SATURDAY. Tahimik akong pinagtutumpi ang mga damit ko habang naka luhod sa sahig at inilagay sa cabinet ko. Kakatapos ko lang maglaba nang ilang mga labahan ko. Kinuha ko ang phone ko sa lamesa nagbabasakaling baka nag text siya. Napasimangot ako nang wala akong nakuha
"Celine?" Ibinalik ko ang phone ko sa lamesa at ibinaling ang tingin sa pinto.
"Bukas yan" Sabi ko. Pumasok naman si kuya at naglagay nang pagkain sa lamesa ko. Napatayo ako sa pagkaupo sa sahig at kinuha ang pagkain sa lamesa at inilapit sa study table ko. Ang hirap kumain sa lamesa katabi sa kama. Baka lalanggamin pa ako
"Wala sina mom and dad ngayon" rinig ko sabi ni kuya. Tinanguan ko lamang siya at nagsimulang kumain.
"Thanks for the food kuya" Sabi ko sa kaniya habang ngumunguya. Napangiti naman siya at napaupo sa kama ko. Hinayaan ko naman siyang magmasid sa kabuohan nang kwarto.
Pagkatapos kong kumain ay kinuha na ito ni kuya. "Celine? Aalis ako mamaya. Make sure to close the doors and windows okay?"
"Yes kuya" Sabi ko at bumalik sa pagkaupo sa sahig. Nagtumpi ako ulit nang mga damit hanggang sa natapos ko na ito agad. Napatingin ako sa orasan, mahigit na 1 hour na akong natapos.
Nakakapagod! Hindi ko na namalayan ang oras, marami rami din naman mga damit ang natumpi ko. Bahala na importante may ginagawa ako.
Napatingin ako sa message ni Aaron. Wala paring text galing sa kaniya, tanging text niya lang ay iyong goodnight niya kagabi. Kamusta na kaya siya? Ano ba ginagawa niya ngayon? Pinapagalitan din ba siya sa parents niya?
Pinilig ko ang ulo ko kakaisip. Napatayo ako at kinuha ang towel galing sa cabinet ko. Humarap ako sa salamin at sinuklay ang mahabang buhok ko.
Kumatok naman sa labas si kuya. "Celine, I'll be home late. I'll text you when I'm outside okay?"
"Yes kuya!" Sigaw ko naman. Hindi naman ito nagsalita pa. Tumakbo naman ako at tumingin sa bintana, nakita ko si kuya lumabas sa bahay. Pumara naman siya nang taxi at pumasok dito
Saan kaya pupunta si kuya? Hindi ko nga matanong sa kaniya kung ano ang ikinaaabalahan ni kuya these past few days. Palagi na siyang umaalis sa bahay. Impossible naman nagsibalikan na siya sa ex niya, wala na akong balita galing sa babaeng iyon. Hindi na din iyon nangungulit kay kuya kaya ramdam ko may ibang babae si kuya
Bahala na, importante masaya ang kuya ko
Pagkatapos kong magsuklay ay pumasok na ako at naligo. Nang matapos na ako ay agad naman akong lumabas at ginawa aking skin care. Sinuklay ang buhok at napasuot nang pajamas. Humiga ako sa kama ko ulit at napatingin sa phone ko.
Napangiti ako nang makita ang 1 message galing kay Aaron
Mr.Coldwell: goodmorning, kamusta tulog mo?
Napatingin ako sa oras nang phone ko. Mag 11 na, ang late niya ata nagising ngayon. Siguro napasarap ang tulog
Me: ok naman, hbu? late mo na nagising
Mr.Coldwell: yeah sorry, napasarap eh
Saglit kami nagusap hanggang sa nauna na siyang magpaalam Kasi may gagawin pa siya. Nag okay naman ako kaya inoff ko muna ang cellphone ko at chinarge ito saglit. Nag stretch naman ko at napatayo
Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kusina. Pagbukas ko dito ay may cookies and cream na ice cream na may note sa itaas ang nadatnan ko. Kinuha ko naman ang note dito
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Romantizm[ COMPLETED ] My life was almost a living paradise when I was still a kid, especially when I have the best and a perfect family that every daughter could ever want. Pero habang dumadaan ang mga panahon, lumalago at lumalabo na ang buhay na patutungu...
