba. Ano ba ginagawa niya dito? Nakalimutan niya ba ayaw na Nina mama at kuya na lumalapit siya sa akin? Ano ba naman iyong Plano nito

Hinanap ko ang tsinelas ko at nagmamadaling lumabas sa kwarto, wala na akong pakealam kung suot ko pa din ang pajamas ko. Agad ako bumaba at napatingin sa kanila.

"Iho ano ba ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni mama sa kaniya.

Seryoso ang tindig sa pagupo ni Aaron habang nakatitig Nina mama at papa.

"may bisita?" Napalingon ako kay kuya sa aking likuran. Napa silip siya sa ibaba, nagiba ang kaniyang ekspresyon at naging seryoso. Walang salitang bumaba siya.

Napatingin si Aaron sa kaniya hanggang sa napa angat ito nang tingin sa akin dito sa itaas. Tinanguan lamang niya ako at ibinalik ang tingin niya sa kanila.

Hindi ko alam saan niya ako dadalhin pero mas mabuting aayusin ko na sarili ko bago bumaba

Bumalik ako sa itaas at agad dumeretso sa banyo. Naligo ako at pagkatapos ay nagbihis nang komportableng suot. Nag make-up lang ako nang konti at naglagay nang mga clips sa buhok. Nag spray ako nang perfume sa likod nang tenga at sa leeg ko.



Napatingin ako sa salamin at napahinga nang malalim. Hinablot ko ang bag ko sa higaan at dumeretso lumabas sa kwarto. Pagkababa ko ay nakita ko sila nagtatawanan. Kunot noo ko silang tiningnan habang pababa ako anng hagdan.



Sabay sila napalingon sa akin at nagsitahimik naman. "Ano nangyari?" Tanong ko sa kanila. Tumayo naman ito at lumapit s akin


"Tara?"



Mas lalong kumunot ang noo ko sa kaniya. "You're cute" Sabi niya at pinisil ang pisnge ko. Nauna itong lumabas sa bahay. Napatingin ako sa kanila


"Go na bunso"Sabi ni kuya

"Ano ba talaga nangyari? Mom, dad?" Napangiti lamang ito sa akin

Lumapit si dad sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Mag-iingat kayo anak" Sabi niya at ngumiti.

Hindi ko na talaga alam ano ba nangyari kanina. Ano ba pinagusapan nila? Ano ba sinabi ni Aaron ba't naging ganito iyong pamilya ko? Wala pa talaga silangplanong nagsabi sa akin nang totoo.


Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas. Agad ko hinanap si Aaron at nakita ko siya naka upo na da motor niya habang inaayos ang helmet niya. Nang makalapit ako sa kaniya ay inilahad niya sa akin ang helmet na pink. Tinulungan naman niya ako sa pagsuot, pagkatapos ay umangkas na ako sa kaniya

"Aaron?" Tawag ko sa kaniya

"Hmm?"

"Ano ba talaga ang pinagusapan niyo at tsaka San tayo pupunta? May paparating na bagyo hindi mo ba alam yun"

"Mamaya na tayo magusap tungkol diyan Celine and haven't you seen the post? Tuloy ang klase ngayon. Nga pala hindi ka kumain nung makababa ka, saan mo gustong kumain?" Tanong nito

"Sa Jollibee na lang tayo, Aaron." hindi na ito nagsalita at nagsimula na niyang inandar ang motor.



RECESS na. Tumayo ako at kinuha ang wallet sa bag ko. Mabuti nalang nakapasok ako sa suot ko, naka white t shirt lang naman ako at baggy pants. Hindi ko akalain may klase Kasi ngayon, hindi ko namalayan ang announcement nang school page namin tuloy ang klase. Mabuti nalang pinapasok ako nang guard namin. Nagsilabasan na ang ibang mga classmate ko. Lumabas na ako sa canteen at napasilip sa labas hinahanap si Aaron.

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon