Kabanata 12
Confession
“Magmadali naman kayo! Ipapasa ko pa ito eh! Kayo nalang mag pasa ng paper niyo kung ayaw ninyong magdali!”
Sumama ang mukha ko sa bida bida naming kaklase kasama ang aso niya. Nasa harapan siya habang hawak ang assignment namin.
“Teka lang, Annika!” sigaw ng iba.
“Bibigwasan ko talaga ang babaeng ‘yan,” sabi ko habang nagsusulat.
Magkatabi na kaming apat habang nagkokopyahan ng assignment. Siniko ako ni Ysa.
“Tumigil ka nga makipag away ka na naman.”
Alam kong kasalanan namin kung bakit wala kaming assignment. Pero pistey siya, ang ganda ng usapan namin kanina na walang magsasabi kay Sir tungkol sa assignment dahil hindi namin nagawa. Marami kaming ginagawa this past few day, may mga event ang PE namin. Kaya nakalimutan namin ang assignment ni sir Spencer.
“Pistey…” mura ko dahil natataranta na ako.
“Ano ba! Ang tagal na! Iyan kasi hindi kayo gumawa ng assignment!”
“Oo kasi pabigat ka sa group presentation natin sa PE!” sigaw ko sa kaniya. “Kaya mo nagawa ‘yan kasi ni hindi ka nga tumulong sa aming mag handa para sa presentation. Puro ka lang reklamo. Sipsip ka rin eh!”
Hinawakan ako ni Ysa. “Bee, ano ba!” bulong niya.
Mahinang naghiyawan ang mga kaklase kong mga lalaki na nasa likod. Sumali pa si Gab. Tan whispered at me to stop, but I didn't listen to them.
“Napakaayos ng usapan kanina ah! Na bukas na ipapasa ito! Pero dahil sipsip ka sa mga teacher na tin, sinabihan mo pa talaga!”
“Aguy, Annika, sipsip ka pala!” si Gab.
Nagtawanan ang mga lalaki sa likod. Pati mga kaklase namin ay pinagtitinginan na kami. Nasulyapan kong paiyak na siya. Inaalo siya ng kaniyang mga kaibigan.
“Wala akong pakialam kung umiyak ka diyan, Annika dahil piste kang babae ka!”
“Bee ano ba!” sigaw ni Tan sa akin.
Hindi ako nag patinag. Tuluyan na ngang umiyak si Annika. I rolled my eyes at her.
“Masama talaga ugali mo, Bethany. Pinaiyak mo si Annika.”
“Atleast hindi ako bida bida katulad niya! Wala akong pake!”
Pistey, ayaw na ayaw ko talaga sa lahat iyong minamadali ako. Kinuha ni Tan ang papel ko. I glared at him.
“Ako na tatapos, ang ingay mo!” bulyaw niya sa akin.
Inirapan ko siya. Tinignan ko si Annika na nakayuko sa lamesa habang umiiyak. Masama ang tingin ng mga kaibigan niya sa akin. Inirapan ko sila pareho.
“Ano ang tingin ‘yan? Para kayong mga aso nakabuntot lagi sa kaniya,” mataray kong sinabi.
Naghiyawan lahat ng mga kaklase ko. Tumawa ako sa reaction nila dahil ramdam ko ang inis nila sa akin.
“Aguy! Ginawang aso! Iiyak ako niyan!” Mga lalaki sa likod.
Malakas silang tumawa. Hindi ko magawang makisabay sa kanila dahil sa galit na namumuo sa aking isipan. Hindi ko alam kong ilang beses akong umirap sa umagang iyon hanggang sa natapos si Tan sa pagsusulat. Sabay namin binigay kay Annika ang papel. Nakita ko ng namumugto ang kaniyang mata. Pero hindi ako naawa doon. Pabagsak kong nilapag ang aking papel. Sinamaan ko siya ng tingin, basta may gagawin lang talaga siya sa papel ko! Hinawakan ako ni Ysa at pinabalik sa aking upuan at nakahalukipkip.
YOU ARE READING
Broken Vessel (AMOG Series #1)
Teen FictionWhen I was left and shattered, my tears spoke on behalf of my mouth, and I found a way closer to God. Started: March 19, 2024