Palabas na ng University si Shaine ng may huminto na Kotse sa gilid niya at nakita ng Dalaga na mga Kaibigan ito ni Sir Raymart. Maganda ang Kotse at andoon sa loob nito ang mga Kaibigan ng Sir Raymart niya na naging Bisita nito noong isang Gabi sa Mansion.
"Doon kami papunta sa Mansion ni Sir Raymart mo, Shaine. Sabay ka na saamin." Aya ni Jonatahan.
"Hindi na, malapit lamang naman."
Tanggi ni Shaine."Huwag ka ng mahiya, hindi ka naman namin sasaktan."
Natatawang biro ni Jonathan.Sumabay na ang Dalaga at doon Siya pinaupo sa harap, katabi ng driver's seat na si Jonathan.
"Maraming salamat."
Nahihiyang sambit ni Shiane pagkaupo sa loob ng Kotse."No worries, Shaine."
Sagot ni Jonatahan."Kamusta ang unang araw mo sa University?" Tanong ng kaibigan ni Sir Raymart.
"Maayos naman, may naging mga Kaibigan kaagad ako."
Sagot ni Shiane."Sabihin mo lamang saamin kapag may nambastos saiyo." Sabi pa ng isang Kaibigan ni Sir Raymart.
"Yes po, salamat." Tugon ni Shaine.
Pagbaba ni Shaine ng sasakyan ay naglakad na ito papunta sa kaniyang Kwarto at narinig pa ng Dalaga na binanggit nito ang pagsabay ng mga Kaibigan nito sa Dalaga.
"Raymart, sinabay pala namin si Shiane. Palabas na Siya ng University kanina kaya hinintuan na namin at sinabay pauwi dito."
Imporma ni Jonatahan.Wala namang narinig si Shaine sa sagot mula kay Sir Raymart hanggang sa makarating Siya sa kaniyang Kwarto.
Nagbihis Siya ng simpleng pambahay na Tshirt at Maong pants para hindi na Siya sitahin sa sout niya ni Sir Raymart.
Dumerecho na Siya sa Kusina at naghanap ng mailuluto, habang nakasalang ang lulutuin niya ay naglabas na si Shaine ng Alak para ibigay sa mga Bisita ni Sir Raymart.
Andoon ang mga ito sa Pool side ng Mansion. Mabilis siyang kumilos dhail baka masunog ang kaniyang niluluto sa Kusina. Nilapag niya ang mga Alak doon at napansin niya na may Apat na Babaeng Bisita din.
"Sino Siya?" Maarteng tanong ng isang Babae.
"Si Shaine, paaral ni Mamuta Adriana at Mom Glenda." Sagot ni Sir Raymart.
"Hi, Shaine! I'm Ina." Pakilala ng maarteng Babae.
"Hello po, ako po si Shaine."
Nakangiting sagot ni Shaine."I'm Kendall!" Ngiti ng isang Babae na maganda at makinis.
"I'm Ross!" Sambit ng isang Babae na Matangkad at morena.
"I'm Kristine, gf of Raymart."
Mahinhin na sambit ni Kristine na mukhang Buhay na Manika sa sobrang Ganda.Nagpaalam na muna si Shaine ay binalikan ang Kusina. Nagprepare na Siya ng Pork at tokwa, Dinakdakan at Buffalo Wings.
Hinatid niya na ang mga Pulutan sa Poll side at niyaya pa siya ni Ma'am Ina na Umupo kaya wala siyang nagawa kundi umupo sa tabi ni Jonathan dahil doon lamang may bakante.
Pag angat ng tingin ni Shaine ay nakita niya kung paano dumilim ang paningin ni Sir Raymart.
"Doon na lamang po muna ako sa Kusina." Paalam ni Shaine.
"Just sit, Shaine. Pagbigyan mo naman kami na makainuman ka."
Wika ni Jonatahan na pinigilan ang Kamay ni Shaine.Sa pagbalik ni Shaine sa pagkaka upo ay hindi sinasadya na mapaupo Siya sa Kandungan ni Jonathan.
"Shaine, dito ka tabi ko umupo hind sa Kandungan ko. Baka magalit ang Monster Dick ko."
Halakhak ni Jonathan at tinayo si Shaine upang alalayan na makaupo ang Dalaga sa tabi nito.Hiyang hiya ang Dalaga at sa muling pag-angat niya ng tingin ay Mukha ni Sir Raymart na galit ang kaniyang nakita.
YOU ARE READING
POSSESSIVE WILD SERIES #7 ; SLAVE by SHAINE and Raymart
RomanceMAPANAKIT ‼️‼️‼️ Si Shaine Hidalgo ay gagawin ang lahat upang maiahon sa hirap ang kaniyang Pamilya. Panganay sa limang magkakapatid, pumasok Siya sa pagiging Kasambahay at huminto sa pag-aaral para unahin ang mga Kapatid na mapag-aral. Wala na san...