Chapter 21

6 0 0
                                    

"AARON!"


Nanginginig ako sa takot, nalilito ako kung ano ang gagawin ko. Ngayon lang ako nakakita nang nabaril na katawan sa buong buhay ko. Napaluhod ako habang hinahawakan ang katawan niya. Kinapa ko agad ang pulso niya nang ramdam kong may konting tibok pa mula rito


Humarap ako kay Ein at maluhang nanghihingi nang tulong. Tumango naman ito at agad tumawag nang tulong.



Napalingon ako sa dalawang lalaki lumapit sa Amin. Sila ang mga kaibigan ni Aaron, nagtulungan sila para buhatin ito patungo sa back gate. Tinulungan ko naman ang babae nakahandusay pa din sa sahig, nanginginig ito sa takot.



Tumayo naman ito at inalayan ko ito palabas nang gate. Ang daming nakatingin na sa amin, siguro dahil sa lakas nang putok nang baril. Narinig ko naman ang siren anang ambulansya patingo sa amin.


"Ein, what happen? I heard loud guns"



Napalingon ako at nakita ko si Mrs. Mendez papalapit sa Amin kasama ang dalawang gwardiya. Tumingin ito sa akin na para bang naghihintay nang kasagutan. Dumating naman ang mga tao ambulansya at mula sa labas ay may dalawang sasakyan na mga pulis nakaparada sa may back gate nang paaralan.



Pulis?


Lumabas ang isang pulis mula sa sasakyan at pumasok sa paaralan. Hilang hila nila ang walang malay na sina Mike at Miko at ang katawan ni Vlad na hindi ko alam kung Buhay pa ba



"Celine.."



Lumapit ako kay Mrs. Mendez at napayuko. Natigasan ako sa tinatayuan ko nang Isang sampal ang nakuha ko. Nanatli akong nakayuko habang dinadama ang hapdi mula dito


"Mom!" Hinawakan ako ni Ein sa braso at hinila ako sa likod niya. Kitang kita ko ang mga galos at bahis nang dugo sa mga kamay niya.



"Celine pinapahiya mo ang buong school! Akala ko malinis ka gumawa pero what's this?!"



"Mom stop it!"



"No! Dahil sa ginawang kahihiyan mo! Ibabawas ko ang grades mo ngayong quarter!"



Parang biglang nabingi ako dahil sa sinabi niya. Nanginginig ang buong katawan ko na halos mabaliw ako kakaisip anong idadahilan ko kina mom and dad. Hindi ko kakayanin pag nakita ko ang mababang grades ko, baka mawalan nang tiwala ang mga parents ko sa'ken. Sure ako magagalit din sila sa akin at babawasan ang allowance ko



Hindi ko kaya mawala ang pnaghirapan ko dahil lang dito. Dahil sa panginginig nang tuhod ko ay naglakad ako pumagitna sa kanila at napaluhod ako sa sahig habang nakayuko.



"Celine! Tumayo ka" hinawakan ako ni Ein pero hindi ako nagpatinag.



"Wag yung grades ko ma'am, I've..worked hard maintaining those grades" nabasag nang tuluyan ang boses ko. Nanginginig na ako nang sobra at wala na akong maisip kung ano pa gagawin ko



"This will be your consequence Celine, you don't even have proof about this accident"




Magsalita pa Sana ako nang may humawak sa balikat ko. Tumingin ako dito, ang babae na malapit na ma rape nilang Vlad ay ngumiti sa akin.


Humarap ito kay Mrs. Mendez at napaluhod din sa tabi ko


"Ma'am wag mo naman bigyan nang parusa si Celine, she saved me. Even though kahihiyan ito sa ibang isip nang tao, hindi padin natin makalimutan na ipag yabang na may matapamg babaeng estudyante dito sa university natin" May kinuha siya mga litrato sa kaniyang bulsa at ibinigay ito sa principal. Napatingin din dito si Ein st bahaganyang napangiti


Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon