Nasa Byahe na ngayon ang Dalawa at hindi nagsabi si Shaine sa kaniyang Pamilya na pauwi Siya. Gusto niya na ma surprise ang mga ito, pero hanggang nasa kalahati na Sila ng Daan ay hindi alam ng Dalaga kung paano niya ipapakilala si Sir Raymart sa kaniyang Pamilya dahil baka magtaka ang mga ito. Napansin naman agad ng Binata ang malalim na hininga ng Dalaga.
"I can stay sa hotel kung inaalala mo Ako." Wika ni Sir Raymart habang nagmamaneho.
"No, of course not. You can stay sa Bahay namin." Wika ng Dalaga.
"Are you sure?" Tanong ng Binata.
"Oo naman, sasabihin ko na Amo kita dahil iyon naman ang totoo."
Wika ni Shaine.Tumango ang Binata, sa paglipas ng Oras ay nakatulog ang Dalaga at nagising na lamang Siya sa halik ni Sir Raymart sa Labi.
"Andito na tayo sa Bayan ng Sna Antonio." Imporma ni Sir Raymart.
"Ang bilis naman natin."
Wika ni Shaine at tiningnan ang paligid."Mahaba lamang talaga ang tulog mo."
Biro ng Binata."Derecho ka lamang, ituturo ko kung Saan ka liliko."
Turo ng Dalaga.Sa pag derecho ng Binata ay napansin nito na maunlad na rin pala ang Turismo dito. Marami siyang nakita na mga Bakasyunita sa paligid, sa pag research ng Binata ay nalaman nito na maraming Resorts at Islands sa Zambales.
"Liko ka na diyan sa Naval Base, Brgy West Dirita." Turo ni Shaine.
"I see. May Sundalo ba sa Parents mo?"
Tanong ni Sir Raymart."Wala naman, diyan lamang kami may Bahay. Hindi Tayo aabot sa loob ng Kampo."
Sa pagtingin ng Dalaga sa daan ay muntik pa Sila maligaw dahil hindi niya makita ang Bahay nila.
"Bakit ganoon? Andiyan lamang ang aming Bahay eh."
Takang wika ni Shaine.Tatawagan na sana niya ang kaniyang Kapatid ng makita ng Dalaga ang kaniyang Itay na lumabas sa Isang Bahay at umupo sa harap.
"Ayan si Itay, Sir baba na po ako.
Paki park mo na lamang diyan sa Gilid ng Bahay."
Ani ni Shaine.Namangha si Shaine sa Ganda ng Bahay nila ngayon, kaya pala siya kamuntikan na maligaw ay dahil malaki na iginanda ng kanilang tahanan.
Nagmamadali ang Dalaga at halos patakbo na ang kaniyang ginawa, nais na niyang mayakap ang mga Magulang at mga Kapatid.
May kalakihan at maayos na ngayon ang kanilang Bahay, Masaya ang puso ni Shaine dahil hindi napunta sa wala ang Padala niya sa loob ng isang buwan pa lamang.
Nag expand ang kaniyang Itay kaya pala malaki ang Bahay tingnan sa labas, huminto ng Dalaga at inobserbahan ang Bahay nila ngayon.
Halos maiyak pa ang Dalaga kundi lamang Siya inakbayan ni Sir Raymart at niyaya na pumunta na sa Pamilya niya.
"Itay! Inang!" Sigaw ni Shaine.
Lumingon ang kaniyang Itay na nagkakape at sinilip Siya.
"Anak! Andito si Shaine!"
Sigaw ng Itay niya at naglabasan ang mga Kapatid niya at Inang niya."Ate Shaine!" Sabay sabay na takbo ng kaniyang mga Kapatid.
Nag-bless si Shaine sa mga Magulang gayun din si Sir Raymart na ipinagtak ng Pmilya ng Dalaga.
"Itay, Inang. Si Sir Raymart po, Siya po ang isa ko pang Amo."
Pakilala ni Shaine."Magandang hapon po." Bati ni Sir Raymart.
"Magandang hapon din po, Sir. Salamat po sa inyong kabutihan sa aming Anak. Halika pumasok ka."
Bati ng Itay ni Shaine kay Sir Raymart.
YOU ARE READING
POSSESSIVE WILD SERIES #7 ; SLAVE by SHAINE and Raymart
RomanceMAPANAKIT ‼️‼️‼️ Si Shaine Hidalgo ay gagawin ang lahat upang maiahon sa hirap ang kaniyang Pamilya. Panganay sa limang magkakapatid, pumasok Siya sa pagiging Kasambahay at huminto sa pag-aaral para unahin ang mga Kapatid na mapag-aral. Wala na san...