Hinahanda na ni Shaine ang mga gamit niya na dadalhin sa Bahay nila Raymart. Doon na daw muna Siya habang inaasikaso ang papel niya sa pag-aaral. Hindi niya pa magawang tawagan ang mga Magulang sa Probinsya dahil sa mga pangyayari simula ng dumating Siya sa Mansion.
"Shaine, sipagan mo pa lalo. Balang araw magbubunga ang lahat ng paghihirap mo."
Nakangiting payo ni Karla."Salamat, Karla. Pasensya na kayo at doon na muna ako kila Sir Raymart."
Paumanhin ni Shaine."Ayos lamang, mag ingat ka roon kay Sir Raymart, matinik sa mga Babae iyon at medyo attitude."
Irap ni Karla."Parang nga eh. Pero ayos lamang, ang mahalaga makapag aral ako habang binubuhay ko ang Pamilya ko."
Wika ni Shaine."Ganiyan, positibo lamang palagi. Di maglalaon at matatapos din ang lahat.
Kailangan lamang muna mag sakripisyo."
Wika ni Shaine."Akina nga ang number mo at FB mo, Karla. Para naman alam ko ang mga nangyayari dito sa Mansion."
Wika ni Shaine.Nagpalitan ang Dalawa ng Numero at in-add nila ang isa't-isa. Iniwan na Siya ni Karla at may gagawin pa raw ito, kaya tinuloy na niya ang pagliligpit.
Sumaglit ang Dalaga sa Kwarto ng kaniyang Amo at nagpasalamat.
"Ma'am Adriana, maraming salamat po sa kabutihan ninyo saakin."
Pasasalamat ni Shaine."It's okay, magsikap at magsipag ka lamang malayo pa ang mararating. Kunin mo na itong 50k, para may pang gastos ka habang inaayos ang mga Papel mo sa school. Dibale hindi ka rin naman pababayaan doon ni Glenda, mas Galante iyon. Daanan mo na rin si Sir Sebastian mo at magpasalamat ka."
Mahabang wika ni Ma'am Adriana."Ma'am Adriana, ang laki po masyado ng 50k." Nag a-alalang wika ni Shaine.
"Naku, mahal ang bilihin dito sa Maynila lalo na sa University. Itabi mo iyan para kung kailanganin mo may madudukot ka. Iyong sahod mo ay tuloy pa rin kahit na wala ka dito, ako ang bahala saiyo."
Paliwanag ni Ma'am Adriana."Ma'am, sobra sobra po ang kabutihan ninyo at ibinibigay saakin. Maraming salamat po and Godbless your Family."
Nahihiyang wika ni Shaine."Maliit na bagay yan, lalo at ilang taon ka pa naming makakasama sa mga Buhay namin." Wika ni Ma'am Adriana.
"Maraming salamat po!"
At niyakap niya si Ma'am Adriana habang humihikbi."Naabala ko ata kayo."
Natatawang sambit ni Sir Sebastian na kapapasok lamang ng Kwarto."Ay Sir Sebastian, maraming salamat po sa pagtupad ninyo ng Pangarap kong makapag aral po muli."
Hikbi ni Shaine."Walang anuman, basta sipagan mo lamang sa pag aaral."
Tapik ni Sir Sebastian sa likod ni Shaine."Opo, kung hindi po ninyo naitatanong consistent honor student po ako since Elementary hanggang Senior Highschool po."
Imporma ni Shaine."Then why didn't you push your Studies?" Tanong ni Sir Sebastian.
"May mga Schoolarships Program po pero sa pamasahe at pangkain pa lamang po ay wala na ako."
Bulong ni Shaine."Kunin mo na itong 45k at itabi mo para may pang gastos ka habang wala ka sa puder namin at nag aaral ka doon." Wika ni Sir Sebastian.
"Grabe po ang kabutihan ninyo saakin. Pangako, hindi ko po kayo ipapahiya sa pagpapa aral ninyo."
Umiiyak na wika ni Shaine."Mag i-ingat ka doon at magsabi ka lamang kapag may kailangan ka o may problema." Bilin ni Sir Sebastian.
"Opo, ingat din po sa buong Pamilya ninyo sa araw-araw. Maraming salamat po!" Wika ni Shaine.
"Oh sya, maligo ka na at aalis na rin kayo ni Raymart maya-maya."
Wika ni Ma'am Adriana."Opo, salamat po muli."
Ani ni Shaine.
YOU ARE READING
POSSESSIVE WILD SERIES #7 ; SLAVE by SHAINE and Raymart
RomansaMAPANAKIT ‼️‼️‼️ Si Shaine Hidalgo ay gagawin ang lahat upang maiahon sa hirap ang kaniyang Pamilya. Panganay sa limang magkakapatid, pumasok Siya sa pagiging Kasambahay at huminto sa pag-aaral para unahin ang mga Kapatid na mapag-aral. Wala na san...