HIS VOICE
Hindi pa din mawala sa isip ko kung paano siya magaling kumanta. Kung paano siya naging malamig sa pagtitig sa isang tao ay ganun din ang lamig sa bawat pagkanta niya.
The way he move his lips, the way how his fingers strung the string of a guitar. Lahat iyon perpekto sa mga mata ko. How could he be so handsome in a way. Napahinga ako nang malalim at napatingin sa hawak kong check list
Andito ako ngayon sa luxury hotel tumutulong sa pag design. Royalty iyong maging theme namin, prince o princesses kumbaga ang kalabasan. Napatingin naman ako sa mga lamesa. Nagpitas ako nang isang rose nakalapag sa Isang lamesa malapit sa akin. Lumapit ako sa circle type na lamesa at nilagyan ang vase nang bulaklak.
"Mas maganda Celine" tumingin ako sa babaeng lumapit sa akin. Si Vie, matamis itong nakangiti sa akin
"Ito pala ang ibang mga bulaklak" lumapit ang Isang lalaki bitbit ang dalawang piraso nang bulaklak. Red and Pink Roses ito.
"Ilagay mo lang dun" sabay turo ko sa lamesang may rose. "Sila na bahala sa pag dedesenyo. Thank you Vie!"
"Walang anuman Celine" umalis naman ito kaagad. Sumunod naman ang lalaki sa kaniya at inilapag sa lamesa.
"Celine, pano ba gagawin ang ilaw?" Lumapit si Venus sa akin. Napatingin naman ako sa kabuohan nang venue.
"Mas maganda siguro kung hindi masyadong mailaw yung lugar. Iyong deam lang"
Napatango naman ito at umalis. Nag lagay naman ako nang check sa bawat kahon na nakompleto na namin. Napatingin ako sa orasan. Malapit nang mag one, kailangan namin habulin ang ibang subjects.
Naglakad ako patungo sa stage at kinuha ang microphone nakalapag sa lamesa. In-on ko ito at napatingin sa kanila.
" Excuse me" panimula ko. Lahat naman sila nagsitigil sa kanilang mga ginagawa at napa angat nang tingin sa akin.
"It's almost one. Let's rest for now, babalik pa tayo sa school. We need to catch up on our subjects" um-oo naman silang lahat. Ibinalik ko ang microphone kung saan ko ito kinuha. Sabay sabay naman kami pumunta sa ground floor.
"Celine" kakalabas ko lang ang elevator nang may tumawag sa akin. Napalingon ako sa di naman kalayuan. Isang lalaki inayos ang kaniyang salamin habang dinadala ang ilang mga pirasong eco bag.
"Hatid na kita" Sabi nito.
"Okay, ikaw bahala" nauna naman lumakad. Sabay na kaming pumunta sa parking lot. Kinuha niya ang susi at pinindot ito. Bigla naman nagingay ang Isang sasakyan sa hindi naman kalayuan sa amin
"Tara"
Nang makalapit na kami sa sasakyan niya at pinagbuksan naman niya ako. Walang imik akong pumasok dito at napaupo nang matuwid. Pumasok na din siya sa drivers seat at pinaandar ito.
"Are you hungry? Do you want to-"
"Ein, malelate na ako sa next subject ko" derektang Sabi ko sa kaniya habang nakafocus lang ang tingin ko sa harap, wala akong planong lingunin siya.
"Celine, I'm sorry about my mother"
"I don't want to talk about it. Please ihatid mo ko sa school"
Hindi naman ito nagsalita pa. Nakailang sulyap naman siya sa akin hanggang sa napagdesisyonan niyang andarin ito paalis.
NAKAUPO ako sa bench sa ilalim nang kahoy. Naalala ko tuloy ang encounter namin ni Aaron dito, kung gaano ako nainis sa kaniya sa panahong iyon. Totoong nakakainis naman talaga pero habang tumatagal parang 10 out of 20 nalang yung pagkakainis ko sa kaniya
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionHi I'm Celine Maekawa, ako ay kabilang sa ssg member as president sa Northern University. Others describe me as snob, matalino, mayaman, maganda, strikta at iba pa. Mula junior high pa lamang ako ay pinagmamabuti ko na talaga ang pag-aaral ko. Consi...