Maagang nagising si Shaine dahil kailangan niyang maglinis ng Manison at magdilig sa paligid tapos ay magluluto Siya ng Almusal nila ni Sir Raymart. Inabot Siya ng Dalawang Oras sa paglilinis, malinis naman ang buong Mansion kailangan lang nito ng Maintenance upang hindi nakakahiya.
Nagluto Siya ng Bacon, Sunny side up egg, Spam at nag Sangag din Siya. Hinanda na rin ng Dalaga ang Gatas at gamot na pampatanggal ng hangover ng Binata.
Hindi Siya nito ginalaw kagabi dahil nalasing din ito, ngunit hindi ito matulog hanggat hindi nakaka alis ang mga Kaibigan nito dahil baka daw kursunadahan ang Dalaga.
Maya maya ay kinatok na ng Dalaga ang Binata sa Kwarto nito.
"Sir, handa na po ang Pagkain."
Tapik ni Shaine ng marahan sa Binata.Tumayo naman ang Binata at dumerecho na sa Banyo nito, kaya naman lumabas na si Shaine para hintayin na lamang ang Binata sa Dining Table.
Pagbaba nito ay bagong ligo na at ang aliwalas nitong tingnan, ang kisig at gwapo ng Mukha ng Binata.
Samantalang si Shaine? Ayun amoy pawis pa at ang dugyot dahil inuna nito ang paglilinis, pagdidilig at pagluluto.
"Matapos kumain ay maligo ka na dahil pupunta na tayo sa Banko."
Bilin ni Sir Raymart habang ngumunguya."Opo, Salamat Sir." Wika ni Shaine.
Nang matapos nila kumain ay wala na Silang imikan, minabuti ng Dalaga na linisin ang kanilang pinagkainan.
Naligo na si Shaine at ng makontento na sa suot na Maong short at croptop ay lumabas na ito ng Kwarto.
"Ang hilig mo sa ganiyan pananamit."
Puna ni Sir Raymart."Ano ba dapat, Sir?" Inis na tanong ni Shaine.
"Magpalit ka dahil baka mapaaway lamang ako sa Daan kapag sinipulan ka ng kalalakihan."
Masungit na sambit ni Sir Raymart.Nagpalit na lamang ang Dalaga upang hindi na humaba ang kanilang usapan, suot na nito ngayon ang maluwang na Tshirt at pantalon.
"Tara na." Aya ni Shaine.
Tiningan Siya ng Binata at tumayo na ito palabas ng Mansion. Habang nasa daan ang Dalawa ay binilinan pa siya ni Sir Raymart.
"Sa pasukan ay sabay tayong papasok lalo na sa paguwi. Ayaw ko na makita kita na may kausap o kasama na ibang Lalaki. Maliwanag?"
Bilin ni Sir Raymart."Masusunod po, Sir." Sambit ng Dalaga.
"Magpapadala ka ba muna?"
Tanong ni Sir Raymart."Yes, Sir. Pakidaan na po muna diyan sa Cebuana." Sagot ni Shaine.
Nang makarating Sila sa Cebuana ay sinamahan pa ito ng Binata. Nilabas ng Dalaga ang Pera at iniwan sa kaniyang Bag ang P50k dahil P350k ang binigay sa kaniya ng Lalaki na kabayaran daw sa virginity niya.
Nang maihulog na niya ang P300k sa pangalan ng kaniyang Itay ay niyaya na niya si Sir Raymart at tinawagan si Cindy para makuha na nila ang hinulog ni Shaine.
Hello Cindy? Sinend ko na ang Control Number. Pakisamahan mo ang Itay na kuhain ang hinulog ko. - Shaine
Salamat, Ate. - Cindy.
P300k iyon, balitaan mo na lamang ako kung kulang pa. - Shaine.
Opo, Ate. On going pa ang pagpapa gawa ng Bahay dahil nag expand pa Sila Itay para sa Kwarto natin.
- Cindy.Salamat. Sa susunod na Padala ko ay baka mas malaki pa para makabili kayo iba pang mga kailangan. - Shaine.
Salamat, Ate ko. Mag-iingat ka diyan!
- Cindy.Salamats, kayo rin! - Shaine.
Nang maibaba ang tawag ay napalingon ang Dalaga sa sinabi ni Sir Raymart.
"Next week ay sasamahan kita umuwi sa Zambales. Bibili tayo ng mga kagamitan sa Bahay ninyo."
Pahayag ni Sir Raymart."Huwag na, kaya ko naman. Iniipon ko ang mga Pera na binibigay ng Pamilya mo saakin." Tutol ni Shaine.
"Basta, sasamahan kita bumili ng mga kagamitan at kakulangan sa inyong Bahay." Pinal na wika ng Binata.
"Salamat." Tugon na lamang ni Shaine.
YOU ARE READING
POSSESSIVE WILD SERIES #7 ; SLAVE by SHAINE and Raymart
RomansaMAPANAKIT ‼️‼️‼️ Si Shaine Hidalgo ay gagawin ang lahat upang maiahon sa hirap ang kaniyang Pamilya. Panganay sa limang magkakapatid, pumasok Siya sa pagiging Kasambahay at huminto sa pag-aaral para unahin ang mga Kapatid na mapag-aral. Wala na san...