Kabanata 17
Letter
“Nasaan ka?” taranta kong sabi habang tumatakbo palabas sa library.
Narinig ko lang na kailangan niya ako, hindi na ako nagdadalawang isip na puntahan siya kaagad. I texted Tan na may kailangan lang akong asikasuhin.
Ako:
Tan, mauna na kayo sa room ha. Pakidala ng bag ko. Thank you. May mahalaga lang akong gagawin. Ikaw na magsabi sa dalawa. I'm sorry hindi ako nakapag paalam sa inyo.
“Nasa likod ako ng building four, Bee… ikatlong puno…” sabi niya.
I ended the call and ran away. Nagmamadali ko siyang pinuntahan. Nang makarating ako sa building four, dumaan ako sa isang maliit na daan sa kilid lang nitong building para makapasok sa likod. Kaagad ko siyang natagpuan naka upo sa kilid ng puno habang umiiyak. I ran to her and immediately gave her a hug. Nilingon niya ako at mas lalong umiyak.
“Anong nangyari sayo? Ha? Bakit ka nandito?” nagaalala kong tanong sa kaniya.
“Si Rico…” bulong niya sa akin.
“Bakit? Anong ginawa niya sayo? Sinaktan ka ba? Gusto mo awayin natin?” Hindi ko mapigilan na hindi mataranta sa kaniya.
Hinaplos ko ang kaniyang buhok. Umiling siya sa akin.
“Hindi… inaway ako ng bago niyang girlfriend. Nag hiwalay na sila noong naging girlfriend niya last week. Bee, tinawag niya akong kabet!” She cried more.
“What?!” Tumaas ang boses ko. “Anong kabet? Hindi ka naman kabet!” Galit kong tanong.
Pistey, mapapaaway talaga ako kapag nalalaman ko kung sino iyon!
“Hindi ko alam. Pinagtulungan ako ng barkada niya sa cr, Bee. They tried to take off my uniform because... I am malandi raw, and people deserve to know my true colours. Bee, I don't know… what did I do…” pumiyok siya.
Pinakita niya sa akin ang uniform niya na gusot gusot na. Matalim akong tumingin doon. Mahigpit ang hawak ko sa kaniyang uniform. Mga letcheng babae!
I give her a tight hug again.
“Sinong gumawa sayo nito?” mahinahon ngunit nagtitimpi kong sinabi.
“Si Kim… Salvador. Taga HUMSS, Bee…” Mas lalo siyang umiyak.
Yuck, iyong babaeng mayabang sa reading contest last year ang bagong girlfriend ni Rico?
Kumalas ako sa pagyakap sa kaniya. Nagtaka siya sa akin kung bakit ako tumayo. I looked into her eyes with no trace of a smile.
“Samahan mo ako sa kaniya…”
Kaagad siyang tumayo. Nakitaan ko nang takot ang mga mata niya. “Bee noo…”
Nagulat ako sa pagpigil niya sa akin.
“Hindi pwede ganonin ka lang, Josie. Gaganti tayo!”
Tumunog ang cellphone ko. Pareho kaming natigil dalawa. I angrily opened my phone to ask who it was.
“Ano?!” pagalit kong sabi.
“Bee, nasaan ka? Nandito kami si building five. Napaaway si Ramil… tinawagan kami ni Amare para tumulong na umawat…” Amare is here? Akala ko ba absent siya?
Binaba ko ang tawag. Kahit pinipilit ako ni Josie na huwag na kaming pumunta, hindi parin ako nakikinig. She is holding my hands, pleading with me to stop what I am thinking. Hindi ako papayag na hindi ko gantihan si Josie sa ginawa nila.
I won't let them win! I won't let them do this to my friends. The audacity they have!
Sigawan ang sumalubong sa akin nang umakyat kami sa building five. Nakita kong inawat ni Mashlee at Gerald si Ramil na ngayon ay namumula sa galit. Habang si Amare naman ay nakahawak kay Rico. Gab and Tan are talking to both of them. Wala dito si Obed, kaya kampante akong makipag away ngayon. Nasa gilid lang si Ysa nagaalala.
YOU ARE READING
Broken Vessel (AMOG Series #1)
Teen FictionWhen I was left and shattered, my tears spoke on behalf of my mouth, and I found a way closer to God. Started: March 19, 2024