Kabanata 11

14 8 0
                                    

Kabanata 11

Will

“Bakit nasa labas pa kayo?” Tanong ng isang matanda sa amin.

He wears a white v-neck shirt and black pants. May dala siyang walis at basurahan. Ito yata iyong taga linis sa subdivision?

“Tata Anwar…” tawag ni Obed.

Humalakhak siya kay Obed. Tumayo kami pareho at lumapit sa matanda. I am still speechless to think na kilala ni Obed ang matanda. But really, I am serious; I haven't seen this guy before. Matagal na kami dito nakatira, pero hindi ko pa talaga siya nakita. Nagmano si Obed, hinawak niya ang ulo nito habang nagmamano.

“Maari mo ba akong ipakilala sa kaibigan mo?” 

Nilingon ako ni Obed. Hinawakan niya ang kamay ko at pinalapit. Bahagya akong ngumiti sa kaniya. He smiled slowly, growing wider. Nagulat ako, he had perfect teeth.

“Si Bethany po,” pakilala sa akin ni Obed. Then Obed face me. “Siya si Tata Anwar, taga linis lang siya dito tuwing linggo ng umaga, Bee.”

I nodded and turned my gaze back to the old man. I bow my head. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya para mag mano. Hinawakan niya ang aking ulo.

“Pagpalain ka ng diyos, anak…”

Pagkatapos kong magmano sa kaniya, tumabi ako kay Obed. Tumingin lang sa kaniya. I can see how his eyes are so interesting to me. Pero nilipat niya rin naman sa katabi ko ang kaniyang tingin.

“Obed, bakit nasa labas pa kayo?”

Maliit na tumayo si Obed, para siyang nahihiya. Bahagya siyang napatingin sa akin.

“Naguusap lang po, Tiyo,” sagot niya.

“Bakit ngayon pa at gabi na?” tanong niya ulit.

“May sinusuyo lang po…” mahina niyang sabi pero alam kong narinig namin iyon pareho.

Malakas siyang tumawa at napailing.

“Kayo talaga! Sige, pagkatapos ay umuwi ka na, Obed ha. Lumalalim na ang gabi…” he gently uttered.

Tumango kami pareho ni Obed. Akala ko ay aalis na siya ng magtanong si Obed.

“Bakit po pala kayo nandito? Tuwing linggo lang po ang trabaho, Tiyo, ah…” 

He smiled. His eyes were very sad, but his smile shines brightly.

“May pangangailangan lang, Obed…” 

“Bumalik na po ang anak ninyo?” 

Hindi niya sinagot ang tanong, at dumapo ang kaniyang tingin sa akin. Malungkot siyang ngumiti habang nakatitig sa aking mga mata.

“Oo pero hindi niya na ako kilala…”

The wind blows in my direction. I can feel the coldness of the wind, and I feel like someone is hugging me. 

“Mauna na ako sa inyo.” Hindi na ulit dumapo ang kaniyang tingin sa akin. “Obed umuwi ka na ha, dahil gabi na.” 

Tumalikod siya sa amin. Nagkatinginan kami ni Obed. Mas lalo naging awkward dahil kaming dalawa na lang. Yumuko pa siya at tumikhim. Lumingon ako sa aming bahay. Anong sasabihin ko? Gusto ko nang pumasok eh.

“Ahm… uwi ka na?” tanong ko sa kaniya.

Nag angat siya ng tingin. He didn't smile.

“Ah, sige. Lumalalim na rin ang gabi.”

Tumango ako sa kaniya at dahan-dahan na naglakad palit sa gate. Nakasunod siya sa akin. Hindi ako tuluyan na pumasok at nilingon muna siya ng isang beses. I show him the ice cream he gives, na hindi ko nakain.

Broken Vessel (AMOG Series #1)Where stories live. Discover now