Kabanata 13

14 7 0
                                    

Kabanata 13

Chua

Right after our trip, hindi pa rin mawala sa akin ang sinabi ni Obed. I even got excited to see him at school. Halos hindi mawala sa mukha ko ang saya na nararamdaman. I don't know; hearing him like me excites my nerves. Hindi naman ako ganito noong high school. Kapag may crush lang ako tas paglaman ko na crush nila ako kaagad akong nawawalan ng gana. Hindi ko alam pero ang sarap maghabol sa mga taong ang lakas tumakbo.

But now, I realize, mas masarap pala gustuhin ka rin ng gusto mo. 

I went to school only to find Obed. I am starting to get obsessed with him. Simula noong nag confess siya lagi na ko na siya nakakausap. Even though he is busy, he found time to talk to me. Lagi akong puyat dahil magdamag kami naguusap.

“Have you ever fallen for someone else, Bed?" I asked one time when we were eating together.

Napalingon siya sa akin. His brows are up. Nginuya niya muna ang kaniyang pagkain bago akong sinagot.

“Oo, noong highschool ako…”

“Talaga?”

Tumango siya. “Kaso mas gusto niya ang kaibigan ko, si Mashlee…” malungkot niyang sabi.

“Luh… seryoso?” 

“Yeah… best friend kaming tatlong noon. Ako iyong unang nagkakagusto sa kaniya. Alam ko naman na mas lamang si Mashlee sa akin… dahil gwapo at mestizo iyon…” bahagya siyang natawa. “Pero hindi ko lang matanggap na gusto rin siya nang kaibigan ko. Naging sila habang hindi ko alam. She is my first love, Bee.”

Bigla akong nalungkot. Gagi, hindi naman gano'n kalungkot ang buhay ko. Landi landi lang ako noong high school eh. 

“Okay na kayo ni Mashlee, ‘di ba?”

Tumango siya sa akin. Sumubo muna siya sa kaniyang pagkain.

“Anong nangyari doon sa babae? Naghiwalay sila?”

“Oo, umuwi sa Iloilo. Nagkausap naman kami ni Mashlee. Hindi niya rin kasi alam na gusto ko siya. Kaya pinatawad ko siya noong humingi siya ng tawad sa akin.”

“Napatawad mo na iyong first love mo?”

Tumango ulit siya. “Oo, kailangan dahil wala naman akong magagawa. Hindi ko kontrolado ang lahat.”

Gagi, bakit ba ako nagseselos sa first love niya. Akala ko ako ang una, shuta, nakakatakot to ah. Parang ngayon ko napagtanto na baka hindi kami para sa isa't isa.

Inangat niya ang tingin sa akin. “Ikaw? Do you have a first love?”

Umiwas ako ng tingin. “Wala, landi landi lang ako noong high school.” wika ko sabay tawa.

Tumawa siya sa sinabi ko habang umiiling. Tinungkod ang aking siko sa lamesa at nilagay ang aking baba sa palad. I am very curious about his past.

“If magkikita ba kayo ulit ng first love, tatanggapin mo ba?”

He stared at me. Nanliit ang kaniyang mata and he smirked.

“Bakit ako babalik kung nandito ka na?” 

Hindi ko mapigilan na hindi ngumiti sa sinabi niya sa akin. I laughed so hard, even though there were a lot of butterflies in my stomach.

“Buang!” Napatakip kaagad ako sa aking bibig. “ I mean… hoy! Ano ba!”

Hindi niya naman napansin dahil tumawa lang siya. We do this almost every day now. Sabay mag lunch, ihahatid niya ako sa room ko. I don't know, but feeling ko may label kami kahit wala naman. He always gives me sweet words. I have become more addicted to his presence now. 

Broken Vessel (AMOG Series #1)Where stories live. Discover now