Kabanata 21

9 7 0
                                    

Kabanata 21

Reconnect 

Nagulat ako doon! Paano nalaman ni Amare iyon? At ang mas nakakagulat pa ang mensahe ni Obed sa akin. Ilang buwan ko siyang tinigilan at naging okay naman ang daloy ng buwan na iyon. Siguro umiiyak ako pero hindi na gaano katulad no’n. 

Tas ngayon bumalik ulit siya? Pero kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sariling sagutin siya.

Bethany Savier: Uy, Obed! Hi. Okay lang naman. Hahaha. Ikaw, kamusta na?

Is this really for real? Parang ang bilis, umiiyak pa ako nong summer tas dagdag pa ng isang buwan na hindi niya ako pinansin! Nakakapanibago! Para akong bumalik noong una ko siyang nakilala.

God, is this your calling? Is he for me? Siya ba talaga?

Obed Orcariza: Okay lang naman. Namiss kasi kita! 

My heart beat so fast. Para may kumiliti sa katawan ko. I keep on smiling.

Bethany Savier: Ayan hindi mo kasi ako pinansin, eh! Nakakatampo ka! Tatlong buwan pa ang pinalipas mo!

Obed Orcariza: Hahaha. Sorry na kasi.

Habang ngumingiti ako, nag notify  ang bagong mensahe ni Amare.

Amare Acosta: How are you, Adri? Are you okay now? I hope you are. I am always rooting for your peace.

But I didn't mind his messages and continued talking to Obed.

Bethany Savier: Hindi ka na ba talaga galit sa akin? Are we now okay, Obed?

The amount of anxiety spread around me, thinking this might end like before. Hindi ko alam, pero natatakot ako. Kaso gusto ko siyang makausap eh. Gusto ko siyang bumalik.

Obed Orcariza: Yes, Bee. Sige na, may assignment pa ako. Kita na lang tayo bukas. Good night, Bee.

My excitement for tomorrow is beyond my expectations. Natulog ako ng maaga sa gabing iyon dahil nagawa ko na ang mga kailangan ko. I tried to stop my lips from smiling, but every time I think about his last texts, I feel something more than kilig and butterflies.

I woke up early in the morning. I checked my phone for his message. Lumaylay ang aking balikat ng makitang, wala man lang siyang mensahe gaya dati. Pero nagkibit balikat ako. Bahala na magkikita naman kami.

As usual, mommy is out of the house already. Naiba na raw ang schedule niya, kaya maaga siyang umalis. I eat my breakfast first before heading out to go to school. 

Hindi pa nga nakakalapit ang sasakyan namin sa gate, natanaw ko na kaagad ang Christmas tree na design sa buhok ni Josie. She changed, you know. And I liked it. Ngumiti akong lumabas sa sasakyan at nakipag beso sa pisngi.

“Nagkabalikan na kayo ni Obed?” nguso niya habang naka kunot ang noo.

Nagpapatay malisya ako. “What?”

“Huwag kang magkaila ha! Chismoso ang boyfriend ko! Sinabi niya sa akin ngayon lang, Bee,”

Bumuntong hininga ako. Nakangiti habang pinagmamasdan ang kaibigan ko na nakakunot pa rin ang noo. Tinampal niya ako sa aking braso dahil nakangisi lang ako.

“Okay, okay…” I said, I have no choice but to tell her the truth. Hindi ko alam chismoso pala si Mashlee. Ang bilis naman kumalat. “Well, siya ang unang nag text, ha hindi ako.”

I mean, nag chat lang naman kami ulit. 

Ngumiwi siya. “Then, pumayag ka naman? Alam mo na ba ang dahilan kung bakit hindi ka niya pinansin?”

Broken Vessel (AMOG Series #1)Where stories live. Discover now