Pagdating nila sa Mansion nila Ma'am Adriana at Sir Alfonso ay inayos muna ni Shaine ang kaniyang Sarili dahil ayaw nito na magtanong pa ang mga Amo niya. Wala Siyang balak na magsumbong dahil sa kabila ng lahat ay tumatanaw pa rin Siya ng utang na loob sa mga Amo niya maging sa mga Magulang ni Sir Raymart.
Bumaba ng Kotse si Shaine at hindi na hinintay ang Binata na makababa ng Kotse nito.
Dumerecho si Shaine sa likod Bahay ng Mansion nila Ma'am Adriana sa bandang Pool side. Walang tao sa Mansion ngayon dahil nasa Bakasyon Silang lahat ang sabi ni Karla.
Sinundan Siya ng Binata at kinausap ngunit hindi na kumikibo ang Dalaga.
"Shaine, I'm sorry."
Wika ni Sir Raymart habang niyakap si Shaine.Hindi gumalaw ang Dalaga ngunit nag-uunahan ang mga luha nito na tumulo galing sa mga Mata nito.
Hinila ng Binata si Shaine at niyakap ng mahigpit, hindi pa rin gumalaw ang Dalaga kahit isang kurap.
"Shaine, say something. Hurt me."
Bulong ni Sir Raymart habang pinupunasan ang mga Luha ng Dalaga."Kahit anong gawin at sabihin ko hindi pa rin mawawala ang sakit na idinulot ninyo saakin."
Umiiyak na sambit ni Shaine."I'm sorry! Babawi ako."
Pakiusap ni Sir Raymart."Pera na naman diba? Ganoon naman palagi, Sir. Pero hindi naman matatapalan ng Pera lamang ang ginawa ninyo."
Hagulgol ng Dalaga."No, it's not that. Just give me time to prove how sorry I am."
Pakiusap ng Binata.Hindi na kumibo ang Dalaga dahil ayaw na niyang magsalita sa Sakit na na nararamdaman.
Lumayo si Sir Raymart at narinig na lamang nito na may kausap sa Cellphone ito.
"Make it 2M. Kung ayaw mong palakihin ko itong ginawa mo. I'll check the Bank Account of Shaine later."
Banta ni Sir Raymart sa kausap at nilapitan siyang muli."Shaine, I'm sorry."
Lambing ni Sir Raymart."I'll give you a chance, pero dito na ako mananatili kila Ma'am Adriana."
Sambit ni Shaine."Yeah, it's okay. I can stay here, anytime." Pagpayag ni Sir Raymart.
Tumango ang Dalaga at pumunta ana sa kaniyang Kwarto habang nakasunod pa rin si Sir Raymart.
"Maganda rin pala ang Kwarto mo rito.
Kailan nga pala tayo pwedeng lumuwas sa Zambales?"
Wika ni Sir Raymart."Ngayon sana eh, kasi malungkot ako. Gusto ko Sila makita."
Bulong ni Shaine."Sure, mag impake ka."
Wika ni Sir Raymart."May pasok bukas at may Trabaho ako dito." Sagot ng Dalaga.
"I can talk to them."
Wika ni Sir Raymart."Paano ang Girlfriend mo?"
Tanong ni Shaine."Wala na kami kagabi pa, nagalit Siya saakin nung susugurin ko si Jonathan kagabi." Wika ni Sir Raymart.
"Kaya pala ako na naman ang trip mo, break na pala kayo."
Wika ni Shaine."Of course not, last week pa kami naghiwalay dahil nahuli ko siya na may ibang Lalaki. Nag sorry lamang Siya saakin at humingi ng Chance kaya pinagbigyan ko."
Paliwanag ni Sir Raymart."Sige, mag iimpake na muna ako."
Paalam ni Shaine.
YOU ARE READING
POSSESSIVE WILD SERIES #7 ; SLAVE by SHAINE and Raymart
RomanceMAPANAKIT ‼️‼️‼️ Si Shaine Hidalgo ay gagawin ang lahat upang maiahon sa hirap ang kaniyang Pamilya. Panganay sa limang magkakapatid, pumasok Siya sa pagiging Kasambahay at huminto sa pag-aaral para unahin ang mga Kapatid na mapag-aral. Wala na san...