Kinabukasan ay maagang lumakad ang Pamilya ni Shaine sakay ng Kotse ni Sir Raymart. Mabuti na lamang at ang Raptor niya ang dinala nito, nasa likod ng sasakyan ang mga lalaking Kapatid ni Shaine.
Dumaan lamang Sila saglit sa SBMA sa Subic Bay upang mamili ng mga gamit, sa dami ng napili ni Sir Raymart at Shaine ay kinabukasan na daw ito ma-idedeliver sa kanilang Bahay.
Pumayag naman si Shaine at nagkayayaan Sila na mag outing, dinala nila Shaine si Sir Raymart sa isang mamahalin na Resort sa Subic.
Doon na rin Sila kakain at namili ng mga gagamitin. Pati ng mga Damit nila at undies ay doon na binili sa SM Department Store.
Nagpaluto Sila sa caretaker ng Resort at doon ito niluto sa Hotel nila. Isang Family Room at isang solo room ang kinuha ni Sir Raymart.
Habang kumakain Sila ay hindi na natigil ang mga Magulang ni Shaine na pasalamatan si Sir Raymart.
"Sir, maraming salamat ha?"
Wika ni Inang."Wala po iyon, Raymart na lamang po."
Ngiti ni Sir Raymart."Raymart, maraming salamat."
Wika ni Itay."Wala pong anuman, Itay at Inang."
Sagot ni Sir Raymart.Biglang nabulunan si Shaine sa sagot ng Binata dahil Itay at Inang na rin ang tawag nito sa mga Magulang niya.
"Itay at Inang, ayaw po ata ni Shaine na ganoon ang tawag ko sainyo."
Sumbong ni Sir Raymart sa mga Magulang ni Shaine."Anak, huwag ganiyan. Hindi ka namin tinuruan maging bastos."
Pangaral ng kaniyang Itay."Opo, pasensya na po."
Wika ni Shaine at inirapan si Sir Raymart.Natawa na lamang ang Binata, hindi akalain ng Dalaga na may ganitong ugali si Sir Rayamart. Maasikaso ito sa mga Magulang at mga Kapatid ng Dalaga.
"Kuya Raymart, pwede po ba tayo mag paligsahan sa paglangoy?"
Aya ng Bunso kong Kapatid."Oo naman, tapusin mo na muna ang Pagkain mo at magpahinga ka. Pag gising mo maghaharap tayo. Gusto mo ba iyon?" Sagot ni Sir Raymart sa bunso kong kapatid.
"Sir Raymart, pakisamahan mo na muna ako mamaya mag withdraw sa Banko." Wika ni Shiane.
"Sige, para makabili rin tayo ng Pagkain." Pagpayag ni Sir Raymart.
"Mayroon pa namang Pagkain, Raymart." Tutol ng Itay ni Shaine.
"Para mayroon po tayong makakain mamaya." Wika ni Sir Raymart.
"Overnight po ba us, Kuya?"
Tanong ni Cindy."Oo sana eh, Papayag po ba kayo Itay at Inang?" Paalam ni Sir Raymart sa mga Magulang ni Shaine.
"Oo naman, walang problema. Pero kami ay mauuna na muna umuwi dahil ngayon ang dating ng ibang materyales para sa bahay."
Sagot ni Itay."Maari naman kayo dito maiwan, Anong gusto mo kainin bukas?"
Tanong ni Inang kay Sir Raymart."Gusto ko po sana ng Tahong, namimiss ko na po kasi ang Kumain ng mga lamang Dagat."
Pilyong sagot ni Sir Raymart habang nakatingin kay Shaine.Nanlaki naman ang mga Mata ni Shaine sa sagot ng Lalaki dahil nakatingin ito sakaniya habang sumasagot sa Inang niya kung ano ang gusto niyang kainin.
"Sige, Raymart. Maghahanda ako ng masasarap na seafood."
Sabi ni Inang."Maraming salamat po, Inang."
Wika ni Sir Raymart.Mag aabot sana ito ng P10k sa mga Magulang ni Shaine ngunit tinanggihan nila ito. Mayroon pa naman daw natitira sa mga Padala sakanila ni Shaine.
"Inang, tanggapin po ninyo ang Pera.
Barya lamang po iyan kay Sir Raymart." Wika ni Shaine."Oo Anak. Pero hindi maganda ang umabuso tayo sa kabutihan nila."
Pangaral ni Itay."Narinig mo ba iyon, Sir Raymart?"
Sarkastikong tanong ni Shaine."Shaine!" Sita ni Inang kay Shiane.
"Sorry po." Bulong ni Shaine.
"Tanggapin na po ninyo ito. Para hindi na po mabawasan ang ipon ninyo."
Sambit ni Sir Raymart at nilagay sa Kamay ni Inang ang Pera.
YOU ARE READING
POSSESSIVE WILD SERIES #7 ; SLAVE by SHAINE and Raymart
RomanceMAPANAKIT ‼️‼️‼️ Si Shaine Hidalgo ay gagawin ang lahat upang maiahon sa hirap ang kaniyang Pamilya. Panganay sa limang magkakapatid, pumasok Siya sa pagiging Kasambahay at huminto sa pag-aaral para unahin ang mga Kapatid na mapag-aral. Wala na san...